KABANATA 36

9K 478 105
                                    

Kabanata 36.

THIRD PERSON'S POINT OF VIEW

Today is Alette's birthday. Many days have passed since the car accident.

Sa loob ng malaking VVIP ward ay madaming mga balloons na nakadikit sa kisame. May malaking banner din na may nakasulat na 'HAPPY 18th BIRTHDAY, OUR DEAREST ALETTE!'.

Nakangiti si Loran habang hawak ang birthday cake ni Alette na ginawa mismo nilang lima nina Carjon, Ausren, Aiden at Cyler.

Sa cake ay may nakasulat din na 'Happy Birthday! We love you, Alette Albeus Ariad!'.

Sobrang festive sa loob ng malaking ward na para bang masaya talaga ang mga tao sa loob. Hindi mahahalata ng makakakita na ang taong may birthday ay walang malay na nakahiga sa hospital bed dahil sa festive atmosphere.

"Happy birthday my sister, Alette."

Masayang tiningnan ni Loran ang nakahigang si Alette pero ng makita niyang hindi gumalaw ang babae sa hospital bed ay agad namula ang mata ni Loran. Pinigilan niyang maiyak. Hindi dapat siya maiyak dahil birthday ngayon ni Alette. Bawal umiyak.

Napalunok si Loran at tumingala para pigilan ang makukulit niyang mga luha.

"Happy birthday, my dearest little sister! You're an adult now. Congratulations," nakangiting saad ni Aiden.

Simula ng malaman nila ni Cyler na hindi nga aksidente ang nangyari kay Alette ay nabawasan ang pagka-guilty nila. Pero kahit ganon ay may natitira pa rin guilt sa puso ni Aiden. Hangga't hindi gumigising si Alette ay hindi iyon mawawala.

"Happiest Birthday my dear Alette. Can you wake up now? Look at this place. We prepared everything here just for you." Hawak ni Cyler ang kamay ni Alette habang siya ay nagsasalita.

"It's my turn," saad ni Ausren kaya walang nagawa si Cyler kundi ang bitawan ang kamay ni Alette. "My little sister Alette, Happy happy birthday! Please wake up. We miss you."

Hinawakan ni Ausren ang kamay ni Alette. Walang kahit anong galaw ang makikita o mapapansin sa katawan ni Alette.

Malungkot na binitawan ni Ausren ang kamay ni Alette.

Nagtungo si Carjon sa tabi ni Alette. Ngumiti siya at hinawakan rin ang kamay ni Alette. "Happy birthday, my precious little sister. We are waiting for you."

Nang matapos bumati ni Carjon ay hinipan nilang lima ang kandila na nakatusok sa cake na ginawa nila.

Pinatong ni Loran ang cake sa may lamesa sa harap ng sofa bago siya bumalik sa tabi ni Alette.

"I have a very beautiful gift for you. Look, it's a beautiful stuffed toy and a designer bag. Are you happy, Alette? If you are, then open your eyes. Can you hear me?"

Tinitigan ni Loran ang walang malay na si Alette. Kahit gaano pa siya katagal tumitigil ay hindi pa rin namulat si Alette.

Malungkot na bumuntong-hininga si Loran. "It's fine. Sleep some more. I will wait for you."

Binigyan rin nina Ausren, Aiden, Carjon at Cyler ng regalo si Alette. Kahit alam nilang hindi makikita ni Alette ang mga regalo nila ay naghanda pa rin sila. Pinaghandaan nilang mabuti ang birthday ni Alette.

Hindi nila pwede basta-bastang i-celebrate ang 18th birthday ng pinakamamahal nilang pinsan.

Maging ang cake ay dapat maganda at masarap kaya nag-aral silang lima kung paano gumawa ng cake.

Kinakausap pa ni Loran si Alette nang bumukas ang pinto ng ward.

Pumasok sa loob ang matandang nakaupo sa wheelchair. Sa likod niya ay nakatayo si Lowen Albeus at hawak ang handle ng likod ng wheelchair.

The Destiny Of Her BelovedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon