KABANATA 45

11.2K 648 180
                                    

Kabanata 45.

Nang magising ako ay sobrang maliwanag na sa labas. Kahit may kurtina ang mga bintana ay mahahalata pa rin na maliwanag na ang sikat ng araw.

Bumangon ako. Kailangan ko pang ayusin ang mga gamit ko.

Two-storey house ang bahay na 'to. Sobrang spacious ng bawat room. Sa living room palang ay kakasya na ang ilang mga katao. Sa 2nd floor lahat ng mga bedroom.

May tatlong bedroom at isang study room sa second floor. Isang master's bedroom at dalawang normal bedroom. Kahit normal iyon ay sobrang laki pa rin ng dalawang bedroom na 'yon. Sa first floor ay may isa din guest room, living room, dining room, at kitchen. May common bathroom at restroom sa first floor.

Sa 2nd floor ay may sariling bathroom ang tatlong bedroom at ang study room lang ang wala.

Sobrang lawak ng bahay na 'to para sa isang tao. Alam kong hindi iyon naisip ni Grandpa. Baka ang naisip niya lang ay the best ang bahay na 'to para sa akin.

Pinili ko syempre ang master's bedroom. Mula sa master's bedroom ay matatanaw ang front yard at ang katapat na malaking bahay.

Sa tapat ng bahay ko ay may isa rin napakalawak na bahay. Tanaw ko rin ang front yard ng katapat na bahay.

Matapos kong pagmasdan ang labas ay inayos ko na ang gamit ko. Halos pagpawisan ako sa pag-akyat ng mabibigat na maleta.

Kompleto na ang furniture at iba pang house equipment sa bahay ko. Naihanda na iyon ni Grandpa para hindi na ako mamili pa.

Ang kailangan ko nalang gawin ay ayusin ang mga dala kong gamit.

Pumasok ako sa malawak na walk-in-closet. Inayos ko ang mga gamit ko. Mga dress, pants, shirts, shorts, hoodies, coats, shoes, sandals, boots at marami pang iba.

May dala rin akong iba't ibang bag kaya tatlong malaking maleta ang dala ko.

Habang nag-aayos ako ng gamit ay bigla kong naalala ang tatlo kong kaibigan sa school. Si Gien, Leana at Desari.

Siguradong mga adult na din sila. Matagal na siguro silang nakapagtapos ng pag-aaral at nagtatrabaho na siguro sila ngayon.

Hindi ko sigurado kung kilala pa nila ako. Gusto ko pa rin sila maging kaibigan. Kung hindi na nila ako kilala ay magpapakilala nalang ulit ako sa kanila.

Kaso ay kailangan kong unahin puntahan si Kasid bago ko puntahan ang tatlo kong kaibigan. Hahanapin ko pa kung nasaan silang tatlo.

Nang matapos ako sa pag-aayos ng aking gamit ay tinabi ko na ang tatlo kong maleta sa loob ng walk-in-closet. May space sa loob non lagayan ng mga maleta.

Naligo ako at nagpalit ng damit. Nagsuot ako ng lightpink na dress at puting sandals.

Nang makapagbihis ako ay tsaka lang ako nakaramdam ng gutom.

Lumabas na ako ng bahay.

Kailangan kong maglakad patungo sa pinaka entrance ng subdivision dahil wala akong sasakyan.

Nang marating ako sa entrance ng subdivision ay may pawis na sa noo ko. Daig ko pa ang jogging dahil nasa pinakadulo pa ang bahay ko.

Mukhang kailangan ko ng sasakyan at ng driver's license.

Nagpatuloy ako sa paglalakad nang makalabas ako ng subdivision. Pumara ako ng taxi. Sinabi ko ang lugar na balak kong puntahan.

Sa pinakamalapit na mall.

Binaba ako ng taxi driver sa may commercial district kung saan maraming maliliit na shops at malls. Nagbayad ako bago bumaba.

Hindi na ako namili ng kakainan. Nagpunta ako sa isang fast food chain na madalas namin kainan ni Kasid.

The Destiny Of Her BelovedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon