Derick's POV
Hinarangan kami ni Ethan sa daan nang nandoon na kami, tumawag sya dahil alam nya kung nasaan si Milan. But he must be mistaken, dahil ang nakita ko lang, mga pulis at emergency personnel sa palibot ng isang nakatumba at halos maaabo na'ng kotse.
Wala akong marinig at halos makita. Ang liwanag ng ilaw ng mga sasakyan na nakatigil doon at ang ingay ng mga taong nakapalibot sa kotse. But one thing's for sure, hindi pa man ako nakakalapit, nandoon si Cheryl at ang Tita ni Milan.
"Wala na po si Milan, sumabog ang kotse nya at laman sya noon." Nakayukong sabi ni Ethan pero lumabas lang yun sa kabila kong tenga.
"Hindi, you're kidding right?" Sabi ni Cheryl
"I'm sorry" patuloy padin si Ethan. I don't know, a lot is happening for just a moment and I don't want to catch up.
"No! No! No! Is this a joke, anong trip mo? Kanina lang kausap ko pa sya tapos ngayon sasabihin mo patay na sya!" Iyak na iyak na si Cheryl habang tinutulak tulak si Ethan.
"It's true Cheryl, nawalan daw ng preno si Milan at bumaling sya dahil may makakasalubong sya'ng kotse." Niyakap ni Cheryl ang Tita ni Milan at nakinig lang ako kay Jerome sa mga balitang nalaman nya sa aksidente.
"Kaya bumangga sya sa tangke, bago pa man sya mawalan ng preno, sobrang bilis na ng pagpapatakbo nya kaya malakas din ang naging impact noon. Kasunod nya si Ethan kaya nakita nya yun na nangyari."
"Tapos dahil sa reaction nung tubig sa makina ng sasakyan, sumabog yung kotse. Kasama na dun si Milan. I know mahirap tanggapin pero totoo yun."
Niyakap nya yung dalawa at dinamayan si Cheryl sa pag-iyak. But I don't believe him, pumunta ako sa kotse para makita kung kotse nga yun ni Milan.
"Derick, saan ka pupunta?" Nilapitan ako kaagad ni Jom.
Pumunta ako sa kotse at kahit sira na, naaaninag at nakikila ko padin. Hindi ako makakibo, pinalayo ako ng pulis doon pero umatras lang ako, seryoso padin, hindi malaman kung anong mararamdaman, hindi naniniwala, hindi tanggapin.
"Ikaw ang pumili nyan diba at alam mong yan ang kotse nya." Hinawakan ako ni Jom sa balikat. "I know masakit sa kanila pero iba yung sakit nito sayo Bro." 15 years, and it's all gone sa isang saglit.
"Hindi, paano mangyayari yun, eh sya nga lagi yung nagpapaalala sa 'kin to drive safe." Galit kong harap sa kanya, tinanggal ang braso nya, maiiyak na ngumingisi.
"Dude! Derick, you must continue." Pakalma nya sa 'kin.
"Hindi, buhay sya alam ko!" Humawak ako sa ulo ko at umupo nalang sa isang tabi.
"Ang dami ko pang kasalanan sa kanya! Ang dami pang sorry ang hindi ko nasasabi! Hindi ko pa nasasabi kung gaano ko sya kamahal!" Inihiyaw ko yun at hindi ko na napigilang umiyak, humagulgol ako habang yakap naman ako ni Jerome.
Tahimik lang ang mga kapamilya ni Milan habang pinag-uusapan ang mangyayaring libing sa kanya.
Tahimik lang akong nakasandal sa isang tabi at si Jerome naman ang nakibalita doon.
"Ang kapal din ng mukha mo, nagpakita ka pa dito." Biglang sumulpot si Ethan at kwinestyon ako.
"Alam mo ba kung bakit umalis si Milan at nagmaneho ng mabilis papuntang Tita nya?" Seryoso sya pero wala akong kibo, tahimik lang na nakayuko.
"Nakausap ko sya bago yun kaya sinundan ko sya!" Yun ang hiyaw nya bago ako hinawakan sa damit at iniharap ang mukha ko sa kanya.
"Narinig nya yung sinabi mo! At nasaktan sya dun! Sasabihin na sana nya sa Tita nya na sasama na sya sa Milan para makaalis dito, sa sama ng loob nya sayo!" Patuloy padin ang hiyaw nya
Nakakapikon lang ang tingin ko, wala akong kibo. Nanggigigil nya 'kong binitawan at saka sya umalis.Bakit nya 'ko sasabihan ng ganito, sino ba sya sa akala nya sa buhay ni Milan. Kung makaasta sya parang mas kilala pa nya sya kesa sa 'kin.
Sya rin ang nagsabi na aalis na si Milan para suportahan ko sya. Napakawalang hiya, pakealamero! He's a psycho, paano ko sya naging kaibigan? Pasalamat sya at nirerespeto ko ang pamilya ni Milan, dahil this time, I'm not weak para hindi ipagtanggaol ang sarili ko para kay Milan, even when it's too late now.
Ayoko mang maniwala sa sinabi nya, he makes sense. Nasaktan ko si Milan, ng sobra. I don't diserve her, yun ang palagi kong sinasabi. Pero nung natauhan ako sa sinabi ni Jerome, dun ko palang nalaman kung ano ang pwedeng mawala sa 'kin.
Pero hindi padin ako naniniwala, she can't just die like that. May kasalubong daw yung kotse ni Milan pero tumakas. Yun ang sabi ni Ethan, kahit to consider na wala namang kasalanan ang may-ari noon. Baka alam nya kung paano nangyari ang lahat and that is when I'll just accept that she's dead.
Pumunta ako sa kotse at hinintay doon si Jom.
"Ano daw plano ng pamilya nya?" Tanong ko nang pumasok sya.
"Bukas daw, they'll mourn her kahit walang abo o katawan. They'll display her picture on an ash frame kahit picture lang nya ang nakalagay doon." Nakatingin lang ako sa unahan ng kotse. "Isang araw lang dahil papunta nadin daw yung pamilya nya sa Italy para doon tumira."
"Si Cheryl, I don't know how she'll move on pero nandito lang ako para sa kanya. Eh ikaw Derick, paano ka magmomove on?"
"Who said I'm planning on moving on?" Tingin ko sa kanya, walang emosyon.
"Dati nung nagmomourn ka sa Mama mo, nandyan si Milan, but now she's gone as well. Umuwi ka nalang kaya sa Lola mo. Try to change your life there." Determinado nyang tingin sa 'kin.
"Para ano? Makita si Papa at lalong kamuhian ang sarili ko?" Galit kong tingin.
"Para patawarin sya, para mapatawad mo din ang sarili mo. Yun ang palaging sinasabi sayo ni Milan, kahit wala na sya, sana sundin mo nalang." Bumaba sya ng kotse para bumalik doon sa bahay ng Tita ni Milan dahil nandoon pa si Cheryl.
"Hindi ako aalis dahil hindi pa sya patay! Alam ko yun dahil hindi nya 'ko iiwan." Hinabol ko pa ang hiyaw na yun sa kanya. Because I'm holding on, hindi katulad nila, basta nalang tatanggapin na wala na. Ewan ko ba, even when a hope like this, umiiyak padin ako dahil pwedeng, naghihintay lang ako sa wala. Before, I let her go but now if she's truly gone, this feels like I'm also dying inside.
YOU ARE READING
I'll Find You In Milan
Romance"She's long dead!" As people remind you. But you're still hoping that she's there. Your best friend for 15 years, and you didn't got the chance to tell her how much you love her. Then you realised, she's here all along and you met her with a differe...