Chapter 12

42 1 0
                                    


Chinarge ko ang cellphone ko at nang i-turn on ko ito ay isang tawag kaagad ang bumungad saakin. Nang tignan ko ang caller ay si Ali ito. Kaagad kong pinindot ang answer button.

"Hello?" Patanong kong saad.

"Hi, kanina pa kita tinatawagan," wika n'ya mula sa kabilang linya.

"Lowbat kasi ang cellphone ko, pasensya na," napatingin ako sa pintuan nang bumukas ito at niluwa si Cleoford.

"Pwede mo ba akong ihatid? Mamayang 1:00pm ang flight ko, gusto kitang makita. Miss na miss na kita agad," malambing na saad ni Ali. Naka-loudspeaker ang cp ko kaya't alam kong narinig ni Cleoford 'yon. Imbes na matuwa sa sinabi ni Ali ay kaba ang aking naramdaman. Lalo na no'ng magkasalubong ang mata namin ni Cleoford.

Umigting ang kan'yang panga at kumuyom ang kan'yang kamay. Masama s'yang nakatingin saakin na para bang pinagtaksilan ko s'ya.

"Hello? Daph? Are you still there?" Napabaling ako ng tingin sa cellphone ko nang magsalita ulit si Ali sa kabilang linya.

"A-Ah, oo. Pupuntahan na lang kita sa cafe mamaya, sige bye, m-may gagawin kasi ako," hindi ko na hinintay na makasagot pa si Ali at binaba na ang tawag.

Nag-iwas ng tingin si Cleoford at bumaling kay mama, sinuri nito ang kalagayan ni mama at may kung anong sinusulat sa dala nito.

Aalis na sana s'yang muli nang tumayo ako at hinarangan ang pinto.

"C-Cleo," pag-agaw ko ng kanyang pansin pero hindi ako nito tinignan at sinusubukan akong alisin sakan'yang daanan.

"Hindi 'yon kagaya ng iniisip mo," pagpapaliwanag ko. Hindi lamang s'ya umimik, parang hindi naniniwala saaking sinabi.

Natigilan s'ya nang bigla ko s'yang yakapin at binaon ang aking mukha sakan'yang dibdib. Ilang sandali ang lumipas at sinuklian ni Cleo ang aking yakap.

Marahan n'yang hinaplos ang aking buhok.

"Akin ka na. Bawal kang makipagkita ulit sakan'ya, naiintindihan mo ba ako? Ayaw ko ng kahati, isang kahati lang ang matatanggap ko, 'yon ay ang magiging anak natin," Madiin n'yang sambit at inilayo ako sakan'ya.

"Cleo, hindi gano'n 'yon! Hindi naman 'to kagaya ng iniisip mo. Aalis si Ali at kailangan kong pumunta," Umatras ako ngunit nahawakan ni Cleo ang dalawang braso ko. Sinubukan kong kumawala ngunit mas humihigpit ang pagkakahawak n'ya saakin.

"Akin. ka. 'yan ang tatandaan mo," siniil n'ya ako ng mariin na halik, sumasakit ang aking labi dahil dito.

"I will punish you, don't try me," huli n'yang saad at umalis, habang ako ay nakatulala lamang. Mahapdi rin ang aking labi. Anong gagawin ko?










•••••••★★★•••••••







"Mama, aalis po muna ako, babalikan kita ha? Madali lang naman, babalik ako agad," paalam ko kay Mama at nagbihis, kanina kasi ay kumuha ako ng mga damit sa bahay.

Kaagad na akong umalis, nakasalubong ko pa si Cleoford na papunta sana sa kwarto ni Mama, kunot noo n'ya akong tinignan na isinawalang bahala ko lang at patakbong lumabas ng hospital.

Pumara ako ng taxi at sinabi kung saan matatagpuan ang cafe, nagmamadali ako dahil 12:45 na at mamayang ala-una ang flight ni Ali.

Nang makarating ako sa cafe ay kaagad akong sinalubong ni Ali ng yakap, kanina lang ay nagpapabalik-balik s'ya ng lakad sa harap ng cafe.

Waiting for the Dawn (Fontana brothers series 1) [Unedited]Where stories live. Discover now