Chapter 14

45 0 0
                                    

⚠️ MATURED CONTENT AHEAD, NOT SUITABLE FOR YOUNG READERS⚠️





Nang matapos naming kunin ang natitira naming mga gamit ay umalis na kami sa bahay at sumakay na sa kotse ni Cleo, nasa front seat ako habang si Mama ay sa backseat. Maya't maya ang paglingon ko kay Mama.

"Pwede ka naman lumipat sa likod," saad ni Cleoford at pinisil ang kamay ko. Ang kaliwa n'yang kamay ay nakahawak sa manibela at ang kanan naman ay nakahawak sa aking kamay. Paminsan-minsanan ay hinahaplos n'ya ang kamay ko.

"...para mas kumportable ka rin, pwede kang matulog do'n. Matagal ang byahe, doon tayo sa bahay ko sa manila," sumulyap s'ya sandali at ibinalik muli ang tingin sa kalsada.

Hindi ko akalain na sa manila n'ya kami dadalhin, wala 'yon sa napag-usapan.

"M-manila? Anong gagawin namin do'n? Ayos lang naman kami dito sa probinsya," kunot-noo kong saad at sumulyap sa likod at nakitang natutulog na si Mama.

"Mas ayos sa manila, kaunti lang kasi ang mga gamit para sa surgery ang naidala rito. Kompleto ang mga gamit namin sa manila, at mas ligtas do'n... just trust me okay?" Pagpapaliwanag n'ya at binitiwan ang kamay ko upang iliko ang sasakyan.
Ibinalik n'yang muli ang pagkakahawak sa aking kamay at dinala n'ya ito sakan'ya labi at hinalikan ang likod ng palad ko.

"I'll trust you, pero siguraduhin mo... please?" Ngumiti s'ya at tumango. He looks hot while driving!

"Lilipat ka sa likod?" Marahan n'yang tanong at ipinatong ang kamay ko sakan'ya hita at pinaglaruan ang kamay ko.

"Hindi na, mukhang kumportable naman si Mama," saad ko at binawi ang aking kamay at isinandal ang ulo sa bintana.

"Take a rest for a while, may sasabihin ako pag nakarating na tayo bahay," tumango ako at ipinikit ang aking mata.

Nagising ako nang tumigil ang sasakyan at narinig ko ang paglabas ni Cleo sa kotse. Inaantok pa ako kaya't pumikit akong muli, malapit na sana akong makatulog ulit nang bumukas ang pinto sa aking tabi at naramdaman ko ang pagtanggal ng aking seat belt. Bigla akong lumutang at nang buksan ko ang aking mata ay bumungad sa akin si Cleoford. Seryoso ang kan'yang mukha habang karga-karga ako.

"Cleo," tawag ko sakan'ya ngunit hindi ako nito pinansin at naglakad lang papasok sa loob ng bahay.

"Gising naman na si Dawn, kaya n'yan maglakad," natatawa g saad ni mama na dahilan upang mamula ang aking pisngi.

"Gusto ko po s'yang buhatin, I also have a question Tita," marahang saad ni Cleo at sinulyapan ako saglit.

"Sige lang, magtanong ka lang. Ang ganda pala ng bahay mo. Parang palasyo sa sobrang laki," namamanghang turan ni mama kaya't inilibot ko rin ang aking tingin. Bumungad sa akin ang mga mamahaling palamuti na hindi mo gigustuhing hawakan. May mga iba't ibang uri ng vase na kumikinang dahil sa kakinisan.

"Maupo ka po Tita," winika ni Cleo nang tumigil s'ya. Nakita ko naman ang pag-upo ni mama.

Ibinaba ako ni Cleoford sa couch at tumabi s'ya sa akin.

"I want to marry your daughter, Tita. Hihingiin ko na po sana ang kamay ni Dawn sainyo," napasingahap ako dahil sa sinabi ni Cleo, samantalang si mama naman ay hindi makapagsalita.

"A-ano? Papakasalan mo so ang anak ko? Kailan a-at ilalayo mo ba s'ya sa akin?" Napatingin sa akin si mama at nagpapanic na napatayo.

"Yes and no, Tita. Yes, I will marry your daughter, but I will never take her away from you."

Waiting for the Dawn (Fontana brothers series 1) [Unedited]Where stories live. Discover now