Chapter 5

41 2 0
                                    


Isang linggo na ang lumipas matapos ang birthday ko, itinago ko ang kwintas na galing kay Cleoford. Ang lagi kong suot ay ang kwintas na galing kay Alistair, itinatago ko lang ito sa ilalim ng t-shirt ko.

Lagi akong binibigyan ng bulaklak at mga pagkain ng dalawa, laging isang bouquet ng rosas ang kay Alistair samantalang kay Cleoford naman ay palaging isang bouquet ng tulips.

Hindi na rin ako masyadong nilalandi ni Cleoford. Minsan ay hinahawakan nya lang ang kamay ko, nag sorry din s'ya dahil sa nangyari noong birthday ko.

"Good morning," Cleoford greeted me as I entered his office. Palagi n'yang pinapalinisan saakin ang office n'ya simula ng manligaw sya.

"Morning," I greeted back before glancing at his office.

"Bakit mo ako pinatawag? Malinis naman office mo," I uttered while my forehead was creasing.

"Pinalinis ko na 'to kanina, I just want you to rest and I want to spend some time with you," he smiled as he lean back on his swivel chair.

"May break time naman," pagdadahilan ko para makabalik na ulit sa trabaho.

"No, stay here. I missed you," He closed his eyes while massaging his temples.

"Are you okay?" Nagpapanic kong tanong at lumapit sakanya, what if may brain tumor pala ang lalaking 'to?

"I'm fine. Pagod lang siguro, wala akong tulog kagabi....ang daming patient ang isinugod sa hospital," he smiled to assure me.

"Talaga? Wala kang brain tumor?" He laughed at my question.

"What? Brain tumor? I'm healthy and perfectly fine!" He's still laughing.

"Kala ko mamatay kana eh," I said jokingly.

"Ang sama mo," natawa na lang ako sakanya.

"Balik na ako sa trabaho, ah?" He glared at me.

"Sabi ko nga magpapahinga ako sa couch," kaagad kong bawi saaking sinabi at naupo sa couch.

"Dawn, can you be my date? There's an upcoming event this coming saturday. I want you to be my date," he said while typing on his laptop.

"Ha? Event? Wala akong susuotin! At may trabaho ako,"

Napatingin s'ya saakin bago tumayo at lumapit sa couch.

"Ako na ang bahala sa susuotin mo, at gabi din naman ang event," naupo sya sa sofa na kaharap ng inuupuan ko.

"Kahit na...may trabaho ako sa cafe at kailangan ko ring umuwi kaagad kasi baka mapano si mama," pag dadahilan ko. Noon ay napakahilig ko sa mga party at event pero ngayon ay mas nag f-focus ako sa pagtatrabaho, pag-aalaga kay mama, at sa pag-aaral ko.

"Please?" Pagmamakaawa nito, "ipapakilala din kita sa pamilya ko para kung sakaling sagutin mo man ako ay hindi na sila mabibigla na nagka girlfriend ako."

Nanlaki ang mata ko, mas binigyan nya pa ako ng rason para hindi sya samahan sa event na sinasabi nya.

"May projects pa ako na gagawin, alam mo naman ang sitwasyon ko di'ba?" Pag dadahilan ko ulit na nagpalungkot sakanya. Nakayuko itong tumango.

"Sorry," pag hingi ko ng tawad, masyado ko na yata syang nasasaktan sa pag ganti ko.

"It's okay, I understand." He smiled.

Waiting for the Dawn (Fontana brothers series 1) [Unedited]Where stories live. Discover now