Chapter 2

53 3 0
                                    


Pumasok na ako sa loob at nadatnan si mama na nakahiga sa sofa at doon natutulog.

"Ma,"
"Mama," yinugyoy ko ang balikat nito.

"Nakauwi kana pala," pupungas pungas na saad ni mama.

"Bakit dito ka natulog, Ma?" Tanong ko,

"Hinihintay kita, Nak, bakit ka nga pala inumaga ng uwi?" Tanong ni mama habang nakaupo ay nakatingala sa'kin.

"Nag apply po kasi ako kanina sa isang part time job, natanggap po ako tapos nagsimula na kanina alas singki hanggang alas dos ng umaga po ang pasok ko sa cafe na yun," nabakasan ko bigla ng pag-aalala ang mukha ni mama.

"Diba may pasok ka tapos may trabaho din sa hospital?" Nag-alalalang tanong nito.

"Kaya ko naman po, Ma, tsaka kulang po yung sweldo ko sa hospital para sa mga gastusin natin,"

"Pasensya kana anak ha? Dapat kasi ako ang nag tatrabaho pero ito ako,—okay lang po, Ma, ang isipin mo po ay ang mag pagaling, okay?" Pinutol ko ang sinasabi ni mama, ayokong ganyan ang sinasabi nya.

Ngumiti nalang ito, alam na nya na hindi ako sang-ayon sakanyang sinasabi.

"Sige anak, sorry sa mga sinabi ko, ha? Pangako magpapagaling ako," I smiled at her, dumiretso na sya sakanyang kwarto. Ako naman ay kumuha ng unan sa kwarto ko at nagbihis, matapos kong gawin ang mga dapat kong gawin ay sumunod na ako sa kwarto ni mama.

She's now sleeping, I lay beside her and hugged her, I will do everything for her to live a long and beautiful life, she's my everything, she's the only thing that I have.














•••••••★★★•••••••











Kinaumagahan ay gumising ako ng alas ssais dahil alas otso ang pasok ko, halos tatlong oras lang ang tulog ko pero ayos lang, sa susunod na gabi pa naman ang pasok ko sa cafe.

Nadatnan ko si mama na nagluluto sa kusina, kaagad akong nag-alala, alam ko ang kondisyon ni mama.

"Ma, bakit kayo nagluluto? Ako na dyan" aagawin ko sana ang sandok nang bigla nya itong ilayo.

"Dawn, sabi ng doctor ay pwede akong mag luto at maglinis, pwede akong gumawa ng mga gawaing bahay basta't hindi mabibigat ba gawain," malumanay na sambit ni mama.

"Pero, Ma—" pinutol ni mamaang sinasabi ko nang bigla s'yang nagsalita.

"Kahit ito nalang ay hayaan mo na ako, ikaw na nga ang nagtatrabaho, nag-aaral ka pa. Kahit ito nalang anak ha? Alam ko na pagod ka, nag-aaral at nag tatrabaho ka,  kahit minsan naman magpahinga ka 'nak." Pagsusumamo ni mama.

"Ma, ayokong napapagod ka, baka atakihin ka, e, Mahal na mahal kita mama eh! Hindi ko kaya kung pati ikaw mawawala, kanino nalang po ako kakapit? Hindi ko kaya na mawala ka, Ma.....ayoko, ayokong maiwang mag-isa, kung kailangang alagaan kita habang buhay, kung kailangang magtriple kayod ako ay gagawin basta't wag mo ka lang mawala sa'kin ma, hindi ko talaga kakayanin, e," I said while sobbing. OA na kung OA basta't hindi ko kaya na mawala sya.

"Dawn naman, nagluluto lang ako kung ano-ano na ang pinagsasabi mo. Hindi naman kita iiwan, mahal na mahal ko kaya ang napakaganda kong anak, 'lika nga dito," she said before pulling me into a tight hug.

Waiting for the Dawn (Fontana brothers series 1) [Unedited]Where stories live. Discover now