KABANATA 15

12K 691 199
                                    

Kabanata 15.

ALETTE'S POINT OF VIEW

Nang makarating ako sa aking apartment ay agad kong sinaraduhan ang pinto. Dumiretso ako sa bathroom para maligo at magpalit ng damit.

Matapos kong maligo ay humarap ako sa salamin na nakapatong sa study table ko.

Tiningnan ko ang aking injured na mukha.

Hindi pa rin nawawala ang pamumula ng pisnge ko na sinampal ni Viña. Pakiramdam ko nga ay parang nagkukulay violet iyon. Pati ang pasa sa gilid ng noo at sa tabi ng mata ko ay medyo nagkukulay ube na.

Ngayon ko lang din napansin na malaki ang sugat sa labi ko. Hindi iyon maliit na sugat, hindi kagaya ng kagat ni Kasid. Malaki ang sugat sa labi ko na para bang pumutok iyon. Buti sa ibabang parte lang sa bandang gilid.

Nang maramdaman ko muli ang sakit ng tagiliran ko ay inangat ko ang damit ko. Hindi ko nakita kanina kung may pasa ba ako sa bewang o wala.

Nang mai-angat ko ang damit ko ay napigil ko ang aking paghinga dahil may malaking pasa sa aking tagiliran.

Maputi ang balat ko kaya siguro kitang-kita ang pasa sa katawan ko.

Halos maliyo ako ng makita ko ang malaking pasa. Hindi ko alam kung reaction ko ba 'yon o ng katawan ko.

Binaba ko na ang aking damit at nahiga nalang ako sa kama.

Inisip ko nalang na natuhod ko din ang sikmura kanina ni Viña at nasipa ko ang binti niya ng ilang beses habang sinasabunutan pa rin siya ng mahigpit. Ilang beses ko din natuhod ang mukha niya. Sigurado akong mas masakit ang mukha niya kaysa sakin. 

Pasalamat siya hindi ako marunong makipag-ayaw at hindi rin marunong makipag-ayaw ang katawan ko. Kung marunong akong manuntok ng malakas ay sinapak ko na siya ng ilang beses kaso ay hindi ko rin 'yon magawa dahil hindi ko rin maalis ang kamay ko sa buhok ni Viña kanina.

Ngayon na nakahiga na ako ay tsaka lang pumasok sa isip ko ang mga dapat na ginawa ko kanina. Dapat pala  inuntog ko ang ulo ni Viña sa pader. Bakit kasi nasa gitna kami ng fighting arena kanina.

Habang inaalala ko ang nangyari kanina sa storage room ng gym ay naramdaman kong biglang nagvibrate ang cellphone ko na nakapatong sa kama.

Kinuha ko 'yon at nakita kong tumatawag si Kasid. Sinagot ko agad ang tawag.

"I'm outside. Open the door."

Gulat na napaupo ako sa aking kama ngunit napadaing ako ng sumakit ang tagiliran ko.

"What's wrong?"

Nang marinig ko muli ang boses ni Kasid ay natauhan ako.

"Nothing. I am sleeping."

"Oh, you are sleeping. You are just sleep talking right now?" Pang-aasar sa akin ni Kasid kaya napanguso ako ngunit napadaing ulit ako ng sumakit ang sugat sa labi ko.

"Open the door."

Natahimik ako ng marinig ko ang seryosong boses ni Kasid sa kabilang linya. Nawala na ang pabirong tono ng boses niya kaya napalunok ako.

"Alette, open the door."

Pakiramdam ko ay nagtaasan lahat ng balahibo sa katawan ko ng marinig ko ang malamig na tono ng boses ni Kasid. Bigla ko rin naimagine ang walang emosyon niyang mukha.

The Destiny Of Her BelovedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon