KABANATA 9

13.2K 629 138
                                    

Kabanata 9.

ALETTE'S POINT OF VIEW

Hindi ako makatulog ng maayos dahil kada pipikit ako ay naalala ko ang kiss ni Kasid sa akin. Hindi ko alam na ganon pala siya mang-kiss.

Wala akong alam sa bagay na iyon. Maging ang memory ng katawan ko ay wala din alam at hindi marunong mang kiss.

Alam ko din na sa book na binasa ko ay kahit isang beses, hindi ko nakita na nang-kiss si Kasid ng babae.

Ngayon ay hinalikan niya ako. Ibig sabihin, sobrang close na kami ni Kasid. Siya na ngayon ang pinakaclose na tao sa akin sa mundong ito.

Sabagay, una palang ay iyon na talaga ang plano ko.

Pero naguguluhan lang ako kung bakit biglang umalis agad si Kasid ng walang paalam. Siguro ay napasobra ako sa pagkagat sa leeg niya.

Magso-sorry nalang ako sa kaniya.

Hindi ko alam kung anong oras ako nakatulog. Nang magising ako ay maliwanag na ang sikat ng araw. Umupo ako sa kama bago ako tulalang napatitig sa kawalan.

Naisip ko, hindi ko pala natanong kay Siyann kung saan na siya nakatira. Paano ko siya hahanapin ngayon.


Nakasimangot akong tumayo. Dumiretso ako sa bathroom at nagshower. Matapos kong gawin ang dapat gawin ay lumabas na ako ng bathroom. Nagsuot ako ng denim short at t-shirt.

Kinuha ko ang shoulder bag na nakasabit sa loob ng aking cabinet at sinuot iyon. Lumabas na ako ng kwarto.

Balak kong bumili ng breakfast sa convenience store bago ko hanapin ang bagong apartmeng ni Kasid.

Nang lumabas ako ng pinto ng apartment ay nakita kong bumukas rin ang pinto ng katabing apartment ko. Nang masaraduhan ko ang pinto ay natigilan ako.

Napakurap ako bago ko kinusot ang mata ko.

Tiningnan ko ang lalaki sa hindi kalayuan at nilipat ko ang tingin ko sa pinto na nasa tapat ng lalaki. Pabalik-balik ang tingin ko bago ako malawak na napangiti.

"You moved here?"

Tumango sa akin si Kasid. "Yes, where are you going?"

Tumingin si Kasid sa suot niyang wristwatch. "It's still early. It's sunday, you don't have to go to school today."

Mabilis akong sumagot, "I know. I'm going to buy a breakfast then find you. But, I don't need to find you anymore because you're here."

Tumitig sa akin si Kasid bago muli siyang nagsalita.

"Wait here."

Pumasok ulit si Kasid sa loob ng apartment niya. Nang lumabas siya ay pansin kong may hawak siyang maliit na paper bag. Sobrang liit non na kasing laki lang din ng kamay ni Kasid ang paper bag na hawak niya.

"What's that?"

Inabot sa akin ni Kasid ang maliit na paper bag nang makalapit siya.

"My gift for you. You want to pursue me so I need to give you something to motivate you."

Malawak akong ngumiti bago ako tumango ng ilang beses. "I like your gift. I will cherish this so much."

Pinisil ni Kasid ang pisnge ko, "Open it before you speak. You don't even know what's inside."

The Destiny Of Her BelovedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon