KABANATA 28

9.1K 494 12
                                    

Kabanata 28.

ALETTE'S POINT OF VIEW


Nang magising ako ay bumungad sa aking paningin ang magandang kisame.

Agad akong napabangon ng maalala ko na nakatulog ako sa kotse. Bakit ako nasa loob ng isang malawak at magandang bedroom.

Nang nilibot ko ang paningin ko ay halos mabulag ang mata ko sa mga kumikinang na mga bagay na nasa loob ng bedroom na 'to. Pakiramdam ko ay isa ang bedroom na 'to sa mga room sa loob ng castle ni Goddess of Destiny.

This is obviously a luxurious and expensive room.

Nasa hotel ba ako? Siguro ay dinala ako sa hotel ni Kuya Carjon dahil nakatulog ako.

Agad kong hinanap ang bag na dala ko para tawagan si Kasid. Hindi ko rin alam kung anong oras na.

Sigurado akong mag-aalala sa akin si Kasid kapag hindi ko siya natawagan o na-message.

Tumayo ako at naglakad sa mawalak na bedroom. Sobrang lambot ng carpet sa sahig.

Nang makatayo ako ay tsaka ko lang napansin na hindi na ako nakasuot ng uniform. Nakapantulog nalang ako kaya nagtataka akong tumingin sa suot kong white night dress.

Hindi ko mahanap ang bag ko sa loob ng bedroom na 'to. Ang nakita ko lang ay ang malawak na walk-in-closet at ang malawak na bathroom. Sa loob ng bathroom ay may malawak na shower room sa gilid na may glasswall na harang. Malawak din ang sink at malaki ang salamin.

Sa loob ng walk-in-closet ay puro magagandang dress ang nakalagay at mga rubber shoes, sandals at heels. May mga expensive na shoulder bags din.

Unang tingin palang ay halata na mga branded ang laman ng closet na 'to. Nasanay na rin akong kumilala mismo ng branded, original or fake dahil kina Desari. Tinuruan nila ako.

Nang makalabas ako ng walk-in closet ay narealized ko na wala ako sa hotel. Walang hotel ang nagpoprovide ng mga expensive clothes sa kanilang mga customer o client.

Where am I?

Naupo ako sa kama at binalikan ko lahat ng memories ng katawan ko.

Nang mapagtanto ko kung nasaan ako ay agad nanlaki ang mata ko.

This is my room in the main residence of the Albeus Family.

Wala ako sa mansion ko. Nasa mansion ako ni Grandpa at ito ang aking exclusive room sa mansion ni Grandpa.

Nasa Capital City ako ngayon at hindi ko alam kung bakit hindi ako nagising kagabi.

Tumayo ako at hinawi ko ang makapal na kurtina sa bintana. Mas lalo akong hindi mapakali ng makita ko ang maliwanag na sikat ng araw sa labas.

Nagtungo agad ako sa bathroom para magshower. Nagpalit ako ng damit at nagsuot ng sandals.

Bubuksan ko na sana ang pinto ng may kumatok doon kaya natigilan ako. Saglit lang iyon dahil binuksan ko pa rin ang pinto.

Bumungad sa akin ang mukha ng matandang babae. Inaalala ko kung sino siya at agad rumehistro ang pangalan niya sa aking utak.

"Nanny Glenda," mahinang saad ko.

Siya ang kasama at nag-alaga sa katawan ko. Baby palang ako ay siya na ang nanny ko.

Bago naglayas ang katawan ko ay sinigurado niyang wala si Nanny Glenda. Nag-leave si Nanny Glenda dahil nanganak ang asawa ng anak niya.

The Destiny Of Her BelovedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon