Paghihiganti ♡ Part 32

63 2 0
                                        

Pagdating nila sa malaking bahay ng mga Jordan.Extravangance pala talaga ang pamumuhay ni Mrs.Jordan.Maraming pang katulong na sumalubong sa kanila na nakauniform pa.
"I want to rest kaya don't disturb me maliwanag ba.?"utos agad ni Mrs.Jordan sabay bigay sa shoulder bag nito sa isang katulong.Puro pinay kinuha niyang katulong dahil pwede niyang sahuran na mababa lang kumpara sa mga foreigner ding katulong.
"Yes Maam."sagot ng mayordoma yata doon.
Nang kumain na sila ng hapunan nag voice out na si Maria sa napapansin niya.
"Kaya ka siguro nagkaproblema financially Luca Jordan dahil sa Ina mo.Reyna ang tingin niya sa sarili niya.Di mo ba iniisip na ginagamit ka lang niya.?Para makuha lang gusto niya.?"kunot ang noong tanong ni Maria sa half brother niya.
"Iniisip ko din iyon but siya na lang pamilyang natira kasi sa akin.Obligation ko iyon bilang anak niya diba.?"kibit balikat na lamang ni Luca pero totoo ang napuna ni Maria.Na tila ginagamit lang siya ng kinikilalang Ina.
"Diba sabi mo na maraming kamag anak siya na nasa company ninyo.Feeling ko talaga binulsa din nila ang pera sa company ninyo.Wala man ako sa position na sabihin ito pero ginawa ka ni Mrs.Jordan na uto uto lang.Ikaw nadepress na kung paano salbahin ang company ng Daddy mo.Pero sila naman ang dahilan sa pagbagsak noon."segunda naman ni Loira.
"Sa tingin ko din wala kang obligation sa kanya bilang anak.Dahil napupuna talaga namin na di ka din kinikilalang anak ni Mrs.Jordan.Ayaw ka niyang bitiwan dahil sa ikaw ang tulay para makuha niya gusto niyang makuha.Masama din iyong masyadong filial na Anak kahit di naman talaga necessary kumbaga."sabad din ni Thea sa usapan.
"Bakit ka nagkaroon ng obligasyon sa matrona na iyon di mo naman siya tunay na Ina diba.?Kung masalba mo ba ang company once.Sa tingin mo ba titigil sila sa paghuthot ng pera doon.?Sa tingin ko I let go mo na lang ang company.Magsimula ka sa Pinas kung nag iisa ka lang dito.Ang mabuti mong gawin lumayo ka sa toxic na mga tao.Sobrang extravagance pamumuhay ni Mrs.Jordan.Ikaw naman itong nadepressed nang husto.Alam mo katangahan na iyang ginagawa mo.Hinahayaan mong gamitin ka talaga ng isang tao.Mag isip ka naman at love yourself first ika nga."realtalk naman ni Maria.
"Saan mo iyang natutunan yong love yourself Bhe.?"nakyukyutan si Teo talaga pag nagseryoso na ang asawa niya.
"Syempre sayo Teo for me parte ka na sa puso ko.Kaya I love myself ika nga."ani ni Maria sabay yakap ka Teo at hinahalikan niya sa pisngi ang kalmante lang na asawa niya.
"Luca bihira lang silang magseryoso sa totoo lang.Kaya pag isipan mo ang sinasabi nilang tatlo."biro pa ni Ryeo sabay yakap din sa misis niya.
"Naiinggit ako Babe."biro naman ni Jade.
"Hoy makaramdam naman tayo sa single."hagikgik naman ni Thea ang tinutukoy si Luca Jordan mismo.
"May secret gf ako ayaw ni Mommy kasi na random girl lang mapapangasawa ko.But I'm not single by the way."pag amin naman agad ni Luca.
"See kinokontrol ka pala niya.Hanggang kelan ka ba magpapakontrol sa Ale na iyon my god.!"sumakit tuloy bunbunan ni Maria wala yata itong backbone ang kapatid niya.
Narealize bigla ni Luca iyon pati mapapangasawa si Mrs.Jordan ang pipili para sa kanya daw.Kaya dapat din siyang magdesisyon para sa sarili niya.Napagdesisyunan nila na ibenta ang shares sa company na lang.At magsimula si Luca ng panibagong buhay sa Pinas.Agree ang kanyang gf na personal secretary din niya.Dahil nga ginagamit lang siya ng family din ni Mrs.Jordan.Para lang maranasan ang masaganang buhay na rin.Half British ang kanya asawa kaya gusto din nitong maranasan mamuhay sa bansa ng kanyang Ina daw.Araw ng meeting ng board dinala ni Luca si Maria sa loob ng conference room.Present ang ilang kapatid ni Mrs.Jordan at syempre ito mismo.
"Siya na ba si Leticia Jordan.?Will kahawig nga siya ng kanyang ama."bulalas nong isang stockholder nila.
"Ayoko sana pumunta dito pero napipilit ako ni Luca Jordan.Anyway ayoko nang magpapaligoy ligoy.Dahil wala naman akong alam sa larangan ng bussiness.I decide na ibenta ko na lamang ang shares na iniwan ng ama ko daw sa akin.Di naman din ako nakatira dito kaya di ko kelangan ang shares na iyon."dumeretso sa point si Maria dahil may mga anak siyang naghihintay sa pagbabalik niya agad sa Pinas.
Nagulat ang lahat lalo na ang pamilya ni Mrs.Jordan.
"Are you crazy Leticia pinaghirapan iyon ng Daddy mo.Pero wala kang pakialam kaya ibebenta mo lang.?Pwede mo naman ibigay sa akin ang shares na iyan kung wala kang pakialam."syempre matinding komontra agad si Mrs.Jordan.
"Di pa ako baliw para ibigay lang sayo ang mana ko Mrs.Jordan.Nalaman ko buong angkan mo yata ang nakikinabang sa pag aari ng ama namin ni Luca.Panahon na siguro na babawiin namin iyon.Binenta mo nga ang 10 percent na shares ni Luca.Bakit ako di ko pwedeng ibenta ang shares ko ha.?Ah alam ko na dahil mawawalan kayo ng kabuhayan hindi ba.?Will sa nakikita ko ok pa naman ang buhay mo Mrs.Jordan.Sobrang rami ng katulong mo sa malaking bahay mo.Halos magpapasubo ka na nga sa kanila.Siguro naman kung wala ang shares di ka naman magugutuman diba.?"malditang sagot naman ni Maria.
"Luca ano ba papayag ka bang mawalang parang bula ang pinaghirapan ng Daddy mo ng maraming taon.?Mag isip ka nga Luca for godsake."kinakabahan na si Mrs.Jordan lalagpak ba ulit sila sa lupa.?Swerte nga niyang nakaaasawa ng Billionaire.Namuhay siya bilang isang Reyna.At pati ang pamilya at ilang mga kaanak niya natulungan niya iyon sa yaman ng kanyang asawa.Bagaman malas siya dahil di siya nagkakaroon ng pagkakataon magkaanak.Ayaw ng asawa naman niya na mag ampon na lamang sila kahit isa sa pamangkin niya.Gusto nito sariling dugo at laman nito.Kaya surrogate IVF si Luca pero kapatid niya din ang surrogate mother.Nang biglang gusto ulit ni Mr.Jordan magkaanak pa ulit.Si Mellisa nga ang napiling anakan nito.Masaya na sana si Mrs.Jordan dahil tinakasan nito ang anak ni Mr.Jordan.Pero ng mamatay na ito nalaman niyang maliit na percent lang pinapamana kay Luca.Dahil nga daw Kibale pamangkin niya si Luca din naman.Alam ng asawa niya social climber at gold digger lang siya.Kaya kay Maria pinamana ang halos lahat ng ari Arian nito.Pati ang malaking shares nang company kung saan source of living ng mga kapatid ni Mrs.Jordan.
"Mommy kay Leticia ang shares na iyon.Kung anuman ang gusto niyang gawin magagawa niya.Wag ka ng komontra pa."kibit balikat lang ni Luca at suportado naman niya ang kapatid.
"Wag kayong mag aalala Mrs.Jordan hahatian ko naman sa benta si Luca.Will plano ko na dalhin ko siya sa Pinas.Di ka naman niya tunay na Ina hindi ba?."tumayo na si Maria ayaw niyang makipagbangayan sa mga taong di naman niya kilala.Mag aaksaya lang siya ng laway kung tutuusin.
"Meeting is adjourned.Magreresign na din ako sa pagiging CEO."yon lang at tumayo na din si Luca.Maghahanap pa siya ng buyer nang shares ni Maria.
Nalungkot man ang ilang mga board members pero kelangan din nilang matigil ang paghari harian ng pamilya ni Mrs.Jordan sa company na iyon.Kaya nag agree na lang sila sa gusto ng bunsong anak ni Mr.Jordan.May point naman ito sa totoo lang.
"Luca I'm your mother kaya makinig ka sa akin.!Di mo pwedeng ibenta na lamang ang natirang shares ng Daddy sa company natin.!"sigaw ni Mrs.Jordan sa anak.
"I'm not your biological son diba.?You use me all the time diba Mommy.?Narealize ko na tama sila Leticia na wala akong obligation naman sayo kung tutuusin.At matanda na ako gusto ko nang magkaroon ng pamilya.Kaya mamuhay ka na lang Mommy ng naaayon sa gusto mo."sawa na din si Luca na intindihin forever ang kinikilala niyang Ina.Buhay Reyna naman ito pero siya naman ang naghihirap sa company.Nilustay din nito ang iniwan ng Daddy nila dito.Ang sobrang di niya matanggap ang ibenta nito pati shares niya sa company na di niya nalalaman.
"Kahit hindi ako iyong Ina ako nagpapalaki sayo Luca.Ako nagpaaral at nagbigay sayo ng tirahan."sumbat pa ni Mrs.Jordan sa anak anakan.
"Mrs.Jordan anak si Luca ni Mr.Jordan.Wag mong sabihin na ikaw ang nagbigay sa kanya ng tirahan.At isa pa kung tunay ka ngang nagmamahal kay Luca.Obligation mo iyon bilang Ina.Ang tunay na magulang di sinusumbat ang anak sa pagpapalaki sa kanila."hinila na ni Maria ang half brother niya.Baka madala pa ito sa drama ni Mrs.Jordan.
Nagwawala naman si Mrs.Jordan.Pati ang anak niyang si Luca iiwan na yata siya.Kaya gagawa siya ng paraan para pigilan lang itong wag umalis sa Britanya.Buong pamilya niya malamang pupulutin na sa kangkungan bigla.Kelangan niya ang suporta mismo ni Luca.Di niya alam na mahirap palang utuin si Maria Loraine.

PaghihigantiWhere stories live. Discover now