"My Queen, I need to go," naramdaman ko ang kaniyang paghalik sa aking noo. Nagmulat ako ng aking mata at nakitang nakatalikod na siya sa akin. Niyakap ko ang aking unan bago siya pinagmasdan.
"Asawa ko, dito ka na lang," napatingin naman siya sa akin nang marinig niya ang mahina kong usal.
Naupo ito sa kama at kinurot ang aking pisngi. Nakasampay sa kaliwang kamay niya ang kaniyang lab coat. Papasok na siya sa hospital.
"My Queen, my patients are waiting for me. Hindi ko sila pwedeng pabayaan, hm?" napanguso ako dahil sa kaniyang sinabi. Tama nga naman. Isa siyang respetadong doctor tapos pababayaan niya lang ang pasyente niya dahil sa akin.
"Sige," nakanguso kong saad kaya nagmukha akong nagtatampo.
"Babawi ako mamaya. I love you," he took a quick peck on my lips before smiling.
"Gawan mo ako mamaya ng pizza na may macaroni na toppings," naupo ako at kumapit sa kaniyang braso.
"Sure," nakangiti niyang saad. Ang kaniyang mga mata ay punong-puno ng pagmamahal habang nakatitig ito sa akin.
"Alis na, I love you too," namumula kong saad at binitawan ang kaniyang braso. Baka pagbawalan ko pa siyang umalis, eh.
"Uuwi ako agad," usal niya at ginawaran muli ako ng isang mabilis na halik. Hindi pa nga ako nakakapag-toothbrush.
Nakatitig lamang ako sa pinto nang makaalis na siya. Ginawa ko ang aking morning routine bago bumaba.
"Good morning, Ma!" Pagbati ko kay mama nang makarating ako sa kusina.
"Good morning," bati naman ni mama kaya't naupo ako sa kaharap niyang upuan. May tatlong kaulong na nakatayo sa gilid at nakayuko.
"Sabayan niyo na kami," pag-anyaya ko sa kanila ngunit nagkatinginan lang silang tatlo.
"Don't be shy," I smiled.
"Oo nga, ang dami kaya ng mga 'to," saad naman ni mama.
"H-Hindi na po, Ma'am," nahihiya nilang tanggi.
"Gusto niyong magsumbong ako tapos sabihin ko na hindi niyo binigay 'yong gusto ko," nakanguso kong saad kaya't nanlaki ang kanilang mga mata at kaagad naupo sa ilang bakanteng upuan.
"Kain na," saad mo nang hindi pa sila kumikilos. Halatang nahihiya. Nagsandok naman sila ng kanin ay kumuha ng ham at hotdog.
"S-Salamat po, Ma'am," nahihiyang usal no'ng isa. Medyo chubby siya. Ang cute. Sarap panggigilan ng kaniyang pisngi.
"Walang 'yon," nakangiti kong saad at kumuha ng tinapay at nilagyan ng ham at ketchup sa gitna.
"Mayroon bang mamamalengke sa inyo?" Tanong ko nang malunok ko na ang kinagat kong tinapay.
"O-Opo, mamaya po mamamalengke po ako," saad naman no'ng isang may katangkaran na maaaring pang-model ang katawan ngunit pay pilat siya sa kaniyang mukha. Kahit na gano'n ay hindi pa rin maitatago ang kaniyang kagandahan.
"Pwede bang bilhan mo ako ng PT? Tatlo lang sana," saad ko bago kumagat muli sa tinapay. Si mama naman ay napamaang lang at nagkunwaring abala sa kinakaing itlog.
"O-Opo!" Kinakabahan niyang saad. Gano'n ba ako ka-intimidating? O baka natakot lang talaga sila sa sinabi ko kanina?
"Ano pangalan niyo?" Tanong ko at nagsandok ng kanin.
YOU ARE READING
Waiting for the Dawn (Fontana brothers series 1) [Unedited]
Romance⚠️ Strongly mature content! This story contains tons of SPG scenes which are for matured readers only! Atlas Cleoford Fontana is a doctor-engineer who is a womanizer and goal-driven person, but not until he saw this girl named Dawn Aphrodite Foster...