KABANATA 39

9.3K 442 35
                                    

Kabanata 39.

THIRD PERSON'S POINT OF VIEW

Loran became a very famous action star.

Ang dating 15-years old na batang ayaw na ayaw na pinagtitinginan siya ay naging isang kilala at sikat na actor.

Mas madami na ngayon matang nakasunod sa kaniya at pinapanood ang bawat galaw niya.

22 years old na siya. Mas tumangkad si Loran at mas nag-matured ang mukha. Na-enhance ang lahat ng feature sa mukha niya kaya mas lalo siyang gumwapo.

Hindi na siya mukhang sunny boy at hindi na rin siya iyakin. Sa tuwing bibisitahin niya si Alette ay hindi na siya umiiyak. Nakakapagkwento na siya ng buhay niya sa walang malay na si Alette.

Naka-disguise si Loran ngayong araw dahil balak niyang bisitahin si Alette.

Nakasunod sa kaniya ang assistant niyang si Reloy, na nakasuot din ng disguise.

Sikat na sikat si Loran at maging ang assistant niya ay kilala ng mga fans niya kaya parehas nilang kailangan magdisguise kapag lalabas sila.

Nakarating sa VVIP floor ang dalawang taong naka-disguise. Pumasok sa loob si Loran at nanatili sa labas si Reloy.

May bench sa labas ng ward kaya naupo don si Reloy habang hinihintay si Loran. Bawal pumasok si Reloy sa loob kahit gaano pa siya ka-curious sa taong nasa loob ng VVIP ward.

Sabi ni Loran sa kaniya ay may sister siyang nasa hospital pero alam ni Reloy na walang kapatid na babae si Loran. Siya ang bunsong anak sa pamilya nila.

Naisip ni Reloy na masyadong confidential ang tao na nasa loob ng ward kaya hindi na siya nagtanong pa.

Sa loob ng ward ay nadatnan ni Loran ang kaniyang grandpa na nasa tabi ng hospital bed na hinihigaan ni Alette. Nakaupo ang grandpa niya sa wheelchair.

"What are you doing here? Aren't you so busy that you don't have time to accompany your sister. What kind of brother are you?" Singhal ni Warion Albeus sa kaniyang apo.

Halata na ang katandaan sa kaniyang mukha.

Hindi nainis o nagalit si Loran sa sinabi ng kaniyang grandpa. Busy siya nitong mga nakaraang buwan kaya hindi niya magawang bisitahin si Alette. Kahit gugustuhin niya ay hindi kaya ng schedule niya. Kahit i-push niya ang schedule niya ay wala pa rin sapat na oras para makasama si Alette.

Ngayon ay aalis ulit siya ng Capital City kaya pinuntahan niya si Alette para magsabi dito at humingi ng tawad dahil hindi na niya nakakasama ng matagal si Alette.

"I'm sorry, Granpda. I've been busy these past few months. I will accompany Alette next month. I will free all my schedule next month."

Isang buwan lang aalis ng Capital City si Loran at babalik din siya pagkatapos ng work niya sa ibang city.

Hindi na nagsalita si Warion Albeus kaya nakahinga ng maluwag si Loran.

Tumingin si Loran sa nakahigang babae sa hospital bed. Hinawakan ni Loran ang kamay nito.

Alette looks so healthy. Kahit ilang taon na siyang nakahiga ay hindi pa rin siya pumapayat dahil sobrang alaga ang kaniyang katawan. Hindi rin hahayaan ni Warion Albeus na pumayat at maging buto nalang ang paborito niyang apo.

Wala ng benda sa ulo niya at matagal ng naghilom ang malaking sugat don. Humaba na rin ang buhok ni Alette at matagal ng tumubo ang mga buhok na ginupit noon sa ulo ni Alette.

The Destiny Of Her BelovedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon