KABANATA 50

13.5K 506 75
                                    

Kabanata 50.

Kinabukasan ay tanghali akong nagising. Malabong magising ako ng maaga dahil inabot kami ng madaling araw ni Kasid. Sobrang pagod ng katawan ko na ayokong bumangon.

Sa dreamland ay nakakabawi agad ako ng lakas pero dito sa reality ay malabo ang bagay na iyon.

Nang imulat ko ang mata ko ay nakita ko si Kasid na nakahiga sa gilid ko. Nakapatong ang siko niya sa unan at nakapatong ang ulo niya sa kaniyang kamay.

Bumaba ang tingin ko sa kwintas niyang suot. Mukhang hindi niya iyon tinatanggal. Kahapon ko pa napansin ang bagay na iyon.

Ang kwintas na iyon ay may pendant na letter A. Kilalang-kilala ko ang kwintas na suot niya dahil ako ang nagbigay non sa kaniya.

Napangiti ako.

Wala sa akin ang tingin niya. Nasa baba iyon kaya sinundan ko ang tingin niya.

Marahan na tine-trace ni Kasid ang peklat na nasa bewang ko gamit ang kaniyang daliri.

Parehas kaming dalawa na wala pa rin suot na damit. Nakapatong lang ang kumot sa kalahati ng katawan namin.

Muli kong tiningnan si Kasid. Titig na titig siya sa peklat na nasa gilid ng bewang ko.

"Good morning, Siyann."

Tsaka lang nilipat sa akin ni Kasid ang tingin niya. Mariin niya akong tinitigan bago niya hinalikan ang noo ko.

"Good morning, my fairy."

Ngumiti sa akin si Kasid ngunit nagsimula na naman lumikot ang kamay niya. Hinawakan ko ang kamay ni Kasid na nakapatong sa boob ko.

"I'm still tired."

Tumawa si Kasid. Muli niyang hinalikan ang noo ko.

"What's wrong? I am just touching. I won't do anything else."

"I don't believe you."

Hindi nawala ang ngiti sa labi ni Kasid.

"We're going to City Civil Registry Office to get our marriage certificate today."

Matapos magsalita ni Kasid ay binuhat niya ako.

"Right now?" tanong ko sa kaniya dahil pakiramdam ko ay hindi pa kakayanin ng legs ko na maglakad.

"You don't want to?" agad na tanong sa akin ni Kasid. Pumasok siya sa bathroom at nilagay ako sa bathtub.

Bago pa ako makasagot ay nagsalita na ulit si Kasid na para bang alam niya kung ano ang nasa isip ko.

"Don't worry, I'll help you bathe, and I'll carry you later. You don't have to do anything."

"Alright," nakangiti kong hinalikan ang pisnge ni Kasid. "This is your fault anyway."

Tumawa si Kasid.

Ginawa niya ang sinabi niya. Pinaliguan niya talaga ako at binihisan. Binlow dry din niya ang buhok ko at sinuklayan.

Nakangiti lang ako habang ginagawa ni Kasid ang lahat ng bagay na iyon. Wala akong balak pigilan siya.

Nakasuot ako ng white turtleneck top at black knee-length skirt.

Binuhat muli ako ni Kasid ng matapos niya akong masuklayan at mabihisan. Naglakad siya palabas ng bedroom at bumaba kami para magbreakfast.

"I'm going to cook first. Wait for me here."

Inupo ako ni Kasid sa may dining room. Gusto ko siyang panoorin magluto. Sa dreamland ay lagi ko iyon ginagawa. Lagi ko siyang pinapanood magluto.

Pumasok sa loob ng kitchen si Kasid. Magkahiwalay talaga ang dining room at ang kitchen room kaya hindi ko mapapanood si Kasid magluto.

The Destiny Of Her BelovedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon