Paghihiganti ☆ Part 2

149 2 0
                                    

Lihim na pinagtatawanan nina Loira at Maria si Trixie.Dahil ganda lang ang puhunan lang pala nito.Walang laman ang kukuti.Lage itong palpak sa pagpapaimpress kay Don Lauro.
"Kung di lang dito ang province ni Larry di ako pupunta dito.Hay naku Scarlet I hate this place.Duh wala man lang bar man lang.Lage tanim ang inaatupag ng matanda."may kausap si Trixie sa celpon nito.Nasa balcony ito ng ancestral house ng mga Tolentino.Luma na ang bahay na iyon.Pinarenovate lang ni Don Lauro.Dahil maraming alaala ito sa yumaong kabiyak.Taga doon talaga ang mother ni Rico.At simpleng dalaga lang doon noon.Pinaasawa kay Lauro dahil daw pagtaga probinsya maaasahan.Itong anak niya ayaw sa gusto niyang manugang.Ang mother noon ni Maria na ngayon pumanaw na din.Dahil namatay ito matapos manganak kay Maria.At nagsuicide ang mister nitong farmer.Dahil sasamahan daw nito sa hukay ang misis nito.Kaya naulila si Maria maaga pa.Dahil sa pagmamahalan ng dalawa.Kahit sa kamatayan nagsasama ang mga ito.Kaya di na din nalulungkot si Maria.Dahil hopeless romantic daw ang Papa niya.At may kasama na ang Mama niya sa kabilang buhay.
"Sana malaman ni Senyorito Larry na peke ka pala."biglang nagsalita si Maria dahil peke pala ang ugali ng babae.
"Maria wag ka na kasi magsalita.Baka pagalitan na naman tayo."dali daling hinila ni Loira si Maria.Nanunungkit sila ng mangga doon sa balcony ng bahay.Dahil may katabing puno ng Indian mango doon.
"So nakikinig kayo sa sinasabi ko through phone.?Bakit kayo nandito isusumbong ko kayo ni Tita Laarnie."sumbungera si Trixie para di din siya isumbong ng mga ito sa Don.
"Nanunungkit lang kami ng mangga ni Loira.Di namin inaasahan marinig namin na may kausap ka.!"matapang sagot naman ni Maria.
"Trixie what happen.?"biglang dating ni Laarnie sa balcony.
"Kasi Tita itong mga bata na ito.Sobrang mga maldita.Sinasabi nilang di daw nagagalit si lolo Lauro sa kanila.Kaya umastang may ari din ng ancestral home ninyo."exaggerated na sumbong ni Trixie kay Laarnie.
"What?hoy mga anak lang kayo ng katulong dito.Who told you na pumunta kayo dito sa balcony.Doon kayo nababagay sa lugar ng mga katulong."binalya ni Laarnie ang dalawang kawawang bata.Nagkalat tuloy ang mangga sa supot na dala dala nila Maria at Loira.
Walang nagawa sina Loira at Maria kundi ang umiyak.Dali dali nilang pinupulot ang mga mangga nila.
"Maria at Loira bakit kayo umiiyak.?Sinong nang aaway sa inyo.?"niyakap ni Don Lauro ang itinuring na niyang mga apo.Itong mga bata na ito ang nag aalaga sa kanya araw araw.Halos doon na ito magtatambay pag walang pasok ang mga ito.Sa balcony manunungkit ang mga ito ng mangga.Yon lang ang kaligayahan ng dalawang pobreng bata.
"L-lolo di po namin sinasadya ni Loira marinig si Maam Trixie may kausap sa celpon po.N-nagalit po sila sa amin at binalya kami ni Maam Laarnie sa sahig."humihikbing sumbong ni Maria sa Don.
"L-lolo pag may bisita po kayo dito sa bahay ninyo.Di kami pupunta na lang ni Maria."segunda naman ni Loira.
"Laarnie sinasaktan mo ang mga bata.?Tambayan nila ang balcony.Anong problema ninyo kina Loira at Maria.?"galit na tanong ni Don Lauro.
"P-papa Sabi ni Trixie umaasta silang mga amo din sa bahay na ito.Bisita natin si Trixie Papa.Anak siya ng bussiness partner ni Rico."giit naman ni Laarnie.
"Pakialam ko sa company ng mister mo Laarnie.?Sila Loira at Maria ang nag aalaga sa akin dito.Imbes kayo na pamilya ko.Pati si Larry madalang na bumisita dito.Ayaw mo din dito na lang tumira.At alam ng lahat dito na tinuturing ko na sila Maria at Loira na mga apo.Dapat makibagay iyang bisita mo sa mga apo ko.Mga apo balatan na ninyo iyang mangga at kakainin na natin dito.Aba pamamahay ko ito at paborito naming tambayan dito sa balcony.Kayo ang dapat umalis dito ngayon din.Alam kong napipilitan lang makitungo iyang si Trixie na iyan sa akin.Iha sila ang magulang ni Larry.Eversince wala akong karapatan sa sarili kong apo naman.Dont bother na magpaimpress sa akin.Kayo bumaba na kayo doon.Naalibadbaran ako sa pagmumukha mo Laarnie sa totoo lang."pagtataboy ni Don Lauro sa manugang na matapobre.
"Papa lage mo bang pinapahiya si Laarnie.Dekada na diba pero di mo pa rin siya tanggap.Di mo naman kaano ano iyang mga bata na iyan."dumating si Rico kasama si Larry at pinagtanggol ang misis niya.
"Di ko sila kaano ano pero may malasakit sila sa akin.Baka nakakalimutan mo Rico na ordinaryong tao lang ang Mama mo.Nakikinig ako sa magulang ko noon.Kaya wala kaming problema dito sa Sta.Mesa.Bakit  mo ba sinasama iyang asawa mo kung di niya gustong pakitunguhan ng maayos ang mga tao dito sa pamamahay ko.?"bulyaw na ni Don Lauro sa anak.
"Gusto niyang maging Close sa inyo noon pa Papa.Pero talagang ayaw mo sa kanya.Gusto mo kasi asawahin ko noon ang anak ng kusinerang si Peryang.Nakakahiya iyon sa alta syudad na ginagalaw ko Papa pag nagkataon."giit ni Rico dahil may kaya din naman ang angkan ni Laarnie.Kaya di niya sinunod ang ama.Para kay Rico ang mayaman ay para sa mayayaman lang.
"Parang sinasabi mo nahihiya ka sa pinagmulan ng sarili mong Ina Rico Tolentino.Pwes di kita bibigyan ng hinihingi mong pabor sa akin.At pwede ba wag na kayong bumalik dito.?Kinahihiya mo pala ang nagluwal sayo gagu ka.!"binato ni Don Lauro ang flowers vase sa harapan ng anak.
"Lolo huminahon ka po.Baka magkakasakit po kayo ng high blood.Tayo na po sa kuwarto ninyo po.Loira alalayan natin si Lolo."nag aalala ng husto sina Maria at Loira kay Don Ramon.Kaya sumama na ito sa mga bata.
"Trixie ano ba ang sinumbong mo kay Mommy.?Bakit ka ba napatol sa mga bata.?"inis na tanong ni Larry sa gf niya.
"Laarnie dapat magsorry ka kay Papa.Di pwedeng di niya ako bigyan ng pera.Urgent iyon kelangan sa company iyon.Dahil palpak ang naunang project namin ni Robert Valdeza.Kelangan namin ng 10 million urgent na iyon.Di pwedeng manghiram si Robert sa ex wife niya naman."problemado si Rico ngayon dagdag pa ang awayan ng ama niya at ng asawa niya.
Ang angkan ng ex wife ni Robert Valdeza ay sobrang yaman sa London.Kaya nakuha ni Lara ang costudy ng anak nilang si Teo.At ngayon gastador pa ang mag ina niya ngayon.Kaya ang company lang nila Rico ang inaasahan lang din ni Robert.Silang dalawa ang nagtayo ng company na iyon.Noong una tumulong si Lara Blake sa kanila.Pero naghanap pa ng kabit si Robert at yon ang Ina ni Trixie na si Teresa.Kaya nauwi sa devorce ang pagsasama nina Robert at Lara.Bobo kasi si Robert Valdeza inuna ang libog kesa sa karangyaan na sana.Ngayon nagsisi siya dahil tumatanda din si Teresa.Nauumay din siya tulad sa nararamdaman niya kay Lara noon.Sa kasalukuyan may kabit uli ito at pati si Rico may batang kinikita palihim.Para sa kanilang dalawa titikim sila ng mas bata pa kesa sa mga misis nila.Dahil thrill iyon sa sexlife nilang magkaibigan.Nakakabata iyon sa puso nina Robert at Rico.Forever na yatang playboy silang dalawa.Wala ng Lunas pa iyon.
Kaya napipilitan si Laarnie maging mabait pati kina Loira at Maria.Para di na magalit ang byenan niya sa kanya.Nakasalalay ang kabuhayan nila sa company nila ngayon.At dapat tulungan niya si Rico makahiram ng pera sa ama mismo nito.
"Loira at Maria sumabay na kayo sa amin maghapunan."tawag pa ni Laarnie sa dalawang bata.
"Salamat na lang po uuwi na po kami.Lolo wag kayong sobrang magalit.Babalik na lang kami ni Loira sa Sabado po.Sabi ni lola di daw na kami pwede pumunta dito pag may bisita po kayo."malungkot si Maria dahil di na niya makikita si Larry.
"Mga apo wag na lang ninyong pansinin ang mga iyan.Malulungkot ako pag di kayo dumadalaw dito.Kayo hayaan ninyo sila Maria at Loira maglaro sa kabahayan.Kung ayaw ninyo talaga sa kanila bumalik na lang kayo ng Manila lahat.Wag na kayong magbakasyon dito sa Sta.Mesa."maawtoridad na saad ni Don Lauro.
Kaya simula noon naiinis na si Trixie sa dalawang dalagita.Dahil ang mga ito ang gusto ng lolo ni Larry.Siya klarong ayaw nito sa kanya talaga.Dahil inisip niya taga Manila siya.Ang kinatatakutan ni Trixie na isa kina Loira at Maria ang ipaasawa nito kay Larry balang araw.Kaya sinabi niya ito sa parents niya.At assured naman nina Laarnie at Rico na siya ang magiging daughter in law nito wala ng iba pa.

PaghihigantiWhere stories live. Discover now