Paghihiganti ☆ Part 14

81 1 0
                                    

Sa kasamaang palad binawian talaga ng buhay si Don Lauro.Sobrang iyak ni Loira pero ayaw nilang pumunta sa lamay man lang ni Don Lauro.Dahil nga andun syempre ang mag anak nito.
"Loira wag mong ipaalam kay Maria ito ha.Delikado dahil buntis siya maselan daw pinagbubuntis niya."paalala ni Loisa sa anak.
"Opo ayoko na din may ugnayan si Maria kay Larry Tolentino."galit talaga si Loira sa lalake.Dahil pinaglalaruan lang nito ang mahal na kaibigan niya.
Kasama na din nila sa bahay si Peryang.Para di nito mamiss ang apo nito na nasa London na ngayon.
"Tao po.!"may tao pumunta sa bahay nila Loira.
"Dito ka lang alagaan mo iyang kapatid mo.Wag kang lumabas sa bakuran Loira."pinoprotektahan ni Loisa ang anak na panganay.Dahil nga nalaman nila na Isinalin kina Maria at Loira ang Hacienda at Villa ni Don Lauro bago mamatay.
"Opo Mama."takot din si Loira sa kaligtasan niya.
"Sino po sila.?"si Loisa lang ang humarap sa mga ito.Si Laarnie iyon at si Larry.Galing ang mga ito sa libing ng Don.
"Andyan po ba si Loira.?Gusto ko lang po tanungin siya kung saan ang address ni Maria sa London."gusto ni Larry na sundin ang huling bilin ng lolo niya.Ang maging responsableng tao siya.Di na niya tatakasan ang responsibility niya kay Maria ngayon.Papayag siya maikasal sila at hindi niya pipikein ang marriage certificate nila kung sakali.Yon ang huling hiling ng lolo niya sa ospital.Na hanapin daw niya si Maria sa London.Ang plano ng parents niya na mana lang ang hahabulin niya.Pero iba ang plano ni Larry.Gagawin niya ang huling hiling ng lolo niya.
"Wala si Loira dito bakit hinahanap ninyo siya.?"malditang ani ni Loisa.
"Anong ginagawa ninyo dito sa bahay namin.?"galing si Peryang namalengke kasama si Liam sa bayan.
"Aling Peryang pwede bang papasukin muna kami sa loob.Kay init dito sa labas ng gate.!"maarteng reklamo ni Laarnie.
"Alis tang ina wag nyo na kaming guguluhin pa.Dahil ba sa mana andito kayo ha.?Di kasalanan ng mga bata kung iyon ang gusto mangyari ng Don.Kabayaran din iyon sa pag aalaga nina Loira at Maria kay Don Lauro.At uulitin ko di si Larry ang ama sa pinagbubuntis ni Maria.Kaya wag na ninyo kaming guluhin pa.!"hinahampas ni Peryang ng gulay sina Larry at Laarnie.Kaya napipilitan ang mga itong umalis.
Suggest ni Lando na pati si Loira papuntahin nila sa London.Delikado ito kay Rico Tolentino.Kaya naman mabilisan nag impake si Loira para pumunta ng London rin.Malungkot man sina Loisa at Aling Peryang.Pero kelangan nilang gawin iyon para sa kapakanan nina Loira at Maria.Pati si Loira kelangan this year matigil sa pag aaral.
"Shit talagang matalino sila.Dahil pati yong Loira pinapunta nila ng London.!"gustong magwala ni Rico kung bakit sa dalawang bata napunta ang ari Arian ng sarili niyang ama.Ayaw niyang tanggapin ang pagkatalo nila sa ngayon.
"Dont worry pasasaan ba umuwi din si Maria.Alas natin ang bata na pinagbubuntis nito.Anak balang araw hanapin mo si Maria doon sa London.Utuin mo ulit ha anak."sulsol pa ni Laarnie kampante siyang mauto muli ni Larry si Maria Loraine.
Hindi umimik si Larry ang gusto niyang mangyari ay maging asawa niya si Maria.Para mafulfill niya ang last wish ng lolo Lauro niya.Wala din naman siyang balak matali Kay Trixie.Subalit dumaan na lamang ang 5 taon.Ni anino nila Loira at Maria di nila nakita sa Sta.Mesa.At ang pamilya ng mga ito lumipat sa Manila.Doon na nag aaral ang mga kapatid ni Loira.At may restaurant na sina Peryang at Loisa.Na dinadagsa ng maraming costumer.Ganap na talagang stewardess sina Loira,Maria at Thea.Ang tatlong couple long distance relationship kumbaga.Sina Teo at Maria lang ang mag asawa.Yong dalawa mag nobyo pa.Plano ng nina Ryeo at Jade magpropose na sa gitna ng airport.Gusto na nilang magkababy tulad ni Teo.May 5 yrs old na anak na sina Teo at Maria.Lalake iyon ang pangalan Matteo.
"Dada can you right in the placards.Na gusto ko ng baby siblings.?I'm lonely enough po gusto ko ng kalaro."ibang hiling naman ni Matteo sa parents niya baby daw na kapatid.
"Ok di ko alam kung ano magiging reaksyon ng Mama mo buddy.Kakaiba ang wish mo Baby talaga.?"natatawa si Teo sa anak nila di man galing sa kanya ang bata.Pero makikipagpatayan siya kay Larry kung kukunin nito si Matteo.
"Panahon na para sundan na ninyo si Matteo Dude.Malaki na baby boy ninyo.At talagang malungkot yong nag iisa lang."payo ni Ryeo kay Teo.
"Kayo ayusin nyo muna ang proposal ninyo.Tsaka na kayo mag advice pag may asawa na kayong dalawa."pero ang totoo natanong ni Teo sa sarili.Na mahal nga ba siya ni Maria Loraine.Dahil pagkapanganak nito pumunta agad ito sa Japan para mag aral.Sobrang busy ito at iniiwasan ni Maria ang topic sa pagbubuntis.Tsaka na daw iyon pag may career na ito.Ngayon panahon na siguro magrequest siya na wag muna si Maria magtrabaho.At unahin muna nito silang mag ama.
Samantalang topic din nila Maria,Loira at Thea ang magpabuntis na silang tatlo.
"Gusto ko kambal or triplets.Kay sakit kaya manganak noh."plano ni Maria na pagbigyan na ang mag ama niya.Bibigyan niya ng baby ulit si Teo para alagaan.Ito kasi ang nag aalaga sa anak nila.At totally na niyang nakalimutan si Larry.Paghihiganti na lamang nila ni Loira ang gagawin.Kukunin nila ang mana nila na bigay ni Don Lauro.Ang Hacienda at Villa di deserve ni Trixie or kahit ni Larry angkinin nila iyon.Balita nila si Trixie daw ang naghari harian sa Hacienda.May anak na sila Larry pero ayaw pakasalan daw ito ng binata.Kaya doon talaga tumira si Trixie sa Sta.Mesa.Gusto nitong ipamukha sa lahat na ito daw ang asawa ni Larry Tolentino.Subalit wala nang pakialam pa si Maria kay Larry.Para sa kanya isang passerby lang si Larry sa buhay niya.At alam niya sa puso niya na si Teo Valdeza ang mahal niya Waka ng iba pa.
"Di mo ba nakalimutan ang bigay namin ni Thea na sexy outfit.?Sayawan mo si kuya Teo sa Anniversary ninyo."trip naman ni Loira iyon.
"Bruha di ako boldstar bakit sasayaw pa.?"pabirong binatukan ni Maria ang kaibigan.
Nang pagkalabas talaga nila sa exit nakaluhod sina Ryeo at Jade sa gitna ng exit.May hawak na balloon sina Liam at Lizzy.Tapos mabulaklak at proposal hawak ang dalawa.Sabay iyak nila Loira at Thea hindi nila inaasahan ito.
"Hoy sumagot na kayo.Nangalay na silang dalawa oh."pati si Maria naiyak dahil 5 years naghintay ang dalawang binata para magpropose nga.
"Yes."sabi ni Thea sabay yakap kay Jade.
"Yes I do sa lahat ng simbahan papakasalan kita Ryeo.!"tumalon pa si Loira kay Ryeo kaya tawang tawa sila dahil natumba ito.
"Mama read this.!"sigaw bigla ni Matteo nakangiti naman si Teo na may bitbit nong placards.
"Ay gaya gaya ka din ano bata ka.I miss you baby ko.!"pinupogpog ng halik at pinanggigilan pa ni Maria ang anak nila.
"Loraine ayaw mo ba.?"second name na ang tawag ni Teo kay Maria.Dahil request iyon ni Maria.Parang sosyal daw ang datingan.
"Sa Anniversary natin ako dapat maghanda ng event ha.Steady ka lang ok Dada ko."malambing na yumakap si Maria sa mister niyang sobra sobra na yata ka perfect kung siya ang tatanungin.
"Mama sagutin mo muna ang gusto ko."pagmamaktol ni Matteo dahil umiiwas na naman si Maria.
"Sabihin mo Dada I will.Nakakahiya maraming tao."binulungan na lang ni Maria si Teo na kay lapad bigla ng ngiti.
"Buddy oo daw sabi ng Mama mo.Honey talaga pwede na natin sundan si Matteo.?"paninigurado ni Teo.
"Oo na sabi.Nakakahiya talaga ay ewan."lumusot si Maria sa tshirt ng mister.Infairness kasya siya doon.
Buddy your Mama is shy.Pero pumayag na siya kaya wag ka ng magtampo ok.?"nahihirapan man si Teo gumalaw pero gustong gusto niya iyon na naging habit na ng misis niya.Yong lumusot sa loob ng tshirt niya.Sabi kasi nito namnamin daw ang abs niya.Dahil kay Maria walang palya ang pagpunta niya sa gym.Gusto nito na machong fafa daw.Lahat ng gusto nito ginagawa ni Teo.Para wag lang nitong maisipan iwan siya.Nasa Manila na sila at yong pamilya nila pabalik balik lang ng London.Doon kasi nagcollege sina Liam at Tristan.Kaya ang Mommy nila ay nandun lang sa London.Silang magkakaibigan ay nagtayo ng bussiness company.Yong food products naman ang benta nila.Yong company ng Daddy ni Teo ay clothing at cosmetics line.Kaya walang competition sa pagitan nila.Kilala na din ang pangalan ni Larry Tolentino dahil CEO na din ito.May Anak na ang mga ito pero di pinakasalan si Trixie.Di nila alam kung ano ang dahilan.At walang pakialam si Teo as long di nito guguluhin ang asawa niyang nanahimik na sa piling niya.

PaghihigantiWhere stories live. Discover now