Milan's POV
-Jerome
Sunduin mo na si Derick, nandito kami ngayon sa 12:30.
12:30, pangalan yun ng bar. Hay! Hating gabi na nga at para bang naging alarm clock na tuwing ganitong oras ang text ni Jerome para ipasundo ang magaling nyang kumpare.
Eh ano bang magagawa ko kundi ang bumangon at ihatid sya.
"Hoy pasan ka?" Nagitla naman ako sa roommate kong itong si Cheryl Benitez ng biglang nagsalita. Matanda sya sa 'kin ng isang taon.
"Sa 12:30" hinga ko ng malalim.
"Hay, hindi ko na kayang nakikita kang ganyan palagi ha, nakakaawa ka na." Alam nya kasing palagi kong sinusundo si Derick doon. "Sige, sasamahan kita!" Sabay tayo nya at suot sa kanyang jacket.
"Thanks" Pasalamat ko bago kami tuluyang umalis.
Binayaran ni Che ng buo ang upa sa dorm namin ngayon noong nakaraang isang taon, dahil ayaw nyang magkaroon ng roommate kasi hinihintay daw nya kong pumasok sa college at para mag roommate kami.
Siguro hindi lang sya ang excited na makita ako sa same school, siguro pati si Derick, ano kayang matatagpuan ko sa kanya pag pumasok ako.
Ano kayang klase syang estudyante, first time ko kasi syang magiging schoolmate kahit matagal na kaming magkasama, as friends. By the way, ito si Che, nakatulog na sa kotse.
"Yan, yan, Milan si Derick nasa loob." Salubong ni Jerome kaya nagising na si Che.
"Ay, Che kasama ka pala." Bati nito at nauna na akong lumabas para tingnan ang paghihitsura ng lalaking yon.
"Cheh! Buhatin mo yung mang-aabala mong kaibigan sa kotse." Singhal nya kay Jerome kaya sumunod na si Jom sa 'kin. "At wag mo 'kong tatawaging Che, di tayo close." Hirit pa nito.
"Oo na Cheryl"
"Cheh!" Tapos ay natulog na ulit sya.
Nakaub-ob na si Derick habang tinatanggal ko ang mahigpit nyang pagkakahawak sa boteng iniinom nya.
Ayoko mang pumunta sa gantong lugar, ang ingay, ang gulo, ang daming tao. No choice pag ang irresistible na si Carl Derick Asuncion ang nagsummon sakin.
I looked at his vulnerable face habang malungkot na nakatitig, puno ng awa.
Maya maya pa ay binuhat na sya ni Jerome at dinala sa kotse ko. Dinala nya to sa back seat at inaayos ko naman ang tayo nya.
"Thank you Milan, uwi narin ako, bye Che." Biglang mumulat si Che at minulagaan sya. "Cheryl" muling sabi ni Jerome at napatawa naman ako sa kanila.
"Milan" Napatigil at napaseryoso ang mukha naming lahat ng bigla akong tinawag ni Derick. "Love you"
"Yan na naman sya." Ika ni Che. Oo nga, if only he mean it.
"Gabi gabi sinasabi nya yan sayo tapos di nya na maalala kinabukasan." Ngisi ni Jerome, inayos ko na si Derick at pumunta na sa drive seat.
"Sige, ingat kayo."
Tulog na si best friend at pasulyap sulyap din ako sa natutulog sa likod. Napahinga nalang ako ng malalim.
Iniwan na kami ni Cheryl habang naghihintay sya sa labas ng bahay ni Derick while I tuck him to sleep at nagluto ng lugaw na itinabi ko sa higaan nya. Isinet ko nadin ang alarm nya at baka malate pa sya bukas sa school dahil sa hang over nya, pero sabagay sanay na naman yan.
YOU ARE READING
I'll Find You In Milan
Romance"She's long dead!" As people remind you. But you're still hoping that she's there. Your best friend for 15 years, and you didn't got the chance to tell her how much you love her. Then you realised, she's here all along and you met her with a differe...