Chapter 17

35 0 0
                                    



Paggising ko ay napatakbo kaagad ako sa Cr. Pakiramdam ko ay bumabaliktad ang sikmura ko. Kaagad kong inilabas ang lahat ng kinain ko nang makarating ako sa toilet bowl. Naramdaman ko si Cleo sa aking likod at hinawi ang aking buhok habang ako ay nagsusuka. Nang umayos na ang aking  pakiramdam ay kaagad akong nagmumog at nag-toothbrush.

"Are you okay?" Nag-aalala nitong tanong. Pagtingin ko sa kaniyang mukha ay kaagad akong nainis.

"Kailangan pa talagang mag-english? Umalis ka sa harapan ko! Nakakainis ang mukha mo," inis kong saad at tinulak siya sa kaniyang dibdib. Nakakunot ang kaniyang noo at halatang nagtataka sa aking inaasal.

"Anong... bakit? Wala naman akong ginagawang masama—"

"Umalis ka na!" Inis kong sigaw at tinulak siya. Hindi ko alam pero gusto ko siyang awayin.

Nagtataka naman siyang umalis at sinarado ang pinto ng Cr. Sumunod naman ako at nakitang wala siya sa kuwarto. Nahiga ulit ako para matulog.

Paggising ko ay ayos na ang pakiramdam ko. Bumaba ako sa sala at hinanap si Cleo nang matapos akong ayusin ang higaan.

Halos malibot ko na ang buong bahay pero hindi ko siya mahanap. Nagtanong ako sa isang kasambahay kung nasaan si Cleo.

"Umalis po si Sir—" hindi ko na siya pintapos sa pagsasalita at kaagad akong tumalikod at umakyat sa taas. Naiiyak ako.

"Iniwan niya na ba talaga ako?" Umiiyak kong tanong sa aking sarili habang paakyat ako sa taas.

Nag makarating ako sa aming kuwarto ay kaagad akong nagkulong at umiyak. 10:30 na ng umaga, malapit na pala magtanghalian. Saan ba siya pumunta? Hindi na ba siya uuwi? Pumunta ba siya kay Melia? Magkasama ba sila? Gumagawa ba sila nang milagro?

Nakatulala lamang ako matapos kong umiyak nang umiyak. Tatlompung minuto rin siguro akong umiiyak at nang mapagod ang aking mata ay napatulala na lamang ako. Nag-iisip ng mga tanong sa aking isip at kung saan ba siya nagpunda, anong oras uuwi, o kung uuwi pa ba siya.

Nakarinig ako ng katok sa pinto ngunit tinignan ko lamang ito. "Ma'am, kakain na po," saad ng isang kasambahay. Hindi ako umimik at nagsumiksik sa gilid ng kama.

"Ma'am, kumain na po kayo," ulit nito nang siya ay makapasok sa kuwarto namin ni Cleo.

"Wala po akong gana," saad ko at niyakap ang aking tuhod. Hindi ako nagugutom.

"Pero Ma'am, hindi po kayo nag-agahan. Baka mapano po kayo," pangungulit nito. Nakaramdam ako ng inis at hindi napigilang sumigaw.

"Hindi nga ako kakain! Wala akong gana, ayaw ko! Hindi ako nagugutom!" Kinuha ko ang unan ni Cleo at niyakap ito. Nakakainis naman. Ang kulit ng mga nakuhang kasambahay ni Cleo.

"Pero Ma'am— UMALIS KA NA!" pigil so sa kaniya at napatakbo naman ito palabas. Kaagad akong tumayo at ni-lock ang pinto. Bumalik ako sa aking kama at pinagmasdan ang litrato naming dalawa. Biglang bumuhos ang aking mga luha.

"Ano ba ang nangyayari sa akin? Hindi ba't kaya ko naman dati na walang lalaki? Na hindi ko naman sila kailangan," I murmured while sobbing.

Wala namang makakarinig sa akin sa labas kasi sound proof ang kuwarto na'to.

Iyak lang ako nang iyak at hindi ko namalayan ang oras. Alasdose kinse na pala ng tanghali. Pumasok ako sa Cr dahil naiihi ako.

Pinagmasdan ko ang aking itsura sa harap ng salamin. Mugtong-mugto ang aking mata at namunula ang aking ilong. Nakarinig ako nang mga lagabog kaya't lumabas na ako.

Waiting for the Dawn (Fontana brothers series 1) [Unedited]Where stories live. Discover now