Nakatulala ako habang pinagmamasdan ang kabaong ng aking ina. My tears keeps on flowing out of my eyes. Hinayaan lang ako ni Cleo kahit alam kong nag-aalala siya para sa akin at sa anak namin. Kumakain pa naman ako para sa sanggol na dinadala ko. It's a boy. Hindi ko pa nasasabi sa kaniya. Hindi ko pa naipapakita ang image at video dahil masyadong abala ang isip ko sa pagkawala ni mama.
Pina-autopsy namin si mama. Sinadya 'yong pagkamatay niya. May nagturok ng lason sa dextrose na nakakabit sa kamay ni mama. Pati 'yon ay inimbestigahan. Hinding-hindi ko mapapatawad ang gumawa nito.
Nagpanggap na nurse ang gumawa no'n kay mama. Ang dapat na magbibigay ng gamot ni mama na isang totoong nurse ay natagpuang walang malay sa loob ng isang cubicle. Burado rin ang mga cctv na nasa paligid kung saan nangyari ito hanggang sa makapasok sa kuwarto ni mama.
Inimbestigahan na ito ng awtoridad at ng mga private investigator ni Cleo. Kung hindi ako umalis, baka buhay pa si mama. Baka kasama ko siya ngayon at binibigyan ako ng payo para sa panganganak ko. Kung sana pinagpabukas ko na lang ang checkup.
Ika-pitong araw na ito ni mama. Last night na niya mamayang gabi at bukas na rin ang libing. Hindi pa rin nag-si-sink in sa utak ko ang mga nangyari. Bakit nagkaganito? Naging mabait naman kami kahit sa mga taong nang-aapi sa amin. Wala naman kaming inaway ni mama.
"My Queen, you should eat," mababang boses na saad ni Cleo bago tumabi sa akin. Hindi ko siya tinapunan ng tingin. Hindi ko alam... pero nagagalit ako sa lahat na lumalapit sa akin. Kahit pa ito ay aking asawa.
Bumuntong hininga siya at sinubuan ako. May dala siyang pagkain. Hindi ko man lang ito tinignan o binuksan ang aking bibig. Diretso lang ang aking tingin sa kabaong na nasa harapan ko. Yakap-yakap ko rin ang litrato ni mama.
"Wife, eat, this is for our baby too," mapagkumbabang saad ni Cleo. Kumain naman ako kanina, konti nga lang.
Binuka ko na lamang ang aking bibig at tinanggap ang pagkain. Marahan ang aking pagnguya. Hindi ko man lang malasahan. Paborito ko ang ulam, pero hindi masarap sa panlasa ko ngayon. Pilit ko itong nilunok at tumingin kay Cleo.
Nakangiti ito kahit papaano. "I understand what you're feeling right now, but baby, take care of yourself too," mahinahon niyang saad at sinubuan akong muli. Inagaw ko ang kutsara at plato mula sa kaniyang kamay.
"Umalis ka na," mariing utos ko. Gumuhit ang sakit sa kaniyang mata na tinakpan niya kaagad gamit ang isang matamis na ngiti. Tahimik siyang umalis. Wala aking ginawa kundi sundan lamang ng tingin ang kaniyang likod.
Tahimik ko namang kinain ang pagkain na binigay niya. Nang matapos ako ay may bulto kaagad na nasa harap ko. Nilahad nito ang isang baso ng tubig at kinuha mula sa aking kamay ang hugasin. Tinanggap ko ang tubig na hinintay niya ring maubos ko bago kunin.
"Good girl," mahinang papuri niya sa akin bago umalis. Bumuntong hininga ako. Hindi ko pa talaga kayang mawala si mama. Sana panaginip lang 'to. Kung puwede lang sana'ng bumalik sa nakaraan.
Nakatulala lang ako sa kabaong ni mama hanggang sa maghating gabi. Walang masyadong pumunta dito dahil hindi naman masyadong kilala si mama. Ang mga kakilala namin ay nasa malayo rin at hindi ko alam kung nakarating ba sa kanila na wala na si mama.
Someone sat beside me. Ipinatong ko ang aking ulo sa kaniyang balikat. "Asawa ko, may mali ba akong nagawa para kunin nila sa akin si mama?"
I felt how he gently stroke my hair using his hand. Parang naka-akbay na siya sa akin ngunit nakapatong pa rin ang aking ulo sa kaniyang balikat. "No, you did nothing wrong. You just became a loving daughter and wife," he kissed my temple.
YOU ARE READING
Waiting for the Dawn (Fontana brothers series 1) [Unedited]
Romance⚠️ Strongly mature content! This story contains tons of SPG scenes which are for matured readers only! Atlas Cleoford Fontana is a doctor-engineer who is a womanizer and goal-driven person, but not until he saw this girl named Dawn Aphrodite Foster...