KABANATA 22

11.8K 564 71
                                    

Kabanata 22.

THIRD PERSON'S POINT OF VIEW

Magkakatabing naglakad sina Gien, Leana, Desari at ang bagong member ng grupo na si Trein Merion.

Tiningnan ng tatlong babae ang lalaking kasama nila. Kanina ay masaya silang apat na naglalaro sa mga game booth.

"Trein, sabihin mo nga, si Kasid ba ang totoong bully?" nagtatakang tanong ni Desari.

Tumango si Leana at Gien. Sa napanood nila kanina ay iisipin nilang hindi si Axcel Melendres ang bully kundi si Kasid.

Sinong mag-aakala na knock-out si Axcel Melendres at ang iba pa niyang kasama sa isang suntok lang. Naisip ng tatlo na kulang pa sa practice ang grupo ni Axcel Melendres.

Kanina ay para silang nanonood ng action movie at si Kasid ang bida. Kitang-kita nila ang lahat ng pangyayari at ngayon lang nila narealize na sobrang attractive ni Kasid habang nakikipagsuntukan.

Dati ay malimit din makita ni Desari at Leana si Kasid na nakikipagsuntukan pero laging dehado si Kasid noon at naisip nga nila na paano kung ayaw lang ma-offend ni Kasid si Axcel Melendres kaya hindi siya lumalaban o baka may iba pang dahilan.

"Ah, hindi ko din alam." Napakamot sa ulo si Trein Merion.

Wala rin siyang alam sa bagay na 'yon. Ang alam niya din ay laging nabubully si Kasid. Sinong mag-aakala na kaya pala nitong magpatumba ng mahigit sampong tao.

Sinong mag-aakalang malakas pala si Kasid at ang physical force niya ay kamagha-mangha. Ngayon ay mas nadagdagan tuloy ang takot niya sa kaniyang seatmate. Mas lalo rin siyang confident na tama ang hula niya na si Kasid ang magiging future big boss na malapit sa kaniya na sinasabi ng grandfather niya.

Naisip ni Trein Merion na hindi talaga dapat ma-offend si Kasid.

"Pero naisip ko, buti si Kasid ang boyfriend ni Alette. Kapag may nang-away kay Alette ay kayang-kayang lumaban ni Kasid. Sa ganda ni Alette ay madaming mga lalaki ang laging lalapit sa kaniya. Mabuti na may boyfriend siyang kayang mantaboy ng mga ibang lalaki," pahayag ni Leana.

"Tama ka. Mukhang si Alette rin ang may kayang magpakalma kay Kasid," dagdag pa ni Gien.

Naglakad na ang apat para maglibot-libot. Hindi na nila inisip pa ang kaibigan nilang si Alette at si Kasid dahil alam nilang mas gusto ng dalawa na solo silang magkasama. Ayaw nilang maging third, fourth and so on wheel sa kanila.

---

"Viña, wala akong oras sa'yo. Kung naghahanap ka ng mapaglalaruan, mali ka ng taong pinuntahan." Bakas ang pagka-irita sa boses ni Chelsie Herwin.

Kanina ay abala siya sa pag-kanta sa karaoke booth kasama ang mga kaklase at kaibigan niya. Napatigil lang siya dahil biglang dumating si Viña. Sinabi ni Viña sa kaniya na may gusto siyang sabihin kay Chelsie.

Kaya ngayon ay nasa likod ng booth ang dalawa. Hindi pa nagsasalita si Viña ay inunahan na siya ni Chelsie magsalita dahil para kay Chelsie ay wala talagang balak na mabuti si Viña.

Alam ng lahat na bully si Viña at ang hindi niya lang kayang i-bully ay si Chelsie dahil magkaparehas lang ang ugali nilang dalawa. Ang pinagkaiba lang ay hindi tinatago ni Viña ang personality niya.

The Destiny Of Her BelovedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon