Chapter 8

4 2 0
                                    

Cheryl's POV

Ayun si Beshy nasa loob at nag-iisip padin, lumabas muna ako to let her alone. I always try to make her feel less, kahit mas una nyang nakilala si Derick bago ako, I know this is something serious.

Yung sabi nyang kung may hindi sya iiwan dito, dahilan ako, I know hindi yun maitutumbas sa mga pinagsamahan nila ni Derick, maiiwan nya ko. But Derick, I hope he can appreciate how much Milan loves him, how lucky he is that someone could give up their dreams just for him.

"Naihatid ko na yung Tita ni Milan." Lumapit sa 'kin si Jerome.

"Thank you" I can hardly smile.

"Bukas nga pala yung mismong party dito sa beach, si Ethan nandyan lang yun nangangamusta din siguro ng mga bisita." Sabi pa nya

"I see." Pero tahimik padin ako.

"Ayos ka lang ba?" He might have noticed.

"Nag-aalala lang ako dito kay Milan."

"Bakit, anong problema?" Concern din naman  sya, hindi lang sa 'kin pati nadin kay Milan.

"Wala daw syang swimsuit." Biro ko nalang pero ako yung napatawa.

"Ano?!" Tingin naman nya kaya yan inlove na inlove sa 'kin eh.

"Hindi, yung ipinunta kasi ni Tita, sinusundo sya papuntang Italy para doon na daw sya mag-aral."

"Aalis din si Milan?" Oo, sa Milan.

"Kaso nga tinanggihan nya." Then I looked at him at seryoso lang sya, may pagkapogi nga din naman pala si Jerome. Alam mo na kung paano ko sya idedescribe sa sunod. "Alam mo ba kung bakit?"

"Dahil dun sa kaibigan mo, kay Derick. Anong gagawin natin, takot iwanan, mahal na mahal." Napailing nalang ako.

"Siguro sadyang ganun hindi lang naman yun simpleng gusto, magkaibigan na sila noon pa." He answered me.

"It's not a typical romance, it's much deeper than that, ibang iba kumbaga sa meron tayo." Sabi ko pa, naku yung amin nitong lalaking to walang wala sa kanila.

"Parang?" Tanong pa nya.

"Yung tipong, kung ako yun tapos inalok ako sa Milan, kahit nandyan ka iiwan talaga kita. Alam mo yun?" Hahaha! Ano kayang palagay nya sa sinabi ko?

"Talaga?" Ganun lang? I'm expecting more reaction, like what the hell!

"Pero kung ganoong kagwapo siguro ni Derick, magdadalawang-isip pa 'ko."

"At siguro, kung wala nang ibang nagmamahal sa 'kin kundi ikaw lang." Sagot nya, ganun nga si Derick, pero parang kung ako naman at ikaw, ayos lang. Walang selos feels?

"That's exactly them, hindi ko din sya masisisi, lalo pa't magbabago nadaw itong si Derick."

"Basta nandyan si Milan." Kaya?

"Change of topics, sa tingin mo bagay sa 'kin yung bikining ganun." Yan na, magkakahulihan na tayo. May naglalakad kasing dalawang babae sa beach.

"Hindi"

"Pwes, anong bagay sa 'kin?" I looked at him.

"Ako"

"Alam mo Jey, ba't ganyan ka?" Pinipilit kong hindi mapatawa, baduy ng pick up line lang?

"Ano?" Tingin naman nya.

I'll Find You In Milan Where stories live. Discover now