Chapter 10

9 2 1
                                    

Milan's POV

Hindi ko na kaya! I just want this to be over and gone, itong sakit na nararamdaman ko. Pupunta nalang ako kay Tita at tatakasan lahat ng 'to.

Nagmamaneho ako ng sasakyan habang patuloy lang akong umiiyak. I was so lost hindi na 'ko halos makahinga. I just want to be with him pero hindi ko akalain na kung gaano ko sya katindi minahal, ganun din katindi nya niyapakan ang pinagsamahan namin. I don't know if I could ever give a chance once more dahil mukha namang hindi nya yun kailangan.

Halos hindi ko na halos makita ang dinadaanan ko sa kakaiyak. Mabilis ang pagmamaneho ko dahil gusto ko na agad makarating doon. But suddenly may nakita akong paparating na kotse sa pagliko, I hit the break pero kahit anong gawin ko, hindi bumabagal ang takbo ng kotse. Nangapa ako sa kotse, hindi malaman ang gagawin pero nang palapit na yung kotse, I just took a turn para hindi ito makasalubong.

And that's the last thing I remembered.

________________________________________________
___________________________________________________

Ethan's POV

To be there at her worst is what I'm gonna do. Tinext ko sya for her to hear every single word na lalabas sa bibig ni Derick dahil alam ko na isusuko na nya si Milan.

Hinabol ko sya pero sumakay sya sa kotse nya, ang bilis nya magpatakbo pero I still tried to catch up with her.

Then suddenly I heard a loud crash at inihinto ko ang sasakyan sa nakatumba nyang kotse.

Hindi ako halos makalabas sa kotse ko nang hindi nanginginig ang mga kamay, kotse ni Milan at kitang kita ko kung paano nya yun ibinangga sa malaking tangke ng tubig.

"Dyos ko po!" Hiyaw nung may-ari ng kotse at bumaba.

"Kaibigan ko ho ang sakay dyan." Sabi ko habang tatakbo sa kotse nya.

"Ganun ba, dalahin na natin sya sa Hospital. Sana naman ayos lang sya, susmaryosep!" Alalang alala yung Ale sa sinapit ng kotse ni Milan.

"Doctor po ang ina ko, doon ko nalang po sya dadalhin." It's a good thing na may Hospital din si Mama sa Batangas at tatawagan ko nalang sya para pumunta doon dahil nasa resort sya ngayon.

"Sige susunod ako." Sabi nung babae at sinubukan naming kunin si Milan.

Tinulungan nya 'kong kuhanin si Milan sa loob. Sirang sira ang bintana, pirat ang tagiliran at halos maipit na sya. Malakas ang pagbangga nya sa bakal dahil ang bilis ng pagpapatakbo nya.

Halos maligo kami sa bumubuhos na tubig galing sa naipit na tangke at nung makita ko sya, I know her life's not gonna be the same after this.

Ibinalot ko ang jacket ko sa kanya kahit nabalot na yun ng dugo, thank God she's still alive. Isinakay ko sya sa kotse at pumunta na kami sa Hospital.

Nakarating na kami sa Hospital at magaling dahil nandoon na si Mama at dinala na sya agad sa operating room.

"Who is she?" Tanong ni Mama habang nag-aalala akong nakatayo sa labas.

"Selestine" I said.

"Ethan" harap naman ni Mama because I'm still being crazy about her. "She reminds me of Selestine, at yun talaga ang mangyayari."

"What do you mean?" She asked

"Ma, alam mo kung gaano ko kamahal si Selestine." Tiningnan ko lang sya.

"Ethan, kabaliwan na yan." Yun naman ang sagot nya, but is this love really crazy?

"Nakita mo ba ang mukha nya Ma! Sirang sira, pero magaling nga at buhay sya because I don't wanna loose her!" Iiyak na ako habang tinuturo ang kwarto nya.

"So ano?!" Pakalma sa 'kin ni Mama.

"Alam ko kung gaano kabigat ang pinagdaanan nya, kaya alam ko din na papayag sya sa gagawin ko." Sumeryoso ako ng tingin sa kanya.

"Please Ethan!" Umiling iling lang si Mama.

"Ipapaalam ko sa pamilya nya na patay na sya, and when that happened, I need you to change her life for good.

"Stay here until she woke up, kakailanganin ka nya." Yun lang ang sinabi ko bago tumayo at umalis."May aasikasuhin lang ako."

Pumunta ako sa nabanggang kotse ni Milan, I cut some wire at maya-maya'y may sinindihan.
Lumayo ako as I heard the loud noise ng pagsabog ng kotse nya. Mas maganda na'ng detalyado ang lahat para sa gagawin ko.

Saka ako tumawag ng ambulansya at pulis, noong nakarating na sila doon ay saka ko naman tinawagan si Cheryl.

________________________________________________
__________________________________________________

Cheryl's POV

Gabi na at wala naman si Milan sa kwarto namin. Kasama ko ngayon si Derick at Jerome dahil hinahanap namin sya. Wala din si Ethan at hindi ko naman sila parehas matawagan. Hay! Nasan naba kasi yun?!

Tatawagan ko muna si Tita.

"Tita" tawag ko sa telepono.

"Bakit?"

"Nasa inyo po ba si Milan?" Alalang tanong ko padin.

"Wala"

"Kanina pa ho namin kasi sya hindi makita hindi naman po namin makontak." Alam ko na mag-aalala din sya kung malaman nyang hindi ko kasama si Milan.

"Ganun ba, kailan pa?"

"Ngayon lang pong gabi."

"Sige, pakibalitaan nalang ako agad kapag nahanap nyo na sya, baka nandyan lang yun. Pero pupunta na 'ko dyan."

"Sige po Tita." She hang up at pabalik balik lang akong naglalakad sa buhangin. Si Jom nakaupo at nakatingin sa 'kin, si Derick naman nakayuko lang sa buhangin.

"Wag kayong mag-alala, kasama nun si Ethan." Sabi naman ni Derick, down na down padin.

"Pero kanina pa, hindi nadin sya pumunta sa party kanina." Sabi ko, isa pa baka kanina pang may nangyari sa kanya, hindi ko lang napansin sa party. Yan kasi, space space pa iyan tuloy sya'ng nawawala.

"That's better at least wala syang narinig." Sabi naman ni Jerome, dahil oo nga kung narinig lang ni Milan ang sinabi ni Derick, baka maisip na nung magpakamatay.

"Che, magpahinga muna tayo. Bakit ba sobra kang nag-aalala, baka nandyan lang yun." Yakag naman nitong si Jerome.

"Eh kasi, hindi naman ganun si Milan." Patuloy padin ang pagbalik balik ko.

"Baka masama padin ang loob nya sa naging usapan nila ng Tita nya." Yun padin.

"Ikaw Derick, sa tingin mo?" Tumingin nalang ako kay Derick, dahil kilala nya din si Milan of course.

"I hope she's fine." Yun lang ang sinabi nya, parang pinagbagsakan ng langit at lupa.

Kring...kring...kring
Tunog ng cellphone ko.

"Hello, Ethan"

"Nasa daan ako palabas ng villa sa may paliko.  May nangyari kay Milan." Yun lang ang sinabi nya. Oh my God. Sa boses nya, ramdam ko na na may masamang nangyari kay Milan.

"Oh, sige hintayin mo kami dyan kapag nadaaanan ka namin, papunta na kami." Mabilis kong niyakag yung dalawa at nagpunta na kami doon. I hope she's okay.

My God Milan, basta ka nalang umaalis at nag-aalala talaga kami sayo. We frantically ran there, Ethan's voice just give shivers down my spine, and it's bad.

I'll Find You In Milan Where stories live. Discover now