Chapter 10

53 1 0
                                    


"Sir, may meeting ka po mamayang 2:00 pm," Pagpapa-alala ko kay Ali.

Tumango si Alistair at pinagpatuloy ang pagbabasa ang mga tambak na papeles na nasa lamesa n'ya at pinipirmahan ito. Marami-rami na rin ang hindi n'ya pinirmahan, ang iba naman ay tinapon n'ya na sa basurahan.

Isang b'wan na rin akong nag-ta-trabaho kay Ali. At sa loob ng isang b'wan na 'yon ay palagi kong nakikita si Cleoford sa harap ng bahay namin tuwing sasapit ang alas-otso ng gabi at tuwing ako'y aalis papuntang trabaho, palagi naman akong sinusundo ni Ali.

Hindi ko alam kung sa loob ng kotse natutulog si Cleoford o umaalis muna at gising ng maaga para bumalik sa tapat ng bahay namin.

Isinantabi ko ang aking iniisip at nagsimula nang maghanda para sa meeting na dadaluhan ni Ali.

"Fine minute na lang at..." Natigil ako sa pagsasalita nang makita ko s'yang handa nang umalis. Sa isang restaurant magaganap ang meeting.

Nang makarating kami sa restaurant ay dumiretso kaagad kami sa isang private room.

May dalawang lalaking nakatalikod akong nakita, seryoso silang nag-uusap.

Napatayo naman ang mga ito nang makita kami. Napukol ang aking mata sa dalawang makikisig na lalaki saaking harapan. 

May hawig sila kay Cleoford! Parepareho rin silang kulay asul ang mga mata.

"Mr. Croua," Saad ng lalaking mahaba ang buhok at nakipagkamay kay Ali. Sumunod naman na nakipagkamay ay ang lalaking kanina pa nakatitig saakin.

"Won't you introduce this lady beside you, Mr. Croua?" Tanong ng lalaki habang nakatitig saakin.

"She's my secretary, she's Dawn—"

"I want her to introduce her self to us," pagputol ng mahaba ang buhok sa sinasabi ni Ali.

"Introduce yourself Miss."

"I-I am Dawn Aphrodite F-Foster, Sir," mahina kong saad, sapat lang para marinig nila.

"Oh," The long hair man smirked.

"I am Adrius Keizze Fontana," Pakilala no'ng mahaba ang buhok.

"I'm Eros Gryzzio Fontana," ngumisi rin ang lalaking kanina pa nakatitig saakin.

At ano daw? Fontana!? Don't tell me... kapatid sila ni Cleoford!?

"Have a seat," Saad ni Ali at pinaghila ako ng upuan.

"Let's order first, shall we?" Seryosong saad ni Eros.

"Anong gusto mo, Dawn?" Tanong ni Ali at inabot saakin ang menu. Nakatitig lang saamin ang ka-meeting ni Ali kaya't naiilang ako.

"K-kahit ano na lang p-po," nahihiya kong sambit.

Tumango naman si Ali at tumawag ng waiter para um-order.

"Shall we start?" Saad ni Ali na kinatango ng dalawang kaharap namin.

"Here's the blueprint of the condo that you want us to build," saad ni Adrius at may inabot na malaking papel kay Ali.

"Here," Inabot naman ni Eros ang isang brown folder kay Ali.

"Those are the materials needed for the building, I already sum up the price of the needed materials. It  will cost 10 million. Plus, you need to pay us for our service. Kami na ang maghahanap ng construction workers, and the design is originally made by our architect," seryosong saad ni Eros.

Waiting for the Dawn (Fontana brothers series 1) [Unedited]Where stories live. Discover now