KABANATA 4

12.1K 544 42
                                    

Kabanata 4.

Kasid Ayann Luevzon. He gave himself a nickname, Siyann, just because he does not want me to know his name.

Is it because I smell bad?

Inamoy ko ang sarili ko pero wala akong maamoy.

Napabuntong-hininga ako.

Maaga akong pumasok ngayon dahil maaga akong nagising.

Ayon sa natatandaan ko, kahit hindi laging pumapasok si Kasid ay mataas ang grades niya dahil matalino talaga siya. Maganda ang genes niya kaya talented at genius siya.

Madalas ay kasali siya sa top 5 sa buong school. Iyon din ang dahilan kung bakit concern din ang mga teacher kay Kasid.

Alam nilang madalas mapaaway si Kasid, pero walang magawa ang mga teacher. Kahit anong disiplina at parusa nila sa mga nangbubully kay Kasid ay hindi pa rin tumitigil ang mga iyon.

Hindi rin magawang i-expell ng mga teacher ang mga estudyante na nangbubully dahil ang mga magulang ng mga 'yon ay nagdodonate sa school.

Kaya rin kilala ang Malbay East Senior High School na semi-private. Dahil iyon sa mga magulang na willing gumastos ng pera para sa mga anak nilang mahilig sa gulo.

Naalala ko lang na ang goal lang ni Kasid ay makatapos ng Senior High. Wala siyang balak magcollege.

Pero bago matapos ang last year ni Kasid sa Senior High ay na-expelled siya. Iyon ay dahil nagawa niyang talunin ang mga madalas mambully sa kaniya.

Laging ang laban ay 1 versus more than 10 at nasanay na siguro si Kasid sa bagay na iyon kaya alam na niya ang paraan para talunin sila.

Kaso nasa katawan na ni Kasid ang pagiging walang-awa lalo na sa kaaway.

Kinuha niya ang swiss knife na dala ng isa sa mga sumugod sa kaniya. Isa-isa niyang sinaksak ang balikat, binti at braso ng mga nambully sa kaniya. Balak pa sana niyang putulin ang mga tendons sa paa ng mga nambubully at naghahanap lagi ng away kaso may dumating na teacher kaya hindi na natuloy ang gusto ni Kasid.

Iyon ang dahilan kung bakit siya na-expelled. Ayaw palabasin ng school ang nangyari kaya walang nainvolved na police.

Pero dahil don, hindi nakapagtapos ng senior high si Kasid at nagsimula nalang na magpursige sa pagtatrabaho at sa iba pa niyang goal sa buhay.

Mabuti naman ang naging outcome non, pero gusto kong matupad ang gusto ni Kasid.

Kung hindi iyon magbabago, wala akong magagawa.

Ang pinaka-importante ay huwag lang mamamatay ng maaga si Kasid at maging masaya siya.

Kahit isang beses, gusto ko siyang makitang ngumiti.

Kapag siguro nakagraduate siya ng senior high ay baka ngumiti siya.

Makalipas ang ilang minuto ay nagsidatingan na ang mga estudyante. Tahimik lang akong naupo sa aking pwesto.

Sa likod ko ay nag-uusap ulit ng pabulong ang dalawang babae. Yung bulong nila ay malakas na parang hindi bulong.

"Tanungin mo kaya kung mayaman talaga ang pamilya o hindi. Sigurado ako limited edition yung suot niyang sapatos."

"Siguro nabankrupt talaga ang pamilya nila."

"Nabalitaan mo pala, nabugbog na naman si Kasid ng grupo ni Axcel Melendres. Hindi talaga nila tinitigilan si Kasid."

"Sayang hindi natin alam. Kung alam natin, edi sana naging hero tayo, baka maalala pa tayo ni Kasid at baka magustuhan ang isa satin."

"Pero orphan si Kasid. Alam ng lahat na nakatira siya sa orphanage at walang magulang."

The Destiny Of Her BelovedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon