Hapon na pero ayaw pa rin umuwi sila.Kanya kanya sila ng pwesto.Naglalaro si Maria sa iPhone niya nakaunan pa siya sa bandang tiyan ni Teo.Si Loira sa hita ni Teo na kachat na si Ryeo.At si Thea nakatulog sa may braso ng kapatid niya.Natatawa si Teo sa ayos niya ginawa siyang unan ng tatlo.Biro niya kina Ryeo tig isa sila ng baby na alagaan pagdating ng dalawa.Sa group chat nila sabi ni Ryeo inaaway daw siya ni Loira ngayon.Yong tatlong bata nauna ng umuwi.Dahil magpapagabe daw silang apat doon.Di naman malayo sa bahay nila ang falls na iyon.Sabi ng tatlo sinundo sila ni Lando Magpayo sa terminal ng bus papunta sa Sta.Mesa.Para matulungan na din sa mga dala ng mga ito.
"Uwi na tayo darating na sila sa bahay Maya Maya pa."yaya na ni Teo sa tatlong dalagita.
"Babalik pa tayo dito sasabihin ko na lang kay Aling Petra na wag galawin ang tent natin.Mahirap itayo kaya ito.Pag gabi naman wala ng pupunta dito kasi walang ilaw man lang."tumayo na si Maria para ibilin sa malapit na bahay ang tent nila.
"Kinakabahan ako uli excited pero ewan di ko maintindihan.Ei baka mapapangitan si Ryeo sa akin.Ok lang ibreak niya ako pero ayoko ibigay yong mga bigay niya.Yong teddy bear na malaki gusto ni Lizzy iyon.At yong bigay niyang figurine ba iyon.Dinisplay ni Mama sa sala diba.?Sabi ko kasi ayoko muna ng cash."di ko alam seryoso talaga siyang pumunta dito.Akala ko joke joke lang ng mga foreigner iyon.Di ako makonsensya di ko naman siya pinerahan diba.?"Kay lakas ng kabog ng puso ni Loira ngayon.
"Dapat crush lang muna kasi Loira.Tingin ko seryoso iyon makakasakit ka pa ng damdamin.Pag ako niligawan kunwari ng crush ko.Antayin ko pang mag 18 yrs old ako.At imposible na mangyari iyon.May gf na ang crush ko."medyo nalungkot si Maria sa isipin na may gf na si Larry Tolentino.Pero baka naman may himala.
"Di ko naman siya hihiwalayan.Insecure lang ako sa itsura ko matangkad man tayo Maria.Pero wala pa tayong dede na dalawa.Yong taga London mga sexy na tayo Nene pa.Sinabi ko naman 16 yrs old pa lang ako.Pero panay message kasi sa Facebook ko.Kaya sinagot ko na si Ryeo.Kala ko di iyon totohanan talaga.Umabot kami ng 1 yr na kay bilis ng panahon.Pupunta pa tayo ng Japan diba Maria.?"ani ni Loira may usapan pa sila ng kaibigan.
"Loira sabihin mo break muna kayo.Kung may pangarap pa kayo ni Maria pala."advice naman ni Thea.
"Tama siguro naman may makilala pa siya na ibang babae."ani naman ni Loira.
"Wag mo hiwalayan hayaan mo kung hiwalayan ka ni Ryeo.Unfair iyon Loira baka magbigti pa iyon."kinonsensya naman ni Maria ang bff.
"Kunsabagay pinagkakalat niya sa London na may gf na siya.Gusto makilala ng parents niya.Mabait ang parents nila pero mapressure si Loira naman diba."opposite pananaw ni Thea kay Maria.
"Ang advice ko lang mag usap kayo ng masinsinan.Masasabi ko lang seryoso si Ryeo sayo Loira."seryosong advice ni Teo di niya alam kung sasabihin ba ito niya sa kaibigan or hindi.Excited pa naman si Ryeo makita si Loira in person noon pa.
Nang makauwi sila mapapansin na matamlay si Loira talaga.Kay Lalim ng iniisip nito.
"Loira may problema ba kayo ni Maria.?Kanina ka pa Tulala diyan anak."puna ni Loisa sa anak di ganun si Loira talaga.
"Mama di ko na talaga kaya.Mama sorry pero may bf na ako.Sa Facebook lang naman kaya akala ko di seryoso iyong bf ko.Pero kaibigan pala ni kuya Teo.Tapos pupunta sila dito sa atin.Mama may plano pa kami ni Maria maging stewardess ng sabay.Pero seryoso na daw yong lalake sa akin.Gusto ko na lang hiwalayan.Sabi ni Maria baka magbigti daw.Kasalanan ko pa iyon Mama diba.?"gulong gulo ang batang utak ni Loira.
"Liam bigyan mo ako ng tubig.Di ko kinaya itong ate Loira mo.!"tawag ni Loisa sa anak.
"Anong nangyari Loisa.Handa na iyong matutulugan ng dalawang binata sa bahay.Dito na lang matulog si Maria katabi nina Loira."kararating lang nila Peryang galing sa kabilang bahay.Dala na ni Maria ang kumot at unan niya.
"May bopren na daw na foreigner si Loira.Gusto ko paluin pero may mga bisita tayo Tiyang."sumakit ang batok ni Loisa kay bata pa ng anak niya.
"Ako wala pa."patakbo si Maria sa labas unlimited call siya.Tinawagan niya si Teo SOS iyon.Baka bugbugin si Loria ng Tiyang niya at ng lola niya.Inutusan sila Teo sa bayan pa naman.Sakto naman nakabalik na sina Teo at Thea galing namalengke.
"Kilatisin muna natin yong lalake.Di naman mabuntis si Loria dahil malayo iyong binata.Si Maria ba walang boyfriend."galit na tanong ni Aling Peryang sa umiiyak na si Loira.
"W-wala po lola tamad magbabad sa chatroom si Maria.Kausap niya lage si Tiyang Stella lang."puno ng ng luha ang mata ni Loira.
"Lola at tiyang sasamahan ko po si Loria pag ibitin ninyo sa puno ng mangga."pati si Maria umatungal ng iyak.
"Bata ka di pa kayo pinalo para na kayong mga baka na dalawa.Luhod kayo doon sa gilid.Kay tigas ng ulo ninyo sinabing mag aral muna kayo bago kiringking diba.Luhod Loria at Maria at itaas ninyo ang libro.!"utos ni Loisa na may dala ng walis tambo.
"Hello Ryeo damn it dahil sayo pinaluhod sila Maria at Loria ngayon.!Di ko alam kung ano magagawa ko.!"sobrang naawa si Teo sa dalawa pati si Thea lihim na uniiyak ngayon.
"Malapit na kami magpapaliwanag ako ng maayos."nag aalala si Ryeo sa batang gf niya.
Patakbo talaga si Ryeo pababa pa lang sa van na lulan sila ni Jade.Halos madapa pa siya sa may hagdan paakyat.
"1 hr na silang nakaluhod mga kuya.At wala daw sila dinner ngayon."namumula na sa kaiiyak si Thea ngalay na kasi sina Loira at Maria may bitbit pa itong libro.
"Loisa anong nangyari.?"kinuha agad ni Lando ang mga libro na bitbit ni Loira at Maria.
Di maigalaw ng dalawa ang binti nila.Kaya hinilot pa ni Lara ang mga ito.Clueless sila sa nangyayari.
"Nag boyfriend na si Loira.Sino ba sa inyo ang bf ng anak ko.?Alam mo bang menor de edad pa si Loira Mae.?"walang kangiti ngiting tanong ni Loisa.
"A-ako po Tita alam ko po pero mahal ko po siya.Maghihintay po ako pag ready na po siyang mag asawa po Tita."biglang luhod ni Ryeo napaiyak siya naawa siya sa gf niya.Sabi ng parents niya kakaiba ang culture ng pinoy lalo na sa probinsya.Brutal ang Disiplina daw dito sa province.Saksi siya ngayon kung paano nakaluhod ang dalawang dalagita ng isang oras daw.
"Hindi witch ang Mama namin.Sanay na sila ate paluin at paluhurin."biglang lapit ni Lizzy at pinaupo ang mga bisita nila.
"M-mama hiwalayan ko na lang po si Ryeo.Bisita po natin sila di po ba.Wag na kayo magalit Mama."pagmamakaawa ni Loira.
"L-loira seryoso ka ba sa sinasabi mo.?S-sana pala di ako sumama dito.Loira wag kang padalos dalos Bhe."lalong napaiyak si Ryeo ang madadatnan pala niya ay hiwalayan.
"S-seryoso ako na pupunta pa kami ng Japan ni Maria.Promise namin iyon sa isat isa.Doon kami magcollege na dalawa."seryosong ani ni Loira kay Ryeo.
"P-pero di mo naman ako kelangan hiwalayan.Maghihintay ako hanggang makatapos ka ng college."gustong lapitan ni Ryeo si Loira pero di niya magawa.
"Ilang beses ba namin sabihin sa inyo wag kayo pumunta ng Japan.Pwede sa London kayo pumunta."galit ulit si Loisa sa dalawa.
"Loira ako na lang pumunta ng Japan.Nasa Japan ang Tiyang Stella ko wala sa London.Nakakahiya na pati ako makisiksik doon Loira."ani ni Maria bigla.
"Iiwan mo ba ako Maria.?Sabi mo walang iwanan diba hanggang pumuti ang buhok natin.?Paano ka doon aber Wala doon si lola din.Ryeo sinabi ko sayo na wag ka pumunta dito.Kaya kitang hiwalayan pero di ako payag na iiwan ako ni Maria.!"nagtampo si Loria padabog itong nagkulong sa kwarto nito.
Dahil sa frustration nagyaya uminom si Ryeo sa mga kaibigan niya.Umaasa pa silang maayos pa sila Loira at Ryeo.Pati sina Maria at Loria nagkagalit na ngayon bigla.
YOU ARE READING
Paghihiganti
De Todomatapos masaktan ay babangon si Angela Loraine para balikan ang nanakit sa kanya