KABANATA 7

11.8K 650 120
                                    

Kabanata 7.

ALETTE'S POINT OF VIEW

I was about to open the door when I saw a small envelope on the floor. What is this?

Yumuko ako at pinulot ang maliit na puti at maliit na envelope. Walang nakasulat sa labas ng envelope. Nagtataka kong tiningnan ang hawak ko bago ako bumalik sa living room at naupo sa sofa.

Binaba ko ang dala kong school bag sa tabi ko. Papunta na dapat akong school pero maaga pa kaya hindi pa ako malelate kahit maupo ako saglit sa bahay.

Binuksan ko ang envelope. May nakalagay na papel sa loob kaya kinuha ko iyon. Nang makita ko ang magandang handwriting na medyo may pagka-cursive ay agad akong namangha.

Maganda din akong magsulat pero hindi kasing ganda ng sulat na nasa papel.

Ngunit sumeryoso ang ekspresyon ng mukha ko ng mabasa ko ang nakasulat sa papel.

'Stop going to my apartment. I am not a good guy. I'm very bad. I will move to another apartment today so don't waste your time. I will transfer to another school and you will not see me again. Give up and stop chasing me.'

Hindi ko na kailangan isipin pang mabuti kung kanino galing ang sulat na 'to. Alam kong sinulat ito ni Kasid.

Lilipat na siya ng apartment? Magtatransfer na siya ng school? Paano ko siya makikita kapag lumipat siya? Mas lalo akong mahihirapan makita siya. Hindi ko alam kung kailan niya iniwan itong letter sa apartment ko.

Mabilis akong tumayo bitbit ang bag ko. Lumabas ako ng apartment at tumakbo ako patungo sa apartment ni Kasid.

Nang makarating ako ay agad akong umakyat sa second floor. Kumatok ako ng makarating ako sa tapat ng apartment ni Kasid pero katulad ng dati. Walang nagbubukas ng pinto at walang ingay sa loob.

Napakagat ako sa aking labi.

"Siyann, are you there? Are you sleeping? It's already late!" Sigaw ko sa may pinto.

Nang walang sumagot ay inis kong sinipa ang pinto. "You did not even tell me your new address. Where will I find you?"

Nakasimangot akong umalis ng apartment ni Kasid. Huminga ako ng malalim.

Fine. There's still a lot of time. Let's take our time. Kasid is a busy person.

Naglakad na ako patungo sa school. Lagi akong naglalakad sa school dahil medyo malapit lang iyon. Nagtitipid din ako madalas kaya minsan lang ako sumakay sa bus na nadadaanan ang school.

Hindi pa ako nakakalayo sa neighborhood ni Kasid ng tumigil ako. Lumingon ako sa likod ko dahil pakiramdam ko ay may nakatingin sa akin. Dahil umaga at maliwanag na ay may ilang mga taong naglalakad. Ang iba ay matatanda at ang iba ay estudyante rin na papuntang school.

Nagpatuloy ako sa paglalakad at hindi ko na pinansin ang nakatingin sa akin kanina.

Iniisip ko si Kasid. Malayo ba ang nilipatan niyang apartment at school? Kung hindi ko siya sinulatan ay baka hindi ko pa malaman ang bagay na 'yon.

Nang makarating ako sa gate ng school ay nakita ko ang isang pamilyar na lalaki. Matangkad ito at nakasuot ng salamin. Kahit hindi rin mainit ay nakasuot ang lalaki ng jacket. May I.D itong suot at may dalang bagpack sa likod.

May hawak itong cellphone at mukhang may tinatawagan pero hindi siya nagsasalita.

Trein Merion. Seatmate and future friend ni Kasid.

The Destiny Of Her BelovedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon