Matapos nagpacheck up si Loira sa bayan.Pati sina Maria at Thea nagpacheck up din.Dahil gusto nilang magbuntis na ng sabay.
"May goodnews at badnews.Ano ang gusto ninyong unahin ko mga misis.?"seryosong tanong ng OB sa kanilang tatlo.
"S-syempre po goodnews doktora."kinakabahan na sagot ni Loira sa OB.
"Goodnews buntis ka Loira at pati ikaw Maria.Si Loira 1 month na si Maria 3 weeks pa."pagbabalita ng OB.
"D-dont tell me unfertile ako Doc.?"umiiyak bigla si Thea inisip niyang atat ng magkaanak si Jade.Pero kung baog siya paano na.?
"Not totally unfertile 30 percent ang chance na magbuntis ka Thea.Mababaw lang kasi ang matres mo.At madali kang makunan kung di ka papalarin."malungkot na sagot ng OB kay Thea.
Umiiyak ang tatlo dahil sa kalagayan ni Thea.Di nila makuhang maging masaya dahil nga sa bad news na iyon.Nag alala ang mga mister nila dahil nag iiyakan ang tatlo.Nang makauwi sila sa bahay nila sa Baryo.Tinatanong ni Lara ang mga ito.
"M-mommy sabi ng OB mababaw daw ang matres ko.A-at 30 percent daw ang chance na magkaanak kami ni Jade."humihikbing ani ni Thea.
"Babe ok lang iyon sa akin na di tayo magkaanak agad.Ang di ok sa akin ang ma depress ka."pang aalo ni Jade sa misis niyang kanina pa umiiyak.
"Hay naku mga anak unfertile nga ako pero tinanggap ko ang bagay na iyon.Will sa awa ng Dyos naisilang si Maria.Kaya inisip ko na lang na swerte pa rin ako.Si Thea may pag asa pang magkaanak.Kaya wag kayong mawalan ng pag asa.Ganun talaga ang buhay mga anak.Dadaan ang lahat sa mga pagsubok.Para tumatag pa lalo tayo sa pagharap sa bukas."world of wisdom ni Stella umuwi na siya sa Baryo nila magtatayo na lang siya ng bussiness doon sa Sta.Monica.Para maalagaan na ang Ina niya.Di na siya babalik ng Japan pa.
"T-tama si Tita Thea buntis kami ni Loira.Kaya isipin mo rin anak ang mga baby namin ok.P-pag nabuntis ka dapat iingatan natin mabuti."niyakap ni Maria at Loira ang kaibigan.
"Ok sorry Jade ha."gumaan na ang pakiramdam ni Thea sa advice ng Tita Stella nila.
"Dont say that Thea marami namang paraan para magkaanak tayo.Wala kang kasalanan sa bagay na iyon.Kaya stop crying na ok."malumanay na ani ni Jade sa asawa.
"Tama na ang iyakan itong Mommy ninyo mababaw ang matres sabi ng OB.Pero tatlo kayo naisilang naman niya.Kung bibigyan talaga kayo ng blessing ni Lord.Ibibigay iyon sa inyo kahit impossible pang mangyari iyon."nakangiting ani ni Lando na may dalang maraming mangga na hiniwa.
Kaya nakalimutan na ng tatlo ang pinoproblema nila.Favorite nila ang mangga hilaw man or hinog.Lalo na ngayon buntis sina Maria at Loira.Sobrang saya ni Matteo may kalaro na daw siya soon.
Samantalang nag iiyak si Trixie.Di siya makahanap ng murang abogado lang.Matatalo na ba siya ni Maria.?
"Trixie kasal na si Teo at Maria.Kaya wag ka na mag aalala kay Larry.Bago ka pa makulong umalis ka na sa Villa ng mga Tolentino."advice ni Trinidad sa anak niyang spoiled siya naman ang dahilan kung bakit kay tigas ng ulo nito.
"P-pero Mommy di mo ba mapakiusapan si Daddy.?"pamimilit ni Trixie.
"Trixie may sakit ang Daddy mo.At gusto niyang pakiusapan si Teo nga about financiall support natin.Pero ito ikaw kinakalaban mo si Maria.Tang ina kang bata ka wag kang makasarili.Kelangan din namin mabuhay ng Daddy mo."galit na talaga si Trinidad sa anak niya.
"S-sige Mommy aalis na kami ni Trio dito."walang nagawa si Trixie kundi ang magdesisyon na umuwi na lang muna ng Manila.Dahil galit pa ang parents niya.
"Boba ka talagang bata.Dapat nakipag areglo ka na nong nagharap harap kayo.Ngayon na ifile na ang kaso laban sayo.Ganito ang gawin mo pumunta ka kay Teo.Magmakaawa ka sa kanya na iurong niya ang kaso laban sayo.Kay tigas kasi ng bungo paano si Trio pag nakulong ka.?Sa totoo lang ayaw ng Daddy mo gumastos pa ng pera dahil sa kahibangan mo lang daw."namoblema din Trinidad dahil sa kaso ng anak.
"M-mommy samahan mo ako pag kinausap si kuya Teo.Takot ako sa Ina niya."naintimidate si Trixie sa Ina ni Teo Valdeza.Dahil nga secretary lang yong Ina niya noon.Pero si Lara ay mayaman ang angkan.Ang company ni Teo na pinamamahalan ay company ng Ina nito.
"Sige di ako takot kay Lara."taas noong ani ni Trinidad para sa kanya mas maganda siya kay Lara.Dahil siya ang pinili ni Narciso Valdeza at itsapwera lang ito kahit mayaman pa.Yon lang ang paniniwala ni Trinidad.Pero ang katotohanan inagaw niya si Narciso kay Lara kahit di pa annulled ang mga ito.Arrange marriage man ang lahat sa pagitan nina Narciso at Lara.Ang katotohanan din na si Trinidad ang sumira sa pamilya Teo Valdeza.
Kampante sina Trinidad at Trixie na pumayag si Teo sa pakiusap lamang.
"Aba kay kapal ng pagmumukha ng malanding ito.Nagawa ninyo pang pumunta sa bakuran namin.!"nakapameywang saad ni Lara may dala itong walis tingting.Dahil naglilinis sila sa malawak na bakuran.Tataniman nila ito ng mga mga bulaklak sa harapan ng malaking bahay na nila.
"Siya ba yong asawa na ngayon ng ex husband mo.?Bulag yata ang ang ex husband mo Lara."mapang insultong tiningnan ni Stella mula ulo hanggang kuko si Trinidad.
"Sexy ako dati kaya nabighani sa akin si Narciso.!"mayabang na ani ni Trinidad dahil ngayon matatawag na siyang mataba.At laylay na ang dede niya gamit na gamit siya ni Narciso Valdeza sa totoo lang.Di niya alintana maging sex slave din sa asawa na niya ngayon.Pakasalan lang siya at mamuhay na tulad ng isang Reyna ok na iyon ni Trinidad.At wala siyang pakialam kung may maaapakan man siyang tao.Kaya lumayas si Teo Valdeza papuntang London dahil pinakasalan ng ama nito si Trinidad.Simula noon di na umuwi si Teo sa Pilipinas.
"Tse ang sabihin mo malandi ka lang at magaling ka lang sa kama.As if di ko alam na sexslave ka ni Narciso Trinidad."pang iinsulto ni Lara kay Trinidad.
"M-mommy wag kang makipag away.Nandito Tayo para makipagsundo."bulong naman agad ni Trixie baka makalimutan pa ng Ina niya ang sadya nila doon.
"S-si Teo ang sadya namin dito hindi naman ikaw Lara."biglang kalma ng boses ni Trinidad.Lulunukin na lang niya ang pride sa ngayon.Para lang sa ikabubuti ng anak niya.Si Narciso wala ng silbi at baldado na.Kaya kelangan nila si Teo para sa kabuhayan na nanganganib ng mabankrupt na.
"Anak ko si Teo may pakialam talaga ako Trinidad."malditang sagot ni Lara sa bruhang babae.
"Mommy stop it nandito tayo para makipag ayos sa kanila."saway na talaga ni Trixie sa bungangerang Ina.
"Huhulaan ko Trixie Valdeza tinablan ka ng takot noh.?Takot kang makulong noh."sabad naman ni Maria na nakataas ang kilay.
"Yeah takot ako dahil maiiwan ko ang mag ama ko Maria.At ayaw ko din mapalapit ulit si Larry sayo."sarkastiko pang saad ni Trixie.
"Ganyan ba ang tamang asal nang gustong makipag ayos.?Trixie wala ka bang mahanap na abogado ha.Inayawan ka ba ni Caroline dahil alam niyang matatalo ka sa korte.Di naman pala boba si Caroline.Pero diba sabi ko oras na umakyat na ang kaso wala ng areglo."madiin na deklara ni Teo na nakaalalay lang kay Maria.Di niya namalayan na nakasimangot ito ng banggitin niya ang ex gf niya na si Caroline.Binigyan pa niya ng compliment.Kahit kelang insensitive minsan ang mga lalaki.Selosa si Maria at buntis pa.Gusto na nitong kalbuhin ang mister na walang kaalam alam sa kasalanan niya.
"T-teo kapatid mo din si Trixie.At maysakit ang Daddy mo.Uuwi na daw siya ng Manila agad.Di na niya ipipilit ang karapatan na sinasabi niya.Kapos ang Company alam mo iyon Teo.Kaya pakiusap iurong ninyo ang Demanda laban kay Trixie."pakiusap ni Trinidad bigla.
"Yon na nga ba ang sinasabi ko makiusap kayo kay Teo.Saan na ang tapang ninyong mag ina.?Pag kayo ang may atraso isang sorry lang ba tapos na agad ang usapan.?Ano Teo iurong ninyo ba ang Demanda.?"galit na si Lara talaga gusto na niyang ilampaso ang mga ito sa tiles nilang sahig sa sala.
"Kahit kapatid pa ni Teo si Trixie Mrs.Valdeza wala akong pakialam.Marami na siyang atraso sa akin.At panahon na maningil.Alis kayo di ako makikipag areglo."may dala ng baseball bat si Maria yon baseball bat nina Liam at Tristan.
"Jusmeyo kanino bang pamalo iyan apo.?Akin na nga iyan baka ikaw pa itong makulong hindi ang babae na iyan."dali daling kinuha ni Peryang alam niyang Tigre ang buntis.
YOU ARE READING
Paghihiganti
De Todomatapos masaktan ay babangon si Angela Loraine para balikan ang nanakit sa kanya