Chapter 18

43 0 0
                                    

Maaga akong gumising at ginawa ko kaagad ang morning routine ko. Paglabas ko ng banyo ay gising na rin si Ali. Hinatid niya kaagad ako pauwi nang maayos na niya ang kaniyang sarili.

"Dito ka na lang?" Kaniyang taong nang makarating kami sa tapat ng bahay ni Cleo.

"Oo, salamat," nakangiti kong saad.

"Wait!" Pigil niya kaya't hindi muna ako lumabas. Hinawakan ni Ali ang aking tiyan at marahan itong hinaplos. Malamlam ang kaniyang mga mata at may mumunting ngiti na sumilay sa kaniyang labi.

"Ingatan mo ang sarili mo at pati si baby. Kunin mo akong ninong sa binyag. Kahit nasaang lupalop ako ng mundo ay babalik ako dito," napangiti ako sa kaniyang tinuran.

"Oo na, ikaw na ang magiging ninong ng baby ko... kung meron nga, 10k minimum every Christmas!" Pagbibiro ko na nagpatawa sa kaniya.

"Kahit 20k pa 'yan," natawa ako sa sinabi nito.

"Hindi pa nga sigurado kung buntis ba talaga ako tapos ini-spoil mo na!" Sabay kaming natawa. Nagpaalam na ako upang makita na ang aking asawa at maipaliwanag sa kaniya kung bakit hindi ako nakauwi kagabi.

Kumatok ako sa gate pero walang sumagot. Ipinasok ko na lamang ang aking kamay sa maliit na butas sa gate. Ang design kasi nito ay ang kalahati'y natatakpan at ang kalahati naman ay parang stripe pero bakal ang nakalagay. Kasya naman ang kamay ko kaya't binuksan ko na.

Inilobot ko ang aking paningin ngunit wala akong Nakita kahit isang kasambahay. Nasaan kaya sila?

Nang makapasok ako sa bahay ay nagpunta ako sa sala ngunit nagkalat ang mga bote ng beer. Nangangamoy alak na sa buong sala dahil sa mga natapong alak. May mga basag din na bote nito at pati ang mga mamahaling flower vase ay basag na.

Nakita ko sa sulok ng aking mata si Cleo. Nakasalampak ito sa sahig, nakayuko, at may hawak na beer. Mukhang lasing na lasing siya.


Ibinaba ko ang aking bag sa sofa at nilapitan ang aking asawa. Ano bs ang problema ng isang 'to?

Sinapo ko ang kaniyang noo at sinilip ang kaniyang mukha. "Cleo, H-Hubby..."

Nag-angat ito ng tingin. I met his empty eyes. His eyes shows all emotions that he feels right now.
Inalis niya ang pagkakahawak ko sa kaniya at galit akong tinignan.

"Mabuti at naisupan mo pang umuwi," malamig pa sa yelo niyang saad.

"Nag-enjoy ka sa lakad mo? Na dumating pa sa puntong nakalimutan mong may asawa kang naghihintay sa'yo!?" Puno ng panunimbat niyang saad.

"H-Hindi sa gano'n. Iniisip naman kita kaso—" pinutol niya ang aking sasabihin.

"Kaso mas gusto mong kasama iyang Ali mo!? Fuck it! I'm your husband! Naiisip mo ako pero hindi ka umuwi!?" Galit at halos pasigaw niyang saad.

"Hindi!" Giit ko at magpapaliwanag sana nang bigla itong tumawa na puno ng sarkasmo.

"Hindi mo ako naisip? Ang galing! I will remind you again. I am your HUSBAND! You should put me first before other people except for your family!" Tumayo ito at lumapit sa akin.

"Hindi mo naiintindihan... Let me explain, please?" Nagmamakaawa kong saad. Ayaw kong mag-away kami.

"Explain? I saw it all! Nakita ko kung paano niyo ipakita na mahal na mahal niyo ang isa't isa! I was there... I have a meeting in Kings Cafe but I cancelled it when I saw you with Alistair..." his tears fell from his eyes. His eyes was full of pain and betrayal as he looked at me.

Waiting for the Dawn (Fontana brothers series 1) [Unedited]Where stories live. Discover now