KABANATA 26

10.8K 469 65
                                    

Kabanata 26.

ALETTE'S POINT OF VIEW

Natapos ang birthday ni Kasid na parehas kaming masaya. Paano ako hindi magiging masaya, halos lahat ng rides sa amusement park ay sinakyan ko kahit yung iba ay pambata na.

Bago lahat para sa akin ang mga rides na nasa loob ng amusement park. Kahit naranasan na iyon ng katawan ko base sa memory na meron ako ay hindi pa rin non mapapantayan ang tunay na experience.

Lahat ng ituro ko kay Kasid ay sinasakyan namin. Kahit gaano pa nakakatakot o nakakalula ay hindi ko iyon pinansin dahil para sa akin ay walang nakakatakot na rides. Lalo na dahil dati akong flower fairy. May wings ako at kaya kong lumipad bago ako naging tao.

Pakiramdam ko nga habang nasa amusement park ay ako ang may birthday at hindi si Kasid dahil kung anong gusto ko ay laging sinusunod ni Kasid. Kapag tinatanong ko siya kung ano ang gusto niyang sakyan ay lagi niyang sinasabi na pipiliin niya ang kahit anong gusto ko. Kaya sa huli ay ako na ang nagdesisyon ng lahat ng rides na sasakyan namin.

Sobrang saya sa pakiramdam na kasama si Kasid. Ramdam ko rin ang saya niya kaya hindi ako tumigil sa paglilibot ng buong amusement park.

Noong nakaraang linggo pa nangyari iyon. Isang linggo na ang lumipas matapos ang birthday ni Kasid. Sobrang bilis lumipas ng araw.

Monday ngayon at may pasok. Minsan gusto ko na rin umabsent dahil laging wala sa school si Kasid. Nakikita ko lang si Kasid tuwing umaga bago ako umalis at hapon kapag umuuwi ako.

Sabay kami lagi nagbebreakfast at nagdidinner. Minsan sa office niya kami nagdidinner kapag pumupunta ako don.

Pamilyar na din ako sa halos lahat ng mga taong nagtatrababo kay Kasid. Sa company ni Kasid ay siya ang pinakabata. Lahat ng tauhan niya ay mga matatanda na at ang iba pa sa kanila ay may asawa at anak na binubuhay. Iyon din ang dahilan kung bakit tumino ang mga thugs at tambay na na-hire ni Kasid.

Sa isang buwan ay birthday ko na at pagkatapos sa isa pang buwan ay may christmas holiday. Mahaba ang bakasyon at plano kong yayain si Kasid na maggala kami sa ibang lugar.

Nasa loob ako ng klase ngayon. Malamig na ang simoy ng hangin at mukhang malapit na magfirst snow. Iyon din ang sinabi sa akin ni Gien kanina.

Nag-uumpisa ang snow sa bansang ito bago o pagkatapos mag november at tatagal 'yon hanggang first week ng february o last week ng january.

Nakajacket ako ngayon at ang tatlo kong kaibigan. Matataas din ang medyas na suot namin.

Abala sa pagtuturo ang teacher sa unahan. May hawak akong cellphone sa ilalim ng desk habang kausap sina Leana sa groupchat.

Desari: Mission completed. Naubos ko kanina ang macaroons na nasa table mo. @Alette

Gien: Ingat kayo sa pagkain. Baka may gayuma na ang pagkain na kinakain niyo.

Nang mabasa ko ang message ni Gien ay narinig ko bigla ang sabay na pag-ubo ng dalawang tao sa likuran namin ni Gien.

Gien: Hehe.

Me: Thank you. Dapat talaga may sign na akong nilagay. Lagi kong nakakalimutan, hindi niyo sa akin pinapaalala.

Leana: Ipapaalala namin kapag turn ko ng kumain ng pagkain sa desk mo.

Me: May turn kayo?

Gien: Gumawa kami para fair.

Natawa ako pero ng makita kong may teacher pa sa unahan ay napalitan ng ubo ang tawa ko.

The Destiny Of Her BelovedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon