KABANATA 51

12K 494 54
                                    

Kabanata 51.

Hapon na ng makauwi kami ni Kasid sa bahay. Wala siyang work ngayon araw kaya nag movie marathon kaming dalawa ni Kasid.

Pero habang nanonood kami ay kung saan-saan nakakarating sa likot ang kamay ni Kasid.

Nasa living room kami ngayon at nakaupo sa malaking sofa.

Nakasuot lang ako ng nighdress.

Tinapik ko ang kamay ni Kasid na pumipisil sa legs ko. Nilingon ko si Kasid. Ngumiti lang siya sa akin na para bang wala siyang kahit na anong ginagawa.

"My wife, don't look at me like that."

"Like what?" tanong ko sa kaniya dahil nilingon ko lang siya.

Ngumisi sa akin si Kasid at nilapit niya ang bibig niya sa tenga ko.

"You're obviously bewitching me with those clear and beautiful eyes of yours."

Matapos magsalita ni Kasid ay hinigit niya ako at pinaupo sa lap niya, paharap sa kaniya. Niyakap niya ako ng mahigpit. Kaya pinulupot ko ang braso ko sa batok niya.

"I will give you a very grand wedding next month. I need to prepare everything carefully."

Tumango ako sa sinabi ni Kasid. Ayos lang sa akin kahit hindi na maghold ng wedding ceremony pero alam kong mas masaya rin na magkaroon kami ng wedding ceremony ni Kasid.

Naisip ko rin na hindi papayag si Grandpa, ang dalawa kong uncle at auntie, at lalo na ang mga pinsan ko kapag walang wedding ceremony na magaganap.

"Alright, let's have a big and grand wedding."

Tumawa si Kasid at hinalikan ang pisnge ko ng paulit-ulit. Hindi pa siya nakuntento dahil kinagat niya pa ang pisnge ko.

Sinamaan ko ng tingin si Kasid. Napahawak ako sa pisnge ko habang nakatitig sa kaniya.

"I think you really want to eat me."

Ngumisi sa akin si Kasid. Pinisil niya ang bewang kong hawak niya.

"Yes, I really want to eat you. I can't get enough of you."

Ngumuso ako. Pinanliitan ko ng mata si Kasid.

"I want a revenge," saad ko. Kakagatin ko sana ang pisnge ni Kasid kaso iniwas niya ang mukha niya kaya panga niya ang nakagat ko.

"I failed to escape," pagbibiro ni Kasid.

Natawa lang ako. Matapos ko siyang kagatin ay nakita ko ang bakat ng ngipin sa kaniyang jaw kaya mas lalo akong natawa. 

"How did you become a fairy?" tanong bigla sa akin ni Kasid kaya tumigil na ako sa pagtawa.

Nakangiti sa akin si Kasid. Nasa mukha ko ang buo niyang atensyon. Ganon din ako.

Hindi na namin pinansin ang movie na nagpe-play ngayon sa malaking TV screen.

"I don't know. I just became a flower fairy one day."

Hindi ko talaga alam. Nagkaroon lang talaga ako bigla ng consciousness sa garden ni Goddess of Destiny.

"Flower fairy?"

Tinitigan ako ni Kasid. Tumango ako sa kaniya.

"Yes, I was a Sweet Pea Flower Fairy in the garden of Goddess of Destiny."

Ngumiti sa akin si Kasid. Hindi ko sigurado kung naniniwala ba siya sa akin o gusto niya lang sabayan ang mga bagay na sinasabi ko. Pero hindi na 'yon mahalaga dahil kahit maniwala siya sa akin o hindi ay mahal na mahal ko pa rin si Kasid.

The Destiny Of Her BelovedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon