KABANATA 20

11.8K 579 54
                                    

Kabanata 20.

THIRD PERSON'S POINT OF VIEW

Nilo, Ren, Tomas, Karlo, and Geno.

Sila ang limang bodyguard na pinili ni Kasid para sa client nila na galing sa Capital City.

Ngayon ay nasa loob ng hotel room ang limang lalaking malalaki ang katawan. Ang edad ng lima ay nasa late 20 to early 30's.

Alam nilang isang young master galing sa Capital City ang client nila. Pero hindi nila inakala na isang batang nasa teens palang ang babantayan at poprotektahan nila.

Nakatingin ang lima sa batang lalaking nakaupo sa sofa habang naglalaro ng games sa cellphone. Base sa itsura ng batang lalaki ay mukhang nasa 15-16 years old lang ito.

"You guys, your boss is only 17. Why are you staring at me like I am just a newborn baby?" Nagtatakang tanong ni Loran Albeus sa limang bodyguard na nakatitig sa kaniya.

Nagtataka rin ang limang bodyguards sa kaniya. Siguro dahil siya ang pinakabatang naging client nila dahil halos karamihan na gustong kumuha ng bodyguards ay mga matatanda na. Ang mga past clients nila ay lagpas 30's. Kaya hindi mapigilan ng lima na tingnan ang batang si Loran Albeus.

Unang tingin ay halata talaga na isa siyang young master ng mayamang pamilya. Sabi ng boss nila sa kanilang lima ay magtatravel lang ang client nila pero mukhang walang balak magtravel ang client nila.

Wala talagang balak lumabas si Loran ngayon araw. Siguro dahil hindi siya sanay sa labas. Kailangan niya pang magrelax ng mga ilang araw bago siya magdedesisyon na lumabas at mag-ikot-ikot. Baka sakaling makita niya si Alette sa lugar na 'to.

Habang naglalaro si Loran ay biglang may tumawag. Hindi niya sana sasagutin iyon pero nang makita niya ang caller ID ay agad niyang sinagot ang tawag.

"Mom."

"Loran Albeus, where are you?"

Hindi agad nakasagot si Loran lalo na dahil narinig niya ang galit at nagtitimping tono ng boses ng kaniyang mommy.

"I miss Alette so I went out of the country to see her. I am at Brother Carjon's place."

"What? Are you telling the truth?"

Mabilis na tumayo si Loran kahit hindi iyon makikita ng mommy niya. "Yes, ask brother and see if I am telling the truth or not."

"Okay, I will ask your eldest brother. I will call you later."

"Bye, Mom."

Napahawak si Loran sa puso niya dahil sa kaba. Pero agad niyang tinawagan ang kuya niyang si Carjon Albeus.

Nakahinga siya ng maluwag ng masagot ni Carjon ang tawag niya. Ibig sabihin ay nauna niyang tawagan ang kuya niya at nahuli ang mommy nila.

"Brother Carjon, I told mom that I am with you and Alette right now. Please don't tell her the truth."

Napalunok si Loran habang hinihintay ang sagot ni Carjon.

"Don't tell me you run away too?" Mariin na tanong ni Carjon sa kaniyang bunsong kapatid.

"It's not running away. It's called excursion. I am just traveling right now in another city."

"Are you crazy, Loran? I'm already out of my mind these past few days trying to find Alette and you even want to add yourself to my missing person's list. Don't make me mad, Loran. Go back home."

"I just want to find Alette too. I hired five bodyguards to protect me. You don't need to worry."

"Shut up and go back. I don't have the patience to deal with you right now."

The Destiny Of Her BelovedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon