Nang wala na ang mag inang bruha.Nagdadabog si Maria pumasok sa kwarto at nilock ang pinto.Nataranta naman si Teo kung bakit nagalit ang misis niya.
"Bhe bakit ka galit.?P-pwede ba tayong mag usap.?Kung may kasalanan ako ok lang bulyawan mo ako.Baka mapano kayo ni baby natin if ma depress ka bhe."malumanay na kinakausap ni Teo si Maria sa may pintuan ng kwarto nila.
"Maya na tayo mag usap."sagot ni Maria sa loob.
"Dapat pag usapan natin agad ang problema diba.?We promise na maging open sa isat isa hindi ba Bhe.?"pasensyosong ani ni Teo kay Maria.Mayamaya pa nagbukas ang pinto.At pumasok agad siya at niyakap si Maria.
"N-nagseselos ako pag babanggitin mo ang pangalan ng ex gf mo.Tapos pinuri mo pa siya Teo."pagmamaktol ni Maria.
"Oh my god I'm sorry.I promise di ko na babanggitin ang pangalan niya.Wag ka ng magalit ok."nakangiting pinupog ni Teo ng halik ang buong mukha ni Maria.
"Di ako insecure kay Trixie.Insecure ako sa ex gf mo dahil naging kayo talaga."ani pa ni Maria.
"Ok I'm sorry.Anong gusto mong kainin.?Hindi ka ba nagugutom.?"gusto na ni Teo na kalimutan na ni Maria ang inis nito kay Caroline.
"Gusto ko ng tinolang isda.Lutuan mo ako pwede ba.?"request na ni Maria.
"Ok tayo na sa kusina."malambing na ani ni Teo.
"Yuko ka sasakay ako sa likod mo Bhe."nakangiti ng request si Maria.Ibang iba talaga si Teo at Larry.Si Larry kasi makasarili.Pero si Teo inaalala nito lage pati simpleng nararamdaman niya.Wala sa kalingkingan ni Teo si Larry Tolentino.Mangangarap na lamang ito ng gising.Ayon dito gusto nitong kukunin sila ni Matteo sa poder ng mister.Pero para kay Maria isa na lamang basura si Larry sa nakaraan niya.
"Your wish is my command Bhe."alipin si Teo ng mag ina niya.Sa company siya ang niyuyukuan ng lahat.Pero pagdating sa bahay si Maria Loraine ang commander niya.Willing naman siyang maging alipin habang buhay.
Samantalang nagmamakaawa si Trixie sa mga magulang ni Larry na kausapin nila si Maria na iurong ang kaso laban sa kanya.
"Tanga ka ba galit si Maria sa parents ko din.Dahil sayo iyon Trixie.Nakalimutan mo bang dahil sayo kamuntikan ng makunan siya nong pinagbubuntis si Matteo.?Tapos uutusan mo ang parents ko na magmakaawa kay Maria.Para lang di ka makulong ng ilang buwan.?Mom at Dad kung gagawin ninyo iyan.Mas lalong mawawalan ako ng karapatan sa anak ko.!"galit na galit na talaga si Larry.
"L-larry wala na bang halaga si Trio man lang.?Kung makulong ako paano na din ang anak natin.?"pamimilit talaga ni Trixie desperada na kasi siya.
"Kaya kong buhayin naman si Trio mag isa.Noon pa pinagsiksikan mo ang sarili mo sa buhay ko Trixie.Ilang beses ko ng sinabing si Maria ang mahal ko diba.?Wala akong pakialam kung makulong ka pa."deklara na ni Larry.
"Trixie kung di ka nagmatigas ng pinapaalis ka nila Maria dito.Wala sanang kasong maisampa laban sayo.Pero nagtapang tapangan ka kasi.Pati sa amin di ka nakikinig.Nagsumbong ka pa sa parents mo.At Minura pa kami ng magulang mo.Nawalan na din ako ng gana sayo.Kami na lang mag aalaga kay Trio."malditang ani ni Mrs.Tolentino dahil sobra ding mayabang ang parents ni Trixie.
"N-no Tita nadala lang ako sa emotion.M-mahal na mahal ko lang si Larry.!"impit na umiiyak si Trixie pati ang parents ni Larry di na siya sinusupportahan.
"Umalis na kayo Mrs.Valdeza.Kaya na namin alagaan naman si Trio.Si Trixie ang dahilan kung bakit nagulo ang buhay ng anak ko."sisi pa ni Mr.Tolentino sa bruhang babae.Pero yon naman ang totoo na sinira ni Trixie ang buhay at pagkatao ni Larry Tolentino.Dahil makasarili lang ito sobra.Gusto din ni Trixie paikutin sila sa palad nito.Panahon na ibasura na nila ang impakta na babae.Na walang ginawa kundi manggulo na lamang.
"Mrs.Tolentino wag nyo naman kalimutan ang pinagsamahan natin.Pakiusap tulungan ninyo ang anak ko."nagmamakaawa na talaga si Mrs.Valdeza.
"Manang paalisin na ninyo itong mag ina na ito ngayon din.!"utos na ni Mr.Tolentino sa mga katulong.
Naghihiyaw man si Trixie pero wala na talagang awa ang pamilya Tolentino sa kanya.Pati ang anak niya nilayo na ng mga ito sa kanya.Ang anak na pinanghahawakan sana niya para manatili sa poder ni Larry.Ngayon wala na din silang karapatan sa anak niya.
Dahil sa ayaw ni Mr.Valdeza makulong si Trixie.Magmamakaawa siya sa paanan ni Teo.Kung kinakailangan lumuhod siya sa harapan nito.
"Daddy kahit lumuha ka pa ng dugo.Di ko iyon gagawin.So luluhod ka sa paanan ko dahil lang sa pinakamamahal mong anak.?Matanong nga kita Dad minsan ba minahal mo ako bilang anak.?Kung sabihin mo na oo di ako maniniwala.Dahil ni minsan din di ko maramdaman iyon.Nakapokus ka lang kay Trixie lage.At yong company mo si Larry ang pinagkakatiwalaan mo dahil asawa siya ni Trixie.Ngayon nakatulong ba si Larry sayo.?Ngayon nandito ka para magmakaawa sa kapakanan na naman ng anak mo.?Di mo ba naisip na ang mag ina na iyan ang sumira sa matayog na pagkatao mo.?Iyang asawa mo ngayon ang sumira sa pagsasama ninyo ni Mommy.Sa tingin mo ba tutulungan kita ngayon.?"nagtagis ang bagang ni Teo habang nagsasalita.Gusto niyang sumbatan ang ama habang nabubuhay pa ito.Kung gaano ito ka irresponsible na ama at isang tao na rin.
"Ano ba umalis na kayo dito.Wag na ninyong guluhin ang anak ko.!"sinabuyan ni Lara ng tubig ang tatlo.Kaya napipilitan ang mag anak na Valdeza na umalis na lamang.
Nagsisi si Mr.Valdeza kung bakit nakapokus lang siya kay Trixie noon.Napabayaan tulong niya si Teo.Ngayon si Teo na lamang ang pag asa niya para makabangon muli.Pero huli na ang pagsisi niya.Kinamumuhian na siya ng kanyang sariling anak.
Samantalang natanong ni Maria sa kanyang Tita Stella na sino nga ba ang ama niya.
"Baka naman mayaman siya Tita.May makukuha akong mana if makilala ko siya."biro ni Maria sa Tita niya pero biglang sumeryoso ang mukha nito.
"Maria di pa ba kami sapat ng lola Peryang mo.?Bakit mo pa hinanap ang ama mo.?"tila galit na tanong ni Stella sa pamangkin.
"N-nagbibiro lang ako Tita.S-sorry na po."nawala ang ngiti sa mukha ni Maria.
"Stella wag mong kalimutan na buntis si Maria.Napag usapan lang naman ang tungkol sa ama.Wag mong sabihin na buhay pa ang ama ni Maria.?"maang na tanong ni Peryang sa anak.
"Inang hindi ko alam wala akong alam."natarantang umiwas si Stella sa tanong ng Ina niya.Lately kasi may nabasa siyang newspaper.Hinahanap nito ang kapatid niya.Ang totoo suggoracy baby sana si Maria Loraine.Kaso nong 8 months na nagpatanto ni Mellisa na wag nang ibigay si Maria sa totoo nitong Tatay.Kaya tumakas ito at iniwan ang checked na bayad sana daw kay Maria.Si Stella ang tumulong sa kapatid niya para makatakas papunta Pinas.Ngayon hinahanap ng mga ito si Maria.Ayaw sabihin iyon ni Stella dahil ayaw niyang mawalay sa pamangkin.Hindi talaga nabuntisan lang si Mellisa ng foreigner sa tabi tabi.Bilyonaryo ang ama ni Maria Loraine.Di kasi makaanak ang asawa nito.Kaya nagbabayad ng surrogacy na lang sana.Pero binabagabag si Mellisa ng kanyang konsensya.Di niya maiwan si Maria matapos manganak.Kapalit ang Milliones na salapi.Natakot din si Mellisa sa Dyos di naman kasi tuta si Maria para ipanganak tapos iiwan lang ng Ina.
"Maria hindi ka ba kontento sa aming lahat.?Bakit kelangan mo pa ng ama na mayaman.?"may pagtatampong tanong ni Loira sa bff niya.
"L-loira nagbibiro lang ako.Sorry di ko na uulitin.Masaya na ako ngayon at kontento na sa buhay namin ni Teo.Sorry kung nasaktan ko kayo."malungkot na hingi ng paumanhin ni Maria sa lahat.
"Wag mo nang uulitin iyon.Dahil feeling siguro ni Tita Stella nagkulang sila sayo.At takot siguro si Tita na mas piliin mo ang tunay mong ama kesa sa amin."niyakap naman ni Loira si Maria.Eversince sila na ang pamilya ni Maria.
"Oo di na sorry."malambing na ani ni Maria kay Loira.
"Magsorry ka din kay Tita Stella.Baka namisunderstand lang niya ang joke mo kaya galit siya ngayon."advice naman ni Thea na nakikiyakap na rin.Tumango naman si Maria.Mamaya daw magsorry siya sa tiyahin niya.
YOU ARE READING
Paghihiganti
De Todomatapos masaktan ay babangon si Angela Loraine para balikan ang nanakit sa kanya