Chapter 1

66 3 0
                                    



Miyerkules ngayon at half day lang klase kaya magtatrabaho ako mamayang hapon. Nagdala na ako ng lunch para makatipid narin.

"Class dismiss," aniya ng professor namin na s'yang hinihintay ko kanina pa, sa hospital nalanang ako kakain total ay may employees lounge naman doon.

Nilakad ko nalang papuntang hospital, naka uniform pa ako. Nakasuot ako ng kulay itim na skirt na hanggang ibabaw lang ng tuhod ang haba, puti ang top at necktie na pinaibabawan ng coat na color red, nakasuot din ako ng white socks na hanggang tuhod ang haba at school shoes.

Nakasalubong ko si Dr. Fontana ng pumasok ako sa hospital, kaagad ko itong iniwasan at binilisan na lang ang lakad. Dala dala ko rin ang jacket na ipinahiram nya saakin, mamaya ko nalang ibibigay pag kaming dalawa nalang.

Nakarating ako sa kung saan namamalagi ang mga empleyado tulad ng janitor/janitress at security guard. Umupo ako sa isang sulok at doon kumain, pagkatapos ko ay nagbihis na ako ng uniform ng mga janitress. 15 minutes nalang at magsisimula na ang shift ko.

"Dawn," agaw pansin ng manager namin.

"Bakit po?" Magalang kong tanong.

"Linisan mo daw yung office ni Dr. Fontana," tumango nalang ako at kinuha ang paper bag kung saan nakalagay ang jacket bago kumuha ng cart kung saan nakalagay ang mga gamit panglinis.

Nang makarating ako sa opisina ni Dr. Fontana ay nag walis kaagad ako at nagligpit ng mga kalat. Matapos kong magwalis ay nagsimula na akong mag mop ng sahig at punasan ang mga gamit sa opisina.

Napadako ang tingin ko sa name plate na nakapatong sa desk ni Dr. Fontana. Hinawakan ko ito at binasa, "Dr. Cleoford Fontana" marahan kong pagbasa dito bago napangiti, "balang araw magkakaroon din ako nito sa pangalan ko... Dra. Dawn Aphrodite Foster... Ang ganda," I said while smiling bago ibinalik ang name plate sa desk at nagpatuloy sa pagpupunas at pag-aayos ng desk ni Dr. Fontana.

"You want to be a doctor?" Tanong mula saaking likuran kaya napatingin ako dito bago tumango.

"Why?" Dr. Fontana asked with a playful smirk on his face, "what kind of doctor miss Foster?" Mapaglarong tanong nito.

"It's none of your business doctor. Fontana" diniinan ko talaga ang pagkakasabi ng 'doctor Fontana.'

"Wag kanang mangarap na maging isang doctor, sa CNA university ka nag-aaral diba? Mahal ang tuition fee d'on tapos magastos ang pagiging Isang doctor, hindi mo kakayanin." May mapaglarong ngisi parin sakanyang mga labi, hindi nalang ako nagsalita at nagpatuloy na sa paglilinis, pinipigilan kong maiyak. Bakit ganon? Bakit minamaliit nya ako? Masama ba ang mangarap? Gusto ko lang naman maging isang doctor sa pag-iisip para mapagaling ang mga may sugat, mentally at emotionally.

"Wag kana lang mag doctor, hindi mo kakayanin kung wala kang pera at oras, tignan mo oh. Nagtatrabaho ka imbes na mag review, nagtatrabaho ka para mapaaral ang sarili mo. 10k lang ang sahod mo dito a month, tingin mo kakayanin mo?" He's really getting into my nerve's but I need to calm down or else I'll lose my job. Ipinatong ko sa desk nya ang paper bag na naglalaman ng jacket nya na nilabhan ko, sinundan nya naman 'yon ng tingin.

"Tama na yan Engr. Fontana, nangangarap sya at hindi naman imposible na matupad 'yon. Nasasaktan mo na s'ya Engr." Saway ni engineer Salazar kay Dr. Fontana.

Hindi nalang ako nagsalita at tinapos na ang paglilinis, "a-aalis na po ako," medyo pumiyok ako dahil sa pinipigilan ko ang maiyak. Hindi na ako naghintay na makapagsalita sila at bumalik na ako sa lounge bago pumasok sa Cr dito at doon umiyak, walang ibang tao dito sa lounge kundi ako dahil abala na sa paglilinis ang mga kasamahan ko.

Waiting for the Dawn (Fontana brothers series 1) [Unedited]Where stories live. Discover now