KABANATA 48

13.4K 490 33
                                    

Kabanata 48.

ALETTE'S POINT OF VIEW

Nakasakay ako ngayon sa kotse ni Kasid. Sinabi ko sa kaniya ang address ng bahay ko.

Kanina ay tinaboy ni Kasid si Loran at Trein Merion dahil gustong sumama sa amin ng dalawa. Naiintindihan ko si Loran dahil alam kong madikit talaga siya sa akin pero hindi ko maintindihan si Trein Merion.

Sinabi niya kanina na gusto niya lang masigurado na hindi ako impostor. Noong narinig iyon ni Kasid ay agad niyang sinabi kay Trein Merion na pwede na siyang mag-impake dahil ipapadala siya ni Kasid sa ibang bansa at huwag na siyang bumalik pa.

Natawa ako noong marinig ko iyon.

"Siyann, let's buy a new phone."

Nilingon ko ang nagdadrive na si Siyann. Kakatapos lang ng work niya. Habang nagtatrabaho siya kanina ay nasa office ako at nakaupo sa sofa habang hinihintay siya. Gusto pa niyang kalungin ako pero hindi ako pumayag dahil hindi siya nakakapagtrabaho ng maayos. Kada minuto ay hahalikan niya ako bigla. Lumilikot na din ang mga kamay niya na kung saan-saan nakakapunta kaya kinailangan kong pagsabihan si Kasid.

Hindi pa kami nakakaalis sa commercial district.

Nilingon din ako ni Siyann. "Okay," nakangiti niyang sagot sa akin.


Napangiti rin ako at bumuntong-hininga. Hindi nagbago si Kasid. Kung anong gusto ko ay hindi na siya magtatanong. Gagawin na agad namin.

Kaya mahal na mahal ko siya.

Naalala ko pa na lumuhod pa siya sa akin dahil akala niya ay nagkasala na siya habang hindi pa niya ako nahahanap. Sobrang cute ni Siyann.

Gagawin ko ang lahat para habang buhay siyang maging masaya.

Pinark ni Kasid ang sasakyan ng makarating kami sa mall. Nauna akong bumaba sa kaniya. Nang makababa si Kasid ay lumapit siya sa akin at hinawakan niya ang kamay ko.

"Let's buy the things you want to buy today. I will buy you everything you want."

Masayang tumango ako. "Alright. I only want to buy a cellphone. Let's play first before going home."

Tumawa si Kasid. Humigpit ang hawak niya sa kamay ko. "I really miss you so much."

"I miss you too. Did you dream of me?"

Matapos kong magtanong ay ramdam kong natigilan saglit si Kasid. Napangisi ako dahil alam ko kung anong iniisip niya.

Syempre, araw-araw niya akong napapanaginipan noon. Simula ng mag-make love rin kami sa dreamland ay hindi na niya ako tinigilan.

"Yes, you were really a fairy in my dream. You have a beautiful wings."

Natuwa ako sa sagot ni Kasid. Natutuwa ako dahil nakasama ko si Kasid habang nasa fairy form ako.

Nakarating kami ni Kasid sa bilihan ng cellphone. Pinapili ako ni Kasid kung anong gusto kong bilhin.

Habang tumitingin ako ay nasa tabi ko pa rin si Kasid. Malabong bitawan niya ang kamay ko.

"Siyann, pick a phone for me."

Gusto ko ay si Kasid ang pumili ng cellphone ko. Dahil kapag ako ang pumili ay ituturo ko nalang ang kahit ano.

Ngumiti sa akin si Kasid. "I see. You want me to buy you a new phone personally."

Pinigilan ko ang tawa ko. Magaling talaga siyang mag analyze ng mga bagay-bagay lalo na kapag tungkol sa akin.

The Destiny Of Her BelovedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon