KABANATA 5

12.1K 581 93
                                    

Kabanata 5.

Mahigit isang linggo ang lumipas ng hindi ko nakikita si Kasid. Maging anino niya ay hindi ko makita. Nagpunta na ako sa mga lugar na pinupuntahan niya pero wala siya. Lagi din siyang absent sa school nitong nakaraang araw.

Paano ako makikipagkaibigan kay Kasid kung hindi ko siya nakakausap.

Ngayon ay weekend at walang pasok. Alam kong nagtatrabaho ng part-time job si Kasid pero hindi ko alam ang schedule niya. Alam ko din na iba-iba ang schedule ni Kasid sa mga part-time job niya pero hindi ko alam kung ano ang eksaktong araw.

Nagising ako ng maaga kahit walang pasok. Balak ko ngayon maghintay sa pinto ng apartment ni Kasid. Iyon lang ang paraan para makita siya at makausap.

Kumain ako ng breakfast. Ngayon ay nagsuot ako ng white sandals at white dress na may flower embroidery sa bandang baba.

Nagsuot ako ng denim pants kahapon at napansin kong hindi sanay ang katawan na 'to sa fitted na denim pants. Maging ako ay hindi sanay dahil noong flower fairy pa ako ay lagi akong nakapink sweet pea flower dress.

Kaya ngayon ay naisipan kong magdress. Puro dress ang mga damit ko sa cabinet at madami pagpipilian pero lahat ay magaganda.

Dinala ko ang pink na shoulder bag. Lumabas na ako ng aking apartment.

Ilang kanto lang ang pagitan ng apartment namin ni Kasid. Medyo padulo na yung kay Kasid at mga lumang building na ang nakatayo sa part na iyon.

Nang makarating ako ay agad akong umakyat sa second floor. Kumatok ako sa pinto ng apartment ni Kasid dahil baka nasa loob siya. Kung wala siya sa loob ay balak kong maghintay sa tapat ng pinto kahit gaano katagal.

Tatlong beses akong kumatok. Walang nagbubukas. Makalipas ang ilang segundo ay balak ko sana ulit kumatok ng biglang bumukas ang pinto.

Malawak akong ngumiti ng bumungad sa akin ang inaantok at gwapong mukha ni Kasid. Magulo ang buhok niya at nakasuot siya ng white shirt at black short.

Nang magtama ang paningin namin ay biglang sumara ang pinto sa harapan ko.

Napakurap ako ng ilang beses. Hindi pa ako nagsasalita.

"Siyann, good morning!"

Sigaw ko habang kumakatok sa pinto.

Makalipas ang ilang minuto ay muling bumukas ang pinto.

Napansin kong medyo maayos na ang buhok niya pero halatang hinagod niya lang iyon ng kamay niya.

"Stalking is a crime. Go home."

Mariin akong tinitigan ni Kasid bago niya ako tiningnan mula ulo hanggang paa. Binalik niya ang tingin sa akin.

"Stalking?" Nagtataka kong usal.

Walang stalking sa vocabulary ng katawan na 'to at wala rin ganon sa aking vocabulary.

Ang knowledge ko lang ngayon ay ang pinagsamang knowledge ng katawan na 'to at ng sarili kong knowledge. Bukod don, wala na akong pagkukunan ng knowledge.

Natututo lang din ako sa mga bagay sa mundong ito base sa nabasa ko sa book. Pero sobrang limited lang din non. Parang wala akong nabasa tungkol sa stalking.

"Aren't you my stalker? You keep following me everywhere. You even found my house."

Nanlaki ang mata ko. He knew I am following him. Siguro ay ayaw niya lang magpakita sa akin kaya hindi ko siya nakikita.

Ngayon ko lang nalaman na stalking ang tawag sa ginagawa ko at isa pa, krimen pala ang bagay na 'yon. Ibig sabihin pwede akong makulong.

"Sorry. I just want to talk to you." Ngumuso ako. Hindi naman siguro niya ako ipapakulong.

The Destiny Of Her BelovedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon