KABANATA 23

11.8K 521 47
                                    

Kabanata 23.

ALETTE'S POINT OF VIEW

"Alette, ikaw na ang pinakasikat na naging campus beauty sa school natin. Puno ng pictures mo at videos ng performance mo ang school forum. Congratulations."

Pagkapasok ko ng classroom ay bati agad ni Desari ang bumati sa akin na sinundan agad ni Leana.

"Maliban pa don, halos lahat sa school natin ay tinatanong kung anong relationship niyo ni Kasid at kung bakit sobrang close kayo noong foundation day. Kung nililigawan ka ba daw ni Kasid o kayo na. Syempre, hindi namin sinasabi ang totoong alam namin sa school forum."

Naupo ako sa aking upuan at napansin ko agad ang mga chocolates sa ibabaw ng desk ko. May mga love letters din.

Naisip ko agad na hindi kaya mali ang classroom na pinasukan ko o pinagpalit ni Kasid ang desk namin dalawa.

"Madami kang admirers. Mukhang kailangan kang bakudan ng maayos ni Kasid para hindi ka maagaw sa kaniya," bulong sa akin mi Gien

Napakurap ako.

Para sa akin pala talaga ang nasa desk ko base sa sinabi ni Gien.

Last week pa ang foundation day. Kahapon at nung isang araw ay nakatambay ako sa office ni Kasid at naglalaro ng cellphone. Minsan nakikipaglaro ako ng card games sa mga employees ni Kasid na wala pa masyadong ginagawa. Hindi ako pinigilan ni Kasid na makipaglaro sa mga employees niya.

Kaya kapag busy si Kasid ay pupunta ako ng first floor at kapag natapos na ang ilang rounds ng card games ay umaakyat ulit ako sa second floor para samahan si Kasid sa office niya.

Hindi ako nagbubukas ng school forum at hindi ko rin nakausap ang tatlo at tahimik lang sa groupchat namin nitong nakaraang araw. Kaya ngayon ko lang nalaman ang sinabi nina Desari sa akin.

Tiningnan ko ang mga chocolates sa harapan ko.

Sinabi sa akin ni Kasid na kapag may nagbigay sa akin ng kung ano, lalo na kapag lalaki, ay hindi ko daw dapat tanggapin. Mas mabuti kung itapon ko nalang sa basurahan.

Kahit hindi niya sinabi iyon sa akin ay wala pa rin akong balak na tumanggap ng kahit ano mula sa ibang tao, lalo na kapag galing sa mga lalaki.

Para sa akin ay hindi ko gusto na makatanggap ng mga bagay mula sa taong hindi ko kilala o kaclose. Lalo na dahil hindi sila si Kasid. Hindi ko kailangan ng mga bagay na binibigay nila.

Pero hindi magandang magtapon ng pagkain kaya hinati ko nalang sa tatlo ang mga chocolates na natanggap ko. Binilang ko iyon lahat para patas ang hati sa tatlo.

Matapos kong hatiin ay binigay ko na ang mga chocolates kina Gien, Desari at Leana.

"Thank you, Alette. Hayaan mo, kapag may nagbigay ulit ng chocolates sa'yo ay idederetso ko agad sa bibig ko."

Natawa ako sa sinabi ni Desari. Mukhang naiintindihan nila kung bakit hindi ko pwedeng kainin ang chocolates na binigay sa akin.

"Ang sarap magkaroon ng kaibigan na sikat. Sana may magbigay sa'yo ng cake. Huwag ka mag-alala, ako na ang bahala sa cake na 'yon kapag may nagbigay," malawak ang ngiting saad ni Leana habang kumakain ng chocolate.

"Alette, naisip ko sana na sabihin sa'yo na pwede 'yan ibalik sa mga nagbigay sa'yo. Kaso naalala ko na sobrang rami ng mga nagbigay sa'yo at mapapagod ka lang hanapin silang lahat. Mas mabuti pa talaga na sa amin mo ibigay. Kami na ang bahalang magtapon ng chocolates sa loob ng tyan namin." Seryoso ang mukha ni Gien na para bang sobrang seryoso din ng mga sinasabi niya.

The Destiny Of Her BelovedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon