Paghihiganti ☆ Part 5

73 2 0
                                    

Nagulat si Trixie dahil nandun ang half brother niya bigla sa Sta.Mesa.
"K-kuya Teo what are you doing here.?Larry si kuya Teo brother ko.Di ko alam na umuwi siya sa Pinas."takot si Trixie kay Teo sobrang blunt itong nilalang.At sinasaktan talaga siya nito nong mga bata pa sila.Bago ito pumunta ng London nagsama sila ng ilang taon.Brutal si Teo sa kanya talaga.
"Dito ang province ni Papa Lando.At pinsan ko si Loira.Balita ko inaaway mo sila Trixie.Spoiled brat ka pa rin at childish pa."galit ang mga mata ni Teo na nakatingin kay Trixie.
"Away bata lang iyon dude don't worry."kalmante naman ani ni Larry.
Di nag abalang pansinin ni Teo ang si Larry.Binalatan niya isa isa ang ice cream na bitbit na ng mga bata.
"Ako na ang magbabalat niyan Maria."biglang bumait si Larry kay Maria.Para matulungan ang Daddy niya sa financial problem nito.
"Ok lang po kaya ko naman po.Baka magalit iyang gf mo na naman sa amin."lumipat si Maria at naupo sa bandang likuran ni Teo.Sumandal pa sila Loira at Maria sa likod ni Teo at nakikipagkwentuhan kay Thea.Para sa kanila kuya na nila si Teo na magtatanggol sa kanila simula ngayon.
"Ah Maria at Loria come here.Magsosorry lang kami lalo na ako.Exaggerated lang ako kahapon.Binilhan ko pala kayo ng tig isang smartphone."pero cherry mobile iyon mumurahin lang binili ni Laarnie din.Para pampalubag loob iyon kina Maria at Loria.
"Salamat na lang po may tig isang iPhone na po kami ni Maria.Pasalubong ni Tiyang Lara sa amin kagabe."taas noong pinakita nina Loira at Maria ang iPhone nilang dalawa.
"New latest iPhone iyan kuya ah."di nagustuhan iyon ni Trixie.
"May problem ba ganyan din ang iPhone namin ni Tristan ah.Money iyan ni Mommy namin at si Kuya Teo ang pumili ng brand."malditang sabad naman ni Thea.
"W-wala naman problem.Larry teach me how to pick some fruits.I wanna help them."umiiwas na lamang si Trixie dahil kasama pala ang mother ni Teo sa Sta.Mesa.
"Trixie aakyat pa sa puno para mamitas.Di mo kaya iyan Babe."sagot naman ni Larry.
Biglang pinindot ni Maria ang music sa iPhone niya.Di niya nagustuhan ang pagtawag ni Larry ng Babe kay Trixie.Napupuna iyon ni Teo at kahit di magsalita si Maria.Si Larry Tolentino pala ang crush nito.Will bata pa si Maria at malamang maging broken hearted iyon balang araw.Klarong walang amor si Larry sa dalagita.At handa niyang sasaluin si Maria Loraine kahit anumang mangyari.Siguro naramdaman na ni Teo ngayon ang sinasabing pag ibig.Tamang tama gusto ng Mommy niya na taga probinsya ang mapapangasawa niya.Nakaset up na ang puso niya ngayon pa lang.Asawahin niya si Maria balang araw.
Naiinis si Trixie dahil pouring puri ng mga tao doon sina Loira at Maria.
"Nong may mild stroke si Don Lauro.Simula noon sila na nag aalaga sa kanya.Siguro 12 yrs old pa lang silang dalawa noon.Dito natumba bigla kasi si Don Lauro.Aba umiiyak silang nagsisigaw  tumawag ng tulong.Sa awa ng Dyos gumaling agad si Don Lauro.Papagalitan si Don nila pag uminom kahit konting labanog lang."kwento ni Mang Isko.
"Mas swerte nga ako kina Loira at Maria.Di nila ako kaano ano pero sobrang malasakit nila sa akin.Pero may anak ako at apo.Bihira nga lang tumawag at mangumusta.Wala na din akong inaasahan kay Larry.Wala siyang pakialam sa akin.Puro lakwatsa lang ang alam pag bumisita naman dito sa Sta.Mesa."hinanakit ni Don Lauro sa anak at apo.Sinisi niya si Laarnie naimpluwensyahan nito ang mga ito talaga.
"Papa busy naman si Rico sa company.Pati ako may jewelry shop din doon sa Manila.Ano kaya kung sumama na kayo sa amin doon."suggest ni Laarnie pakitang tao talaga siya.Para di siya masabihan na masamang manugang.
"Dito ang kabuhayan ko at sumpaan namin ng misis ko na dito na din ako mamatay."ani ni Don Lauro.
"Lolo matagal ka pang mamatay.Mag aaral kaming mabuti ni Loira.Para tumagal pa ang buhay ninyo."dali daling yumakap sina Maria at Loria kay Don Lauro.
"Di na kami aakyat lage ng mangga lolo.Para di ka mag aalala lage sa amin."umiiyak na tuloy sina Loria at Maria.
"Aba sa akin di ninyo sinabi iyan.Ginayuma ba kayo ni Don Lauro."biro na ni Peryang para tumahan na ang dalawa.
"Namamalo kasi kayo ni Tiyang lola.Si Lolo maayos kami pinagsasabihan lage."pangangatwiran pa ni Maria.
"Dito ako sa Sta.Mesa di ako aalis.Pag pumunta ako ng Manila maaring maaga akong matigok sa bahay ninyo Rico."makahalugan na ani ni Don Lauro sabay tingin sa manugang niya.
"Loisa umiiyak si Lizzy.Kaya pumunta na lang kami.Dahil mag isa lang daw siya naglalaro sa bahay."karga ni Lando ang pamangkin at nakaabresyete naman ang asawa niya sa braso niya.
"Lando ito na ba ang asawa mo.Kay ganda niya pala.Swerte ka maganda ang lahi ninyo."magiliw na bati ni Mang Isko kay Lara.
"Salamat po nakakahiya naman.Umuwi kami ni Lando para bumili ng palayan.May alam po ba kayo nagbebenta ng lupa.?"tanong agad ni Lara.
"Ah meron at mas mabuti din bilhin ninyo yong gilingan ng palay.Para din may kita buwanan.Sa likod bahay ng bahay nila Peryang maganda ang manukan at babuyan.May poso negro kasi doon madaling Linasan ang kulungan."tinodo na ni Mang Isko ang negosyong alam niya na Patok sa bukirin doon sa kanila.
"Malamang kami magpapakain ng mga Baboy at manok kung meron man."napakamot sa ulo sina Maria at Loira.
"Kuya plano na namin iyon ni Tiyang Peryang.Kaso kulang kami ng puhunan.May tanim kami mga gulay din sa likod bahay.Yong pinapadala mo binili na namin ni Tiyang ng lupa sa likuran ng bahay natin.Nagpapadala si ate Stella sa dalawang iyan.Kaya may sariling pera sila lage.Kulang lang namin kulungan at pwede paisa isa lang bumili ng Baboy at mga manok.
"Lando pag tumanda na tayo gusto ko dito na manirahan.Sobrang polluted at maingay sa city diba.?Magnegosyo na tayo simula ngayon."biglang sabi ni Lara naenganyo siya tumira doon sa Sta.Mesa.
"Kung sabagay presko dito talaga mahal.Mang Isko samahan mo ako bukas pwede ba.?Titingnan ko ang sinasabi mo."payag na si Lando para masasamahan din niya ang kapatid na single Mom sa tatlong pamangkin niya.
"Ah excuse me Lara bakit ayaw mo papuntahin si Teo sa bahay nila kumpareng Robert.?Mabait naman si Teresa Ah.Lage nga niyang kinukwento si Teo sa lahat.2 yrs daw ang gap ni Teo kay Larry right.?Sana maging magkaibigan sila.Para soon sila ang mamahala sa company nila Rico at Robert."biglang lapit ni Laarnie kay Lara.
"Pardon yon ba ang kwento ng Teresa na iyon sa inyo.?Si Teo ang ayaw ng bumalik sa Manila.Di ko siya pinipigilan minsan."taas kilay na sagot ni Lara di niya kilala itong Laarnie Tolentino na ito.Pero balita niya bff ito ni Teresa.Ang babaeng sumira sa pagsasama nila noon ni Robert.Pero mabait ang Dyos kay Lara.Ibinigay sa kanya si Lando na wala sa kalingkingan si Robert Valdeza kung ugali ang pag uusapan.
"Si Lando Magpayo ang father ko.Hindi si Robert Valdeza.Mommy wag kang lumapit sa babaeng iyan.Bff iyan ni Teresa pareho likaw ng bituka."nilayo agad ni Teo ang Ina kay Laarnie.
"Laarnie wag ka nang makialam sa buhay nila.Ang atupagin mo paano makuha ang loob ni Papa.1 month lang dapat tayo dito sa Sta.Mesa."bulong ni Rico sa misis niyang iba ang inaatupag ngayon.Buti na lang tumalima ito sa kanya agad.
Kinabukasan dinala nila Loira at Maria sa water falls ang mga bisita nila.May Sapa din doon at doon naglalaba ang mga residente doon.
"Bawal kami doon sa malalim kuya Teo.Pag kasama namin sina Liam at Lizzy."may dala pang gamit pang paligo sila Loira at Maria.
"Kaya di namin sinasabi kina Liam at Lizzy pag minsan gusto namin maligo talaga dito.Aba umiiyak itong bulinggit na ito.Inggitera gusto sumama lage sa amin."nakashorts ng maiksi at sando lang na manipis si Maria ngayon.Nakataas pa kilikili nito dahil may Bilao sa ulo nito.
"Babae akin na iyang dala mo.Nakataas pa iyang kilikili mo."kanina pa concern si Teo sa itsura ni Maria.Napapalingon ang mga binata doon nadadaanan nila sa tatlong dalagita na Lutang ang ganda talaga.
"Nagshave lage kami ni Loira naman.Teka may buhok pa Liam kilikili ko.?"tinanong pa ni Maria ang batang lalake.Napahagikgik pa ito at umiiling lang si Liam.
Natatawa na lamang si Teo sa dalawa.Nahawa agad si Thea sa kakulitan ng mga ito.Di na naiilang si Maria sa kanya talaga.Siguro pag dalasan nila ang pagbakasyon sa Sta.Mesa.Siguro magiging close sila pati kay Maria.

PaghihigantiWhere stories live. Discover now