KABANATA 25

11.1K 590 155
                                    

Kabanata 25.

Today is a very special day. 

I've been waiting for this day to come.

Halos araw-araw ay gigising ako upang masigurado kung tama ba ang date na natatandaan ko dahil baka mali pala ang pagkakatanda ko. Ayokong mamali ang araw ng pagbati ko kay Kasid.

Sobrang excited ako kahapon na tipong buong araw ay hindi ako mapakali. Saturday kahapon kaya walang pasok. Nasa office si Kasid at nagpunta rin ako doon para samahan siya. Kaso tuwing titingnan ko si Kasid ay hindi ko mapigilan ang ngiti sa labi ko.

Hindi pa alam ni Kasid na may regalo ako sa kaniya. Mukhang hindi rin iniisip ni Kasid ang birthday niya. Ako lang talaga ang excited sa birthday ni Kasid.

Gumising ako ng maaga ngayon araw. Sa sobrang aga ng gising ko ay tulog pa si Kasid. Madalas siya ang unang nagigising kaysa sa akin.

Naligo ako at nagbihis. Pagkatapos ay lumabas na ako ng apartment. Nagtungo ako sa 24/7 na convenience store. Natatandaan kong may tinda rin silang small cake.

Bumili ako ng small cake. May kasama na 'yon na maliit at manipis na kandila. Bumili rin ako ng chicken wings sa 24/7 na fastfood chain.

Madaling araw palang at madilim pa ang langit. Mamaya pa sisikat ang araw.

Excited ako kaya sobrang maaga ako. Nang tingnan ko ang orasan ay 1 am na.

Masaya akong bumalik sa aking apartment. Kukunin ko pa ang regalo ko kay Kasid. Nilagay ko sa paperbag ang regalo ko kay Kasid at sa paper bag na 'yon ay may nakasulat na 'Happy Birthday!'. Nabili ko iyon malapit sa school.

Nang makuha ko ang regalo ko kay Kasid ay lumabas ulit ako ng apartment.

Kumatok ako sa pintuan ng apartment unit ni Kasid. Ilang beses pa akong kumatok bago bumukas ang pinto.

Bumungad sa akin ang inaantok na mukha ni Kasid. Naalala ko bigla yung araw na pinuntahan ko siya sa dati niyang apartment. Hindi pa kami close ni Kasid noon. Hindi pa ako nagsasalita non ay bigla na niya agad akong pinagsaraduhan ng pinto.

Nakangiti akong tumitig kay Kasid na nakatayo sa harapan ko. Sinuklay niya ang buhok niya gamit ang kaniyang kamay.

"Happy Birthday, Siyann! I love you so much! Happy 18th Birthday!" Masaya kong bati sa kaniya.

Nakatitig lang sa akin si Siyann. Hindi ko alam kung gising na ba siya o nagsleepwalk lang siya para buksan ang pinto.

Tumawa ako dahil sa naisip ko.

"Siyann, I wish you a happy birthday. I'm so happy for you."

Kumurap si Kasid at mariin lang na nakatitig sa akin. Naglakad na ako papasok sa unit niya. Nilampasan ko siya at hindi niya ako pinigilan.

Naupo ako sa sahig at pinatong ko ang dala kong pagkain at cake sa mababang lamesa.

"Come and sit here, Siyann." Sinenyasan ko si Kasid at tinapik ko ang sahig sa tabi ko.

Walang carpet ang sahig sa apartment ni Kasid pero malinis ang kaniyang sahig at hindi gaanong malamig. Magaling maglinis si Kasid at pati ang apartment ko ay lagi niya din nililinis tuwing umaga at kapag wala kaming ginagawa.

Naglakad si Kasid palapit sa akin at naupo sa tabi ko. Kahit nakaupo na siya ay nakatitig pa rin siya sa akin. Para bang ayaw niyang tanggalin ang tingin niya sa akin.

Hinayaan ko lang siyang titigan ako.

Binuksan ko ang cake at tinusok ang kandila sa gitna non. Tumayo ako para kumuha ng lighter sa kusina ni Kasid. Hindi ako nagpatulong kay Kasid dahil siya ang birthday boy ngayon.

The Destiny Of Her BelovedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon