KABANATA 16

12K 541 68
                                    

Kabanata 16.

ALETTE'S POINT OF VIEW

I honestly don't know what happened.

Habang magkaka-usap kami nina Gien ay nabanggit niya sa akin na kinausap siya ni Threicy para sabihin na niyaya ni Kasid si Viña sa rooftop at sabihin niya daw sa akin.

Sabi lang ni Gien ay nababaliw na si Threicy at gusto kaming pagselosin na tatlo nina Desari at Leana dahil may crush kami kay Kasid.

Ngunit iba ang naramdaman ko nung nalaman ko 'yon. I thought there was something wrong. There was something weird.

Hindi ko sigurado kung nagsasabi ng totoo si Threicy o hindi, kaya nagmessage ako kay Kasid. Tinanong ko kung nasaan siya at sabi niya nasa office lang siya.

Kaya pinuntahan ko siya sa office pero si Uncle Reo lang ang nakita ko sa loob ng office nila.

Hindi ko alam pero bigla akong kinabahan na para bang kapag hindi ko nakita si Kasid ay may hindi magandang mangyayari at hindi ko na maibabalik sa dati ang lahat o hindi ko na mai-aayos ang kung ano man gusto kong ayusin.

Sobrang bigat sa pakiramdam ng bagay na 'yon. Katulad noong nabasa ko na nagpakamatay si Kasid at sinukuan ang sarili niya.

Iniisip ko rin na hindi kilala ni Kasid si Viña. Kahit lumitaw pa sa harap ni Kasid si Viña ay alam kong hindi niya maalala ang babae na 'yon.

Isa pa, malakas ang pakiramdam ko na may kinalaman iyon sa akin. Siguro nalaman ni Kasid na si Viña ang may gawa ng pasa at sugat sa mukha ko.

Kaya dali-dali akong nagpunta ng school. Hindi ko alam kung saan rooftop ang tinutukoy ni Threicy. Pag-akyat ko sa rooftop ng main building ay walang tao. Malamig na hangin lang ang bumati sa akin. Mataas ang barricade ng rooftop kaya wala rin matatanaw na kahit ano. Sa harap ng building lang makikita ang wire fence. Sa ibang sides ay hindi na matatanaw ang ibang lugar.

Bumaba ulit ako. Lalabas na sana ako ng school ng matandaan kong may rooftop ang building 2. Naglakad ako patungo don pero bago pa ako makarating ay natanaw ko sa gilid ng rooftop na nakatayo si Viña at Kasid na parang nag-uusap.

Nang makita ko sila ay naalala ko bigla kung paano gumawa ng mga trap si Kasid sa loob ng orphanage noong inutusan niya ang ibang mga batang sunugin ang orphanage kung saan sila nakatira.

Hindi ko alam kung bakit iyon ang unang rumehistro sa utak ko ng makita ko si Kasid at Viña sa gilid ng rooftoop. Malapit sila sa edge ng rooftop kaya makikita ang taas ng katawan nila lalo na dahil hindi pa ako nakakalapit mismo sa building. Malinaw din ang mata ko at saulo ko ang katawan ni Kasid. Malabong magkamali ako.

Tumakbong nagtungo ako sa taas ng rooftop ng building 2. Umakyat ako sa hagdanan dahil hindi bukas at naandar ang elevator. Mataas ang building 2 kaya medyo natagalan ako ngunit hindi pa ako nakakapunta sa rooftop ay may narinig akong sumigaw ng pangalan ko.

"ALETTE, WHY ARE YOU HERE?"

Hindi ko alam kung bakit sumigaw ang taong iyon. Nang makaakyat ako ay nakita ko ang likod ni Trein Merion na nakaharang sa pinto patungo sa rooftop.

"Are you kidding me?"

Nang marinig ko ang pamilyar na boses ni Kasid ay sumilip ako mula sa likod ni Trein Merion.

The Destiny Of Her BelovedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon