Chapter 15

41 0 0
                                    

⚠️ MATURE CONTENT AHEAD!!! ⚠️




Nang magising ako ay inikot ko ang aking paningin, may liwanag na sumisilip sa kurtina ng glass door sa may terrace, umaga na pala.

Sinubukan kong bumangon pero hindi ako makagalaw at nanghihina ako, nang tumingin ako sa tabi ko ay wala na si Cleo, saan s'ya pumunta?

Sinilip ko ang aking katawan sa loob ng kumot at napaawang ang bibig ko nang makita ang hubo't hubad kong katawan. Madaming chikinini ang katawan ko! Hindi pa talaga nakuntento ang lalaking 'yon, nilagyan pa pala ako ng hickeys.

Nabaling ko ang aking atensiyon sa pinto nang bumukas ito, iniluwa nito si Cleo na may dalang tray ng pagkain.

"Good morning, Wife," saad n'ya at naglakad palapit. Binaba n'ya ang dala sa bedside table at hinalikan ang noo ko.

Pinilit ko ang sarili kong umupo na sana pala ay hindi ko ginawa. Parang may kuryenteng dumaloy sa aking buong katawan at napasigaw ako sa sakit, masakit ang ibaba ko at ang buong katawan ko.

"Wag mong biglain ang sarili mo," nag-aalalang saad ni Cleo.

"Wag biglain? Sino kaya ang nangbigla saatin? Alam mong first time ko pero hindi ka pa nakuntento sa dalawa! 2 × 3 ang nangyari!" Sigaw ko na kinapikit nya ng mariin.

"Wag kang magalit—"

"Paanong hindi ako magagalit ha!? Eh manyakis ka" irita kong saad.

"Makapagsalita ka naman, akala mo hindi na-enjoy... Grabe nga yung ungol mo kagabi, rinig sa hidden camera sa sala," balewala niyang saad na kinapula ng mukha ko. Bakit ko nga ba kasi sya sinisi?

"Kumain ka na, pagod ka kagabi kaya pinagluto kita, uminom ka rin ng gamot, hinawakan kita kanina at mainit ka," dahil sa sinabi n'ya ay tsaka ko lang pinakiramdaman ang sarili ko.

"Ito oh," sinubuan nya ako ng isang kutsara ng kanin na may sabaw na kaagad kong kinain.

Sinubuan nya ako hanggang sa maubos ko na ang pagkain at pinainom n'ya ako ng gamot. Tumayo sya at naglakad na paalis, ngayon ko lang napansin na tanging jogging pants lang ang suot n'ya, kitang kita ko na naman ang nakakaakit niyang katawan.

Maya-maya ay bumalik ito at pumasok sa banyo, nagtataka ko s'yang tinignan nang lumapit s'ya saakin.

"Paliliguan kita, 'wag kang mag-alala, hindi ka mapapano, alam ko ang ginagawa ko dahil doctor ako, trust me."

Hindi na ako umimik at hinayaan siyang buhatin ako papasok sa loob ng banyo, magtatanong na sana ako kanina pero bigla niyang sinabi ang mga salitang 'yon.

Ibinaba n'ya ako sa bathtub at tsaka pa lamang n'ya tinignan ang kabuuan ko, nakita ko ang bahagya niyang paglunok na tila naakit sa nakikita n'ya ngayon.

Bigla siyang nag-iwas ng tingin at napapikit ng mariin. Napansin ko rin ang bukol sa pagitan ng kaniyang hita.

"K-kaya mo bang paliguan ang sarili mo? Baka kung ano pa ang magawa ko sa'yo pag ako ang gumawa n'yan," iwas tingin niyang tanong.

"K-kaya ko n-naman," nauutal kong saad, pambihira, naiilang na ako dahil sa pagiging madaldal n'ya, ayos na sana pero dinugtungan pa.

"Tawagin mo lang ako pag kailangan mo, diyan lang ako para madali mo lang ako matawag," saad niya at pumunta sa may pinto at tumalikod sa akin. Siguro ay ayaw niyang makita ako dahil baka may magawa talaga s'ya.

Binilisan ko lang ang pagligo dahil nilalamig ako, pagkatapos kong maligo ay tinawag ko s'ya, inabot naman niya sa akin ang isang bathrobe at nang maisuot ko na ito ay walang imik niya akong binuhat palabas.

Waiting for the Dawn (Fontana brothers series 1) [Unedited]Where stories live. Discover now