Nakatulala ako ngayon dito sa Verandah. Nililipad ng hangin ang aking buhok. Makulimlim ang kalangitan, nagbabadya ang ulan.
Galing kami kanina ni mama sa hospital at nagpacheck up s'ya. Lumalala na ang kondisyon ni mama at kailangan naming makaipon para kung sakaling kailanganin ni mama na maoperahan.
30k na rin ang tuition fee ko. Anong gagawin ko?
"Nak, wag mo na isipin ang sinabi ng doctor. Ang lakas ko pa oh!" Biglang may nagsalita sa aking likuran.
"Ma, ngayon malakas ka pa. Paano sa mga susunod na bukas?" Nag-aalala kong tanong.
"Kailangan mong makapagtapos anak," pagpupumilit nito. Alam na siguro ni mama ang tumatakbo sa isipan ko.
"Mas kailangan mo pong mabuhay, Ma."
Tinignan ko s'ya gamit ang seryosong mukha. Napabuntong hininga naman si mama bago ako malamlam na tinignan.
"Anak naman!" Asik pa nito.
"Ma, may sakit ka! Mas kailangan kita kaysa sa pagtatapos ko ng pag-aaral. Kapag magaling kana ay pwede naman po akong mag-aral ulit. Please, Ma?" Lintaya ko habang naiiyak s'yang tinignan.
"Anak-"
"Pumayag kana, Ma... please?" Pagmamakaawa ko. Napabuntong hininga ulit si mama bago ako niyakap.
"Basta't magtatapos ka ng pag-aaral pag magaling na ako ha?" She said while caressing my hair.
"Opo! Pangarap natin yun eh!" Masaya kong turan.
•••••••★★★•••••••
Nandito ako ngayon sa paaralan. Magsasabi na ako sa aking guro na hindi na ako magtatapos ng pag-aaral.
Kumatok ako sa opisina ng aking guro bago pumasok.
"What do you need, Ms. Foster?" She said while staring at me.
Pumasok muna ako sa loob bago isinarado ang pintuan.
"M-ma'am, titigil na p-po sana ako sa pag-aaral," nakayuko kong saad.
"Bakit?" Halata sakanyang tinig ang pag-aalala.
"Personal na problema po, Ma'am."
Nahihiya kong tugon. Niyakap naman ako nito, hindi ko namalayan na nakatayo na pala s'ya at nakalapin saakin.
"Kung ano man ang pinagdadaanan mo ay malalampasan mo rin 'yan. Huwag na 'wag ka lang susuko, ija. Hindi kita pwedeng ipasa sa sem na ito dahil marami ka pang kailangan matutunan."
Humiwalay s'ya sa pagkakayakap saakin at malungkot na ngumiti.
"Okay lang po ma'am, alam ko din po 'yon kaya mas gugustuhin ko po na hindi n'yo ako ipinasa," nginitian ko ang aking guro sa huling pagkakataon.
"Mauuna na po ako," pagpapaalam ko.
"Mag-iingat ka, Ms. Foster, tandaan mo ang mga sinabi ko sa'yo, ha? Sana ay maging istudyante ulit kita."
YOU ARE READING
Waiting for the Dawn (Fontana brothers series 1) [Unedited]
Romance⚠️ Strongly mature content! This story contains tons of SPG scenes which are for matured readers only! Atlas Cleoford Fontana is a doctor-engineer who is a womanizer and goal-driven person, but not until he saw this girl named Dawn Aphrodite Foster...