KABANATA 31

9.3K 480 64
                                    

Kabanata 31.

Nasa harap ako ngayon ng malawak na pond sa garden ng mansion ni Grandpa. Ngayon araw ay dapat kasama ko si Aiden kaso ay hindi pumayag si Grandpa dahil siya daw ang dapat kong kasama ngayon.

Tinaboy ni Grandpa si Aiden kaninang umaga kaya wala siyang nagawa. Wala din akong nagawa dahil sabi ni Grandpa ay hindi siya papayag na lumabas ako sa residence na 'to ngayong araw.

Nakaupo ako sa reclining chair at may hawak na pamingwit. Ito ang hobby ni Grandpa at kailangan ko siyang samahan.

Malawak ang pond at pwede na sigurong matawag na maliit na lake. Sa pond ay may mga isdang malalaki at maliliit. Kapansin-pansin din ang mga koi fish.

Namimingwit kami ngayon ni Grandpa sa pond. Ang ganitong libangan ay para lang talaga sa matatanda.

Ang atensyon ko ay nasa bulaklak na nakatanim dito sa garden malapit sa pond. Mas willing pa akong tumitig sa mga bulaklak kaysa sa tubig na nasa harapan ko.

Habang nakatitig ako sa tubig ay lumilipad ang isip ko.

Kagabi ay nakauwi kami ni Loran ng maayos. Kaso si Loran ay may nakita daw na nakakadiring bagay na ginagawa ng dalawang taong nakita namin sa underground parking lot. Hindi niya gustong sabihin sa akin ang detalye.

Bumalik na rin si Loran sa kanilang bahay.

Ako nalang ang naiwan ditong apo ni Grandpa. Si Kuya Carjon ay umalis na rin kaninang umaga dahil may trabaho pa siya. Si Kuya Aursen ay may appointment din ngayong araw. May pasok si Kuya Cyrel at si Kuya Aiden ay nagpunta dito pero tinaboy ni Grandpa.

Pinanood ko ang mga isda. Wala pa akong nahuhuli kahit isa. Para bang alam na rin ng mga isda na gusto namin silang hulihin kaya hindi nila kakainin ang bait na nasa dulo ng pamingwit.

Sa tingin ko ay mas madali ko pa silang mahuhuli gamit ang kamay ko.

Tiningnan ko si Grandpa na masayang nakasandal sa recliner na inuupan niya.

"Grandpa, are you happy?"

Nilingon ako ni Grandpa at tumawa siya.

"Yes, I am happy. Why wouldn't I be happy when I am fishing with my dearest granddaughter."

"Aren't you worried that Kuya Aiden will be sad? I have plans with him today, Grandpa."

"That brat. Don't worry about him. You can go out with him some other day."

Tumango ako. There's really nothing I could do.

Siguro ay hindi naman magtatampo si Kuya Aiden sa akin. Siguradong kay Grandpa siya magtatampo.

Makalipas ang ilang minuto ay wala pa rin akong nahuhuli. Naubos na rin ang snacks na binigay sa akin ng katulong.

Habang nakatitig ako sa harapan ay dumating si Butler Jerome. Nagtungo siya sa tabi ni Grandpa. Tuwid ang tayo niya at nayuko ng konti ang ulo niya dahil siguro nakaupo si Grandpa.

"Master, a guest has arrived. It's your friend, Sir Legier Sarcani."

"Oh, I wonder why he's here. Receive the guest for me and escort him here."

Masaya akong nilingon ni Grandpa.

"My dearest granddaughter, you haven't met my friend yet, have you?"

Umiling ako dahil hindi pamilyar sa akin ang pangalan na 'yon at wala rin sa memory ng katawan ko. Pero alam kong may malapit na kaibigan nga si Grandpa dahil kapag wala si Grandpa dito sa mansion niya ay kasama niya ang kaibigan niya.

The Destiny Of Her BelovedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon