Chapter 9

40 1 0
                                    






"Ma, Alis na po ako," paalam ko kay mama at lumabas na ng bahay. Nakapag desisyon na ako. Aalis na ako sa hospital ngayong araw.

Sumakay ako ng tricycle patungo sa hospital. Dala ko ang resignation letter ko at ang kwintas na ibinigay ni Cleoford saakin.

Bumaba ako sa tapat ng hospital at pumasok sa loob. Hindi para pumunta sa lounge at mag-trabaho kundi ay ang mag resign.

Sumakay ako sa elevator at nakasabay ko ang ilan sa mga empleyado dito na inis na inis saakin sa hindi ko alam na dahilan.

"Dapat ay nag lilinis ka ngayon 'diba? At bakit ka naka-dress? Hapit na hapit pa ang katawan mo. Siguro ay lalandiin mo na naman si sir ano?" Wika ng isa na ikina-tawa ng mga empleyado na nasa loob ng elevator.

Hindi ko na lamang ito pinansin at nag kunwaring hindi narinig ang sinabi nito.

"Hala natahimik... baka mag sumbong 'yan kay sir at mawalan pa tayo ng trabaho," wika naman ng isa at tumawa.

Napayuko na lang ako at pinaglaruan ang daladala kong envelope.

Nakahinga ako ng maluwag nang makarating na Ang elevator sa floor kung saan matatagpuan ang opisina ni Cleoford.

"Sabi na at lalandiin na naman si sir," rinig ko pa na winika ng isa.

Nag patuloy ako sa paglalakad hanggang sa makarating ako sa harap opisina ni Cleoford. Huminga ako ng malalim at kumatok sa pintuan.

Ilang minuto na ang nakalipas pero wala pa ring nag bubukas ng pintuan kaya't napagdesisyonan ko na buksan na ito.

Wala akong nakitang Cleoford sa loob. Pumasok ako at inilapag ang envelope na nag lalaman ng resignation letter ko sakanyang lamesa.

Kinuha ko sa aking bag ang kwintas na ibinigay nya saakin. Binuksan ko ang kahon nito at pinagmasdan ang d'yamanteng pendant at pilak na chain nito.

Ibabalik ko na sakanya ang kwintas na ito.

Marahan kong isinarado ang kahon nito at inilapag sa ibabaw ng resignation letter ko.

Umalis na ako sa opisina ni Cleoford at pumasok na ulit sa elevator.

Nang makarating na ako sa ground floor ay nagsimula na akong mag lakad para makalabas na sa hospital na ito.

Nang lumiko ako ay may nabangga ako. Nawalan ako ng balanse, nahapit naman ng nakabanggaan ko ang aking baywang kaya hindi ako tuluyang natumba.

"Dawn," nagulat ako nang marinig ko ang boses ni Cleoford kaya't napatingin ako sa nakabanggaan ko at s'ya ito.

"A-Ah, pasensya na. Hindi na mauulit," kasi hindi na ako dito mag tatrabaho.

"It's okay, it's monday today, you should be in school—"

"Dumaan lang ako dito para makita ka," halos masapak ko ang sarili ko dahil sa palusot na naisip ko.

"Really?" Masaya n'yang tanong.

"But you should be in school at this hour. Hatid na kita?" Kaagad akong napa-iling sa sinabi n'ya.

"W-wala naman kaming pasok ngayon. May biglaang meeting kasi ang mga teacher kaya pina uwi kami," hindi ko s'ya matignan. Masyado na akong makasakanan, hindi ako pinalaking sinungaling ng mama ko pero kailangan ko mag sinungaling.

"Oh, is that so? See you later. I still have an appointment."

Ngumiti s'ya saakin kaya't napangiti rin ako ng peke. Paano n'ya nagagawag mag kunwaring ayos lang ang lahat? Nag kasagutan kami kahapon kaya't paano?

Waiting for the Dawn (Fontana brothers series 1) [Unedited]Where stories live. Discover now