Paghihiganti ♡ Part 34

54 1 0
                                    

Dahil sa delikado si Maria doon sa Britanya pinauna ni Luca sila sa Pinas.
"Paano ka kuya Luca.?"nag aalangan si Maria iwan ang nag iisang kapatid doon sa Britain.
"Wag kang mag alala totoong kadugo nila ako.Siguro naman di nila ako maano dahil sa nangyari sa mother ko ngayon.Susunod ako sa inyo I promise.Kasama ko naman ang gf ko kaya don't worry ok."pang aalo ni Luca sa umiiyak na kapatid.
"P-pangako mo iyan ha.?Ito masasabi ko tanggap ko ng may kuya ako.Kaya pilitin mong makasurvive ha.Naghihintay pa ang pamangkin mo sayo kuya Luca."umiiyak na yumakap si Maria kay Luca.
"Yes I will at I'm happy tinanggap mo na akong maging kuya.!"gumanti ng yakap si Luca gustuhin man niyang sumama na sa kapatid.Pero talagang di niya maiwan ang real mother niya.
Sa eroplano panay ang iyak ni Maria.Gusto niyang damayan ang kapatid pero dapat umuwi din siyang buhay sa Pinas.May anak pa siyang naghihintay sa kanila doon.
"Kapamilya nila si Luca I'm sure walang mangyayari sa kapatid mo Bhe.At panghahawakan mo ang pangako niya na sumunod sa atin sa Pinas.And you should have faith in God na walang mangyaring masama kay Luca."pagpapakalma ni Teo sa asawa niyang namamaga na ang mga mata sa kaiiyak.
"Kaya nga Maria ipagdasal natin ang kapatid mo.Di siya pababayaan ng Maykapal panigurado ako doon."himas himas naman ni Loira ang likod ni Maria.Si Thea naman nakahawak sa kamay ni Maria.
"Naisip ko sobrang brutal sila sa kuya Luca ko.Biruin ninyo ang buhay niya parang pinaikot lang ni Mrs.Jordan sa palad niya.At kasabwat ang buong angkan ng demonyang babae na iyon.At sobrang cruel din ng real mother niya.Kapalit ng karangyaan natiis niya ang anak niya.Maswerte ako dahil mahal talaga ako ni Mama Mellisa.Si kuya Luca parang laro lang sa mga ito ang buhay niya diba.?"sobrang naawa si Maria sa kapatid niya.
"Kaya pag sumunod siya sa Pinas.Talagang magiging mabait na kapatid ka na dapat sa kanya Bhe Ok.Sobrang pasensyoso niya kahit nagmamaldita ka lage sa kanya.Di siya gahaman din sa kayamanan ng ama ninyo.At hindi siya nagseselos na may favoritism ang father ninyo.Di kagaya ko na nagseselos ako kay Trixie noon.Dahil siya ang favorite ni Daddy ko.Bagaman narealize ko ng magkaroon ako ng mga kapatid sa London.Na di dapat nagseselos ako kina Thea pala.Lalo na kay Thea na Papa's girl talaga.Yon din ang ituro ko kay Matteo na wag magselos talaga kay Mikka."lesson learn para kay Teo iyon.At bilib siya kay Luca Jordan talaga.Di man nito nakasamang lumaki si Maria.Pero pure ang pagmamahal nito sa kapatid nito.Ngayon magiging mabuti na siyang kuya din kay Trixie din.Dahil ang buhay maiksi lang para di niya pagsisihan sa huli iyon.Pagdating nila sa probinsya kinuwento agad nila ang pangyayari sa buong pamilya.Si Maria umatungal ng iyak na yumayakap sa lola niya.
"Lola sobrang sama nila kay kuya.Buong buhay niya ginamit lang siya ng pamilya niya mismo.Maswerte pa rin ako dahil nilayo ako ni Mama Mellisa sa demonyang Mrs.Jordan na iyon.Malamang mapipigilan si Kuya Luca ng tunay na Ina.Dahil sa awa na rin dito at magiguilty iyon panigurado.Lola deserve yata niya ang mga ari Arian ng father ko kesa sa akin.Kung irequest ba niya sa akin iyon ibigay ko na ba.?"humingi din ng payo si Maria sa nakakatanda sa kanya.
"Maria kung ibigay mo sa kanya iyon.Patuloy siyang gagamitin ng buong angkan niya.Tsaka mo na ibigay kung pipiliin ka niyang makasama.Di man ako makasariling nilalang apo.Sa tingin ko yon ang mabuti mong gawin.Ang ilayo mo na talaga yong kuya Luca mo sa mga taong iyon."payo ni lola ni Maria.
"Bhe tama si lola Bhe dapat yon ang gawin mo.Minsan mahirap magdesisyon kung ipapairal ang awa sa puso.Pero dapat marealize ni Luca na mahalin din ang sarili niya.Sa tingin ko di din mabuti yong masyadong mabait.Dahil gagamitin ka sa mga taong nakapaligid sayo.Tulungan mo siyang isipin din ang sarili niya bago ang iba.Total mahal ka noon dahil ikaw lang nag iisang kapatid niya diba.?"segundang payo rin ni Teo sa asawa niya.
Samantalang ang pamilya ni Luca Hati ang opinion.May pumanig pa rin kay Mrs.Jordan.
"Luca ang Mommy mo ang nagsakripisyo ng malaki dahil sa ating lahat.Naging alipin siya ng ama mong wala ding puso.Kaya di niya deserve na di mo siya kilalanin na Ina.Mali ang ginawa mo na nakinig sa kapatid mo.Ano bang alam niya sa paghihirap ng Mommy mo diba.?At isa pa kami ang pamilya mo.Pero pinili mong ibigay ang lahat sa Leticia na iyon.Di mo ba inisip na mas may karapatan ka sa ari Arian ng ama mo kesa sa babae na iyon.?"sumbat ng Tito ni Luca na gahaman din sa salapi.
"Walang kinalaman si Leticia sa issue natin.Ako itong nagpauto kay Mrs.Jordan.Pinili niyang magpaalipin kay Daddy dahil sa kayamanan at kapangyarihan.At ikaw wag mo akong masumbatan.Dahil kayo ang may utang sa akin kung tutuusin.Sobrang matalino lang si Daddy dahil kung sa akin pinamana ang lahat ng ari Arian.Malamang kakamamin ninyong lahat iyon na wala din akong nalalaman.Ibinenta ni Mrs.Jordan ang shares ko at kayo nakikinabang ng malaki sa company na pinaghirapan ko din mismo.Si Leticia willing siyang hatian naman ako sa lahat.Dahil mahal niya ako bilang kapatid.Kayo sarili lang ninyo ang mahal ninyo hindi ba.?At ginawa ko talaga na paalisin agad si Leticia dito.Baka gawin ninyo ang masamang balak ninyo.Gusto ko makita kayong lumubog muna sa putikan.Bago ako pumunta sa Pinas.Di pwedeng madamay si Leticia sa kasamaan ng mismong pamilya ko.!"matatag na pinagtanggol ni Luca ang kapatid.
"L-luca tiyahin mo din ang pinakulong mo.Uulitin ko kami ang pamilya mo.Sa tingin mo ba may pakialam talaga yong kapatid mo sayo ha.?"gustong ibrainwash ng mga Tito ni Luca ang pamangkin niya.
"Di ninyo ako mauuto pa at isa pa si Leticia ang susi para di kayo lumugmok ng tuluyan sa putikan.Pero ako gusto kong bumalik kayong lahat sa pinanggalingan ninyo.Wala na ang company na pag aari ng Daddy ko.Kaya wala na kayong mahuhot pa diba.?At gusto ko pagbayaran ni Mrs.Jordan ang kasalanan niya din sa akin.Ang buhay ko pinaikot lang niya sa palad niya.Di din niya ako minahal bilang anak kung tutuusin.Para sa kanya isang bagay lang ako na kaya niyang gamitin para sa pansarili niyang interes.Lahat kayo ganun diba damn it.Uulitin ko nakinabang kayo ng husto sa kayaman ng Daddy ko.Kaya wala kayong karapatan sumbatan man lang ako.!"galit na bulyaw ni Luca sa mga ito.Hintayin lang niyang maging maayos ang lagay ng real mother niya.Tsaka na sila susunod kay Maria sa Pinas.Ngunit may goodnews para sa kanila ng gf niya.Buntis na pala ito pero hinang Hina ito.Kaya sabi ng OB wag muna sila magtravel daw sa ibang bansa.Tinawagan niya si Teo at sinabing di muna sila makakasunod sa Pinas.
"Naku Luca nagtampo na itong kapatid mo.Isip bata ang asawa ko sabi niya di ka daw tumupad sa pangako mo.Umiiyak talaga siya na hindi ka sumunod agad sa amin.Sana daw di ka na lang nagpapakilala bilang kuya niya.Pero palipasin mo muna ang tampo ni Maria.Unahin mo muna iyang asawa mo.I know maintindihan ka nitong kapatid mo pag may baby na kayong bitbit soon.Mahalaga ang kalusugan ng mag ina mo kesa sa tantrums ng kapatid mo."natatawang kwento pa ni Teo.
"Sobrang cute pala ni Leticia ano.Pagpunta namin dyan ano gusto niyang pasalubong.?"excited na si Luca makasama ang kapatid niya talaga.
"Mahilig sila sa mga jewelries at mga damit dahil mga babae nga sila.Kung bibilhan mo si Maria dapat bilhan mo din ang bff niya sina Loira at Thea.Di mo naiitatanong parang triplets ang tatlong ito.Iba iba nga lang ng Nanay."tips ni Teo para mawala agad ang tampo ni Maria.
"Oo tatandaan ko iyon tulad ng asawa ko mahilig din sa ganun.Stress reliever daw ng mga babae ang magshopping."natatawang ani din ni Luca masaya siya nakita na niya sa wakas ang nag iisang kapatid.At ngayon magpapamilya na sila.Pinili ni Lucy na alagaan ang misis niya ngayon.
"Walang duda magkapatid nga kayo ni Leticia.Pareho kayong mabait at matampuhin anak."si Lucy pinili ng magbagong buhay na.Si Luca na lang ang kumikilalang Ina sa kanya.Kaya kakalimutan na din niya ang nakaraan niya.Mas ok ang mamuhay ng simple lang kesa sa mamuhay ng puno ng kasinungalingan din.

PaghihigantiWhere stories live. Discover now