Chapter 21

31 0 0
                                    


"Asawa ko..." naglalambing kong saad. Kaagad namang tinigil no Cleo ang kaniyang mga pinipirmahan na papeles at ako ay tinignan. Nasa office niya kami ngayon.

"Do you want something?" He asked before putting away his eyeglasses. To be honest, he looks hot when he put those on.

Umiling ako at lumapit sa kaniyang lamesa. Balak ko sang maupo sa ibabaw nito kaso hindi ko na kaya. Nakanguso ko na lang siyang tinignan. Hinila niya ako paupo sa kaniyang hita.

"You know that you shouldn't sit on the table. You're four months pregnant already," he reminded me while his nose gently passed on the back of my ear down to my neck. He kissed it before burying his face.

"You look beautiful... and you're really smells good. It's lingering on my nose," pinatakan pa niya ng mga mumunting halik ang aking leeg.

"Ang landi mo na naman," saway ko sa kaniya at mahinang pinitik ang kaniyang noo.

"Sa'yo lang naman ako ganito. Hayaan mo na ako," pagmamaktol niya at hinaplos ang aking tiyan.

"Gutom ka na ba?" Napangiti ako nang tanungin niya sa akin 'yon. Gusto kong kumain!

"I want lobster, grilled squid, pasta with a lot of cheese on top, pizza with mushrooms, fried chicken breast, and fruit salad for dessert!" Natutuwa kong saad. Nanunubig na ang aking bagang nang maisip ko ang mga pagkain.

"That's a lot," naiiling na saad ng aking asawa.

"Gutom na 'yong asawa at anak mo," natatawa kong saad kaya pinisil niya ang aking pisngi. Nanggigigil na naman.

"Share tayo?" He asked. Napanguso ako bago marahang tumango.

"Parang napipilitan, ah?" Natatawa na ito at napatingin sa aking tiyan na mayroon na ngayong umbok.

"As a foodie person, I don't want to share our food!" I exclaimed. Aagawan pa kami, eh!

"Our?" Tumaas ang kaniyang kilay habang may ngising aso sa kaniyang labi.

"Me and your child!" Tuluyan na itong natawa sa aking reaksiyon. Natatawa siyang humalik sa aking labi bago ako tinitigan.

"Cute!" Mahina niyang kinagat ang aking pisngi na hinayaan ko lang. Dapat pala naglagay ako ng lason. Palagi niya na lang pinanggigigilan ang pisngi ko.

"Um-order ka na, please," nag-pa-cute ako at kinuha ang kaniyang cellphone. Inilahad ko ito sa kaniya na malugod naman niyang tinanggap.

"I'll order... Deliver it here... Yeah... Hurry up," sunod-sunod niyang saad nang masabi na Ang gusto kong kainin. Hindi oa niya nabababa ang tawag nang may maalala ako.

"Rice!" Namimilog ang aking mata at tinitigan si Cleo. Naiiling naman ito habang nakangiti. "and rice," pahabol niya sa kaniyang kausap bago binaba ang tawag.

Napatili ako at naglumikot sa kaniyang kandungan. Inalalayan naman nito ang aking likod dahil baka ako ay mahulog.

Tinadtad ko ng halik ang kaniyang mukha dahil sa tuwang aking nararamdaman. "I love you so much!"

"Sinasabi mo lang 'yan pag pinapakain kita," ginulo niya ang aking buhok. Natawa naman ako sa kaniyang seryosong mukha.

"Pagkain lang talaga ang habol ko sa'yo kaya nagpabuntis ako," puno ng sarkasmo kong saad. Napa-ismid naman siya bago niligpit ang laptop na nasa kaniyang harapan. Inilagay niya ito sa gilid bago tumayo habang buhat-buhat ako.


Waiting for the Dawn (Fontana brothers series 1) [Unedited]Where stories live. Discover now