Paghihiganti ☆ Part 16

74 1 0
                                        

Samantalang nabalitaan ni Trixie at Caroline na umuwi na si Maria Loraine.Nagiging paranoid si Trixie baka totohanin talaga ni Larry na si Maria ang papakasalan nito.Kaya naman lumuwas agad si Trixie sa Manila kasama ang anak.Dahil nagkasakit ang ama nila siguro kinarma si Mr.Valdeza.Kaya umaasa na lang sila sa pamilya Tolentino.Di pwedeng magdemand si Trixie ng kasal kay Larry.Dahil sa totoo lang marami silang utang sa pamilya nito.Napalago nga ni Larry ang company ng mga ama nila.Pero kaunti na lang ang shares na natira sa pamilya nila.Ayaw tumulong naman si Teo sa kanila.Dahil di sila kinikilalang pamilya nito.Kaya tumira din siya sa Sta.Mesa para maiwasan ni Trixie ang mga chismosa tungkol sa pagkabankrupt ng pamilya nila.Ang anak na 3 yrs old na si Trio ang pinanghahawakan na lamang na alas niya sa ngayon.Gusto niya magbuntis ulit pero si Larry nasa Manila naglalage.Bihira lang umuwi sa Sta.Mesa kung may okasyon lang.Pokus ito sa anak nila kung umuwi naman.
"Dont worry Trixie papahiyain natin yong Maria na iyon.May big party na dadaluhan kami mga bussinessman.Pupunta ka dapat tiyak na isama ni Teo ang hilaw na asawa daw niya."nagngitngit din si Caroline kay Maria dahil 5 yrs na siyang parang asong ulol humahabol sa ex bf niya.Kahit minsan nilasing niya ito at hinubaran.Wala effect pinapahiya pa siya ni Teo sa mga tao sa hotel.Pinapalabas siya na hubot hubad sa hotel room kung saan sila naroroon.Bayulente nga si Teo tama ang sabi ni Trixie.Naapakan ego niya at pagkatao.Kaya oras na para maningil siya kay Maria.Wala namang alam si Maria sa nangyayari.Syempre di iyon sinabi ni Teo dito.
"Will oras na magkakaharap kami.Kaya kong ilampaso si Maria kung aagawin niya si Larry ulit sa akin."gigil na sambit ni Trixie.Pavictim effect siya pero siya ang dahilan kung bakit kamuntikan ng mabaliw si Maria Loraine noon.Noong mga panahon na pinili pa siya ni Larry.Ngayon kasi pag aari nina Maria at Loira ang Hacienda at Villa ng yumaong lolo ni Larry.Kaya gusto ng parents ni Larry na si Maria ang hahabulin pakasalan.Pero ramdam niyang nagsisi si Larry kung bakit nasaktan nito si Maria noon.Ang kinagalit ni Trixie ng husto.Na alam na ng lahat na may anak sina Maria at Larry.May sarili pa ngang kwarto ang anak ng mga ito.Na di pwede niyang galawin daw.Bukambibig ni Larry si Matteo.Kaya pati ang anak nilang si Trio nagseselos lage.Mana sa kanya ang anak niya selfish.
"Dont worry tutulungan kitang ilampaso siya sa maraming tao.Talagang literal na inagaw niya si Teo sa akin."si Caroline naengage sa lalake na may anak na rin.Dahil sabi ng parents niya di na siya bumabata pa.Walang mangyayari kung lage siyang maging obsessed kay Teo Valdeza.Pang display lang niya ang fiancee niya.Pero umaasa pa rin si Caroline na babalikan siya daw ni Teo balang araw.Pero suntok sa buwan iyon dahil 5 yrs nang kasal sina Teo at Maria.Silang dalawa ni Trixie sobrang insecure talaga kay Maria Loraine until now.
Niyaya ng mga lalake ang tatlong mga misis nila sa isang party daw.Simi formal na party daw iyon dahil sa isang mansion lang daw ng isang bussiness tycoon ang venue.Masaya sila na ngayon may maisasamang partner na sila sa wakas.Curious ang mga kakilala nila kung sino sina Maria,Loria at Thea daw.
"Kahit sexy na damit lang susuotin diba.?"inosenteng tanong ni Maria first time nilang sumama sa dadaluhan party ng mga mister nila kasi.
"Misis ko wag masyadong sexy naman.Ayoko lumuwa ang mata ng mga lalake doon sa ganda ng legs mo."reklamo agad ni Teo syempre possessive silang tatlo.
"Kuya sobra ka namang conservative.Basta kami na ang bahala sa ayos at isusuot namin.Mauna kayo sa venue susunod kami.Syempre may ritual na make up pa kami noh.Ayaw namin minamadali naman."ani naman ni Thea.
"Bhe sabihin mo kung ano kulay ng damit mo.Para color coding tayo."mahilig si Ryeo kasi na magsuot sila na couple ni Loira.
"Baby blue dahil Morena ako di pwede yong black colored."naging fashionista na din sila Loira at Maria.Kelangan din nilang mag ayos ng sarili.Para maboast ang confident nila.Pero ayaw nila yong over na.Basta yong sakto lang.
"Ako naman red at malamang si Loraine black.Kasi talagang sobrang puti niya noh.?Kami ni Loira nagsabon pa ng gluta.Si Maria kahit anong sabon ok lang.Kasi sobrang puti na."half Japanese kasi si Maria sina Thea at Loira pure pinoy.
Samantalang excited si Larry makita muli si Maria.Naghanda pa siya at bumili ng bouquet of flowers.Di niya akalain na darating bigla si Trixie sa Manila.Bitbit pa ang anak nila kaya naiirita si Larry talaga.
"Kanino ba iyang flowers na iyan.?For me ba Honey thank you.!"masayang kinuha ni Trixie ang bulaklak.Assuming siya lage lage na lang.
"Dont touch that para kay Maria iyan.Gusto ko makipagkasundo sa kanya.Para sa anak naming si Matteo."mabilisan binawi ni Larry ang bulaklak kay Trixie.Vocal siya sa nararamdaman na wala na siyang amor sa babae.Lalo pa naging controller freak ito at sobrang nagger.Ayaw din niya itong pakasalan daw iba ang attitude to the highest level.
"W-what are you kidding me Larry.?Ako ang asawa mo hindi si Maria ano ba.!Akin na iyan at itatapon ko na.!"galit na galit si Trixie pilit kinukuha ang bulaklak.
"Tumigil ka na baka suntukin ko na iyang mukha mo.Alalahanin mo Trixie wala ang parents ko dito.Walang magtatanggol sayo."tinulak ng malakas ni Larry ang bruha.Dahilan bumagsak ito sa sahig.
"L-larry ano ba kasalanan ko sayo.?B-bakit mo ba ako ginaganito.?"impit na iyak ni Trixie sobrang martyr na siyang matatawag sa pagsasama nila ni Larry.
"Lage ko sinasabi sayo dahil lang kay Trio pinakikisamahan kita.Nagsisi ako kung bakit di talaga si Maria ang pinili ko noon.Diba sabi ko sayo kung ayaw mo na hiwalayan mo na ako Trixie.Kasalanan mo naman iyan.Pinili mong magpakamartyr wala namang pumipilit sayo.!"binibigyan naman ni Larry ng choice si Trixie.Pero talagang kung makadikit ito sa kanya parang linta.
"Mahal kita Larry at ayokong walang masilayan na ama si Trio."awang awa man si Trixie sa sarili.Pero di niya talaga bibitiwan si Larry kahit anuman mangyari.
"Limang taon ka ng nagdrama Trixie.Ang mahal mo lang sarili mo.Di mo nga tanggap si Matteo.Kaya ayaw nilang pumayag sa visiting rights man lang.Dahil sayo tang ina mo Trixie.Nahihirapan akong makuha ang anak ko dahil legal na ama ni Matteo si Teo Valdeza.!"bulyaw ni Larry sa hilaw na misis niya.Na balakid sa plano niya na makuha man lang ang loob ng anak niya kay Marria.
"Ang sabihin mo kung makuha mo na ang anak mo kay Maria.Itsapwera mo na kami agad ni Trio diba Larry.?"ganti bulyaw ni Trixie.
"Di ka ba mananahimik sasakalin na lang kita para mamatay na."nagdilim ang paningin ni Larry sinakal niya bigla si Trixie.
"Daddy no.!"sigaw ni Trio na may trauma na dahil kung magtagpo sila Trixie at Larry lage na lang nag aaway.
"Bullshit pasalamat ka andyan ang anak ko Trixie Valdeza.!Paglalamayan ka na sana ngayon."banta pa ni Larry sabay alis sa condo niya.Para mahimasmasan siya sa sobrang galit.Galit siya kay Teo kaya hanggang langit na ang galit sa puso niya.Half sister din ni Teo ang hilaw na asawa niya.Kaya triple yata ang galit niya dito.Di kasi niya makumbinse kahit taga DSWD na kunin ang anak nila ni Maria.Dahil kasal daw sina Teo at Maria.At higit sa lahat ulirang ama si Teo base sa kwento ng nakakarami.Maka file siya ng para sa visiting rights.Depende iyon kay Maria din.Di lang kasi ang Anak niya ang gusto niya makuha kay Teo.Kundi si Maria Loraine mismo.Maraming dahilan kung bakit gusto niyang siya ang piliin ni Maria sa huli.Una dahil gusto niyang mafullfill ang last wish ng lolo niya.Second narealize niyang mas deserving maging asawa niya si Maria.Third dahil na rin sa ari Arian na naiwan ng lolo niya Kalahati nasa pangalan kay Maria.At higit sa lahat gusto niyang lamangan si Teo Valdeza sa lahat ng bagay.Ganun ang pagmamahal ang alam ni Larry.Yong bang maraming dahilan para masabi niyang mahal niya si Maria.Subalit kung susumahin pareho lang sina Larry at Trixie makasarili.Kaya bagay talaga silang dalawa ng pag uugali.

PaghihigantiWhere stories live. Discover now