Chapter 6

43 2 0
                                    


Maaga akong nagising at naglinis ng bahay. Matapos ng mga gawain ay nagluto na ako, mag-isa akong kumain dahil tulog pa si mama. Sabi ng doctor ay kailangan nya ng mas maayos at mahabang pahinga. Matapos kong kumain ay naghugas na ako ng mga ginamit ko sa pagluto at pinagkainan ko. Hindi na ako magbabalot ng pagkain ko dahil sabi saakin ni Alistair ay dadalhan nya daw ako ng pagkain.

Napangiti na lang ako habang nagbibihis. Nag suot lang ako ng isang plain black dress at tinernohan ng itim na doll shoes. Ang mahaba kong buhok ay hinayaan ko na lang na nakalugay.

Pagdating ko sa hospital ay kaagad akong napatingin sa lugar kung saan ako laging hinihintay ni Cleoford. Nadismaya ako ng makitang wala s'ya doon.

Bakit ko ba sya iniisip? Napabuntong hininga na lang ako bago nagpatuloy sa paglalakad papasok ng hospital.

Kay Alistair ko na ibibigay ang buong atensyon ko. Siguro ay pinaglalaruan lang talaga ako ni Cleoford at girlfriend nya ang Melia na yun.

"Bakit bigla kang nawala kahapon?" Bungad ng manager namin habang nakapamewang ng pumasok ako sa lounge.

"Sumama lang po ang pakiramdam ko. P-pasensya na po."

"Ako pa ang lolokohin mo. Nabalitaan ko ang nangyari kahapon. Alam mo, wag ka na umasa kay sir. Pinaglalaruan ka lang n'yan. Kilala siya biglang isang fuck boy. Titikman ka lang n'yan tapos ay iiwan ka na, kita mo si miss Melia kahapon? Sya yung girlfriend ni sir. Kaya back out na girl! Satingin mo ay siseryosohin ka ng isang Cleoford Fontana, na mayaman at gwapo?"  Masungit na saad nito. Alam ko naman na ang iniisip nilang lahat ay nilalandi ko si Cleoford.

Tumango na lang ako. Katawan ko lang ang habol nya, yan palagi ang itinatatak ko saaking utak. Napaka imposible nga na magustuhan ako ng isang kagaya nya.








•••••••★★★•••••••







Naglilinis ako ngayon dito sa ground floor ng bigla akong tawagin ng manager. Malapit na ring mag tanghalian, napangiti na lang ako sa isiping pupuntahan ako ni Alistair dito sa hospital.

"Bakit po?" Tanong ko sa manager nang makalapit ako.

"Linisan mo daw ang office ni Doc. Fontana, bilis!"

Kaagad akong nagtungo sa elevator at pinindot ang floor ng kanyang opisina. Nang makarating ako ay kaagad akong pumasok. Nakalimutan kong kumatok kaya nahihiya akong umiwas ng tingin.

"M-magandang umaga po, d-doc. Mag lilinis na po ako." Paalam ko dito.

"Ipinatawag naman talaga kita para mag linis, ano sa tingin mo ang gagawin mo dito?" Irita nyang sambit. Nakagat ko ang aking pang ibabang labi. Wala rin pala s'yang ibinigay na bulaklak ngayon. Siguro ay sumuko na dahil magkakalahating taon na s'yang nanliligaw at hindi parin ako nakukuha.

Nagsimula na akong mag linis. Napabuntong hininga ako sa pagod. Napakadumi ng opisina nya ngayon. Kahapon ay hindi naman ganito kadumi. May mga basag din na bagay na nagkalat.

Kanina ko pa nararamdaman na may nakatingin saakin pero napaka imposible naman. Sigurado akong galit saakin si Cleoford dahil sa ginawa ko kahapon sa babae nya, puro galos ba naman ang katawan.

Napangiti ako nang matapos na akong mag linis. May mga sugat ang kamay ko dahil sa matatalim na piraso ng babasag na bagay. Saktong papaalis na ako nang may mga lalaking pumasok na may dalang napakaraming pagkain. Nagsasayang parin pala sya ng pagkain. How disappointing.

Waiting for the Dawn (Fontana brothers series 1) [Unedited]Where stories live. Discover now