Chapter 22

32 0 0
                                    


"Doc. Kamusta na po ang mama ko? Hindi pa po siya nagigising!" Halos pasigaw kong saad. Tatlong araw na kasi kami rito tapos hindi pa nagigising si mama. Nag-aalala na ako.

Naramdaman ko naman ang pagpisil ni Cleo sa aking kamay. Halatang pinapakalma ako.

"Maayos na po ang vitals ng mama niyo. Kapag nagising po siya ngayon ay puwede niyo na po siyang ilabas bukas," mapagpakumbabang sabi ng Doctor. Nakaramdam naman ako ng hiya dahil sa aking inasta.

"I-I'm sorry," I uttered with guilt. Napatingin naman ang Doctor sa aking asawa bago sa akin. Halatang nagtatanong.

"It's okay, Ma'am. I understand what you're feeling right now," he professionally said. Tumango siya kay Cleo kaya tumango rin ang aking asawa. Umalis na rin ang Doctor kaya napasilip ako sa loob ng kuwarto kung nasaan si mama.

It's a hit and run incident. Hinahanap pa ng mga pulis ang sasakyan at kung sino ang nagmaneho nito. Walang plaka ang kotse at hindi rin sigurado kung may papeles ito at lisensya. Pinabili lang daw ni mama ang personal nurse niya saglit. Nasa sidewalk sila, dapat wala na ang mga sasakyan doon. Naging close rin sila no'ng nurse kaya nauutisan din ni mama minsan. Nasa sidewalk sila pero nabangga pa si mama. Parang sinadya.

"Magigising naman si mama, hindi ba?" Nanghihina kong tanong. Inalalayan naman ni Cleo ang aking katawan. Marahan niya ring hinahaplos ang aking baywang. Na para bang sa paraang ito ay kakalma ako kahit papaano.

"Malakas si mama. Don't worry, she's just taking a rest. Ipapasyal pa natin siya sa beach," his right hand reached for the small of my back. I made myself comfortable in his arms before closing the door of my mother's room.

"Pasok tayo? Let's sit on the couch for our baby to be comfortable," inabot niya ang aking tiyan at marahan iyong hinaplos. Nangangalay na rin pala ang mga paa ko ngunit hindi ko lang napapansin dahil sa pinaghalong Kaba, takot, at paag-aalala para kay mama. I don't want to lose my mother. Aside from Cleo and our baby, she's everything that I have. I did everything for her. I even married the person that I hate, just for her, but I still ended up on loving him.

"T-Tara," pumasok kami at naupo sa sofa. Pinagmasdan ko si mama na hindi kalayuan ang nahihigaan. May dextrose na nakakabit sa kaniyang kamay at may oxygen rin na nakalagay sa kaniyang ilong.

"About Mama's case, I'll contact my connections. I'll ask for their help. We just can't let the culprit go. He or she made a mistake," pagbasag niya sa katahimikan kaya't napabaling sa kaniya ang aking atensiyon. My eyes teared up while examining his serious and concerned face.

"What's wrong? Don't worry, okay? I'll do everything to make them pay," he kissed my temple before kissing my eyelids. He locked me in his arms. Napailing na lamang ako habang nakabaon ang aking mukha sa kaniyang leeg. Magkayakapan kami ngayon ngunit ingat na ingat si Cleo na hindi masaktan ang tiyan ko. He can really be a father and a husband at the same time.

"Thank you... t-thank you s-so much for always helping us. Hindi mo kami pinapabayaan. Pati si mama, hindi mo naman na siya responsibilodad pero tinutulungan mo pa rin kami," I said between my sobs. Ang bait talaga ng asawa ko.

"My Queen, when the day that I asked you to marry me, I already took away all your burdens and responsibilities by making it mine," he gently caressed my cheeks. My eyes began to water again.

"Hey, stop it. Kapag nagising ngayon si mama, baka mag-alala 'yon kasi umiiyak ka. I already told you that I'll help the authority to find the culprit. I have lots of connections," pagpapatahan niya sa akin. Hinawakan niya rin ang magkabila kong kamay at hinalikan ang mga ito.

Waiting for the Dawn (Fontana brothers series 1) [Unedited]Where stories live. Discover now