KABANATA 18

11.3K 537 51
                                    

Kabanata 18.

ALETTE'S POINT OF VIEW

Maaga akong pumasok sa school. Akala ko ay mauuna ulit ako sa tatlo kong kaibigan ngunit nang makapasok ako sa classroom ay nakaupo na sa kanilang upuan sina Desari, Gien at Leana. Ako ang huling dumating sa aming apat.

"Bakit ang aga niyo?" Tanong ko sa kanilang tatlo.

"Syempre, gusto ka namin suportahan. Buong araw kang magpaparactice ngayon ng violin at piano dahil bukas na ang School Foundation Day," sagot sa akin ni Desari.

"Buong araw akong magpapractice? Hindi hapon lang?"

Balak ko sanang magpaalam sa hapon para magpractice sa mga teacher namin ng hapon. Hindi ko alam kung saan nila nalaman na buong araw ang practice ko.

"Hindi mo alam? Dahil magpeperform ka bukas ay excuse kana sa klase ngayon buong araw," paliwanag sa akin ni Gien.


"Sasamahan ka namin magpractice. Tatakas kami ng room kapag walang teacher na nagbabantay. Inagahan rin namin ngayon para maaga din namin masimulan ang panonood sa'yo. Tara na, tara na."

Hinigit ako ng excited na si Leana palabas. Nakasunod samin si Desari at Gien.

"Saan pala ako magpaparactice?" Tanong ko bigla sa kanila ng marealize ko iyon.

Naglalakad kami ngayon sa may hallway.

"Syempre sa music room. Kompleto ang gamit don dahil may nagdonate ng music room at intruments dati bago pa tayo pumasok sa school na 'to. Madalang lang buksan ang room na 'yon kapag may ganap sa school," paliwanag ni Leana sa akin.

Hindi ko iyon alam at wala rin iyon sa memories ng katawan ko.

Nasa last floor ng main building ang music room. Nang makapasok kami ay bumungad sa akin ang malawak at malinis na music room. May ilan mga upuan na para yata sa choir. May piano, violin at may mga drums din. Madaming iba't ibang instrument sa loob ng music room. May iba pang bagay na natatakluban ng puting tela. Mukhang hindi iyon pwedeng galawin.

"Anong gusto mong unang practisin, Alette?" Masayang tanong sa akin ni Desari.

"Piano or violin? Siguro, piano muna kasi pang opening 'yon. Anong suggestion niyo?" Pahayag ni Leana.

"Piano."

"Piano."

Sabay na sumagot si Desari at Gien.

Ngumiti ako sa kanila at binuksan ang takip ng piano. Pinress ko lang ang isang key para malaman kung nasa tono ba iyon o wala. Nang marinig kong maayos ang sound at sakto sa tono ng music na ipeperform ko ay naupo na ako sa harap ng piano.

"Okay, I'm going to play Golden Hour. Do you know that song?" Tanong ko sa tatlo.

Sabay-sabay na tumango sila. "Naririnig ko 'yon minsan kapag nag-i-scroll ako sa social media," sagot ni Desari.

"Napanood ko music video non," tugon ni Leana.

"Nagdownload ako ng kanta na 'yon." Ngumiti sa akin si Gien.

Tumango ako sa kanila. "Okay, I'm going to start."

Tinuon ko ang buong atensyon ko sa pagpeplay ng piano. Nang marinig ko ang magandang tunog na galing sa piano ay napangiti ako.

Ngunit hindi na ako ngumiti at dinama ko na ang music na maririnig ngayon sa loob ng music room.

Nang matapos ako ay nakangiti kong nilingon ang tatlo kong audience.

The Destiny Of Her BelovedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon