KABANATA 8

13K 659 181
                                    

Kabanata 8.

ALETTE'S POINT OF VIEW

Late akong nagising ngayon araw. Hindi ako nakatulog kagabi dahil iniisip ko ang love letter na sinulat ko para kay Kasid. Hindi ako sigurado kung naibigay na ba iyon ni Trein Merion o hindi pa.

Pagkapasok ko sa classroom ay binati ako ng aking mga kaklase. Halos lahat sa kanila ay kilala ko na at pamilyar na ako. May ilan kumakausap din sa akin paminsan-minsan. Nagsimula iyon noong naging campus beauty ako.

Ang first impression nila sa akin ay super introvert dahil hindi ako nagsasalita o nakikipag-usap kanino noong nagtransfer ako dito. Hindi rin ako nakikipagkaibigan kaya wala rin lumalapit sa akin kahit gusto nilang makipagkaibigan.

Ngayon ay lumalapit na sila sa akin dahil madalas kong kausap si Gien, Leana at Desari tuwing free time namin.

Pero ang pinakamalapit pa rin sa akin ay si Gien. Sumunod ang dalawang magkaibigan na si Desari at Leana. Mahilig sila sa chismis at hindi sila masamang tao. Maingay lang talaga sila kapag nag-uusap.

Nang makarating ako sa upuan ay nakita kong nandito na rin si Gien, Leana at Desari.

Nagbabasa si Gien habang nakatingin sa akin si Desari at Leana. Sa tingin nila ay alam kong may gusto silang sabihin sa akin.

Pagkaupo ako ay humarap ako sa dalawa.

"Good morning," nakangiti kong bati sa dalawa.

"Good morning, Alette. Alam mo na ba ang nangyari sa school forum?" Tanong sa akin ni Leana kaya umiling ako. Wala akong cellphone kaya wala akong alam sa mga latest news na nangyayari sa school.

Wala rin akong balak alamin maliban nalang kung tungkol ang news kay Kasid. Kahapon ay humiram ako ng phone kay Gien para tingnan ang mga post sa forum tungkol kay Kasid kaso puro post lang ng mga admirers niya ang nakita ko. Mga confessions at ang ilan ay mga sneak photo ni Kasid. Bukod don ay wala ng iba.

Hindi rin ako interesado sa post tungkol sa akin. Ang hindi ko lang gusto ay may kumuha ng picture ko ng walang paalam.

Alam ko rin na hindi rin iyon gusto ng katawan na 'to. Kapag naiisip ko na may nagpicture sa akin ng hindi ko alam ay biglang nagtataasan ang balahibo ko at kinilabutan ako. Siguro dahil lumaki ang katawan na 'to na tago sa mga tao at mga social media.

"Kagabi, biglang nagshutdown ang school forum. Nawala lahat ng post at naging black ang main page ng forum. Kumalat sa mga group chat na nahack ang school forum at iyon din ang sabi ng admin ng school forum natin," pagkukwento sa akin ni Desari.

Sumimangot si Leana at nangalumbaba sa lamesa. "Kaya ngayon, wala kaming chismis na maibabalita sa'yo. Parang nakakapanghina."

"Tama, tama. Huwag lang magpapakita sa akin kung sino man ang nanghack ng ating school forum."

Ngumiti ako kay Desari at Leana bago ako umayos ng upo. Binalingan ko ng tingin si Gien.


Lumingon din sa akin Gien, "Gusto mong humiram ng cellphone?" Nakangiting tanong ni Gien.

Mabilis akong tumango. Mahilig magbasa ng libro si Gien at hindi niya ginagamit madalas ang phone niya kaya pinapahiram niya sa akin para maglaro ng games.

The Destiny Of Her BelovedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon